Monday, November 26, 2007

Ikasampung Kabanata




10
Kinabukasan, nakaupo sa TMT si Monroy,Williard, at Kristine. Pinag-uusapan nila si Dr. Manuela. Dalawang beses ng liban si Kristine sa klase nito simula nung insidente. Kahit anong pilit ni Monroy at Williard kay Kristine ay ayaw na nitong pumasok sa klase ng Psychology.

“Huwag mo ng i-drop ang subject.Lumipat ka na lang ng ibang klase.” suhestiyon ni Williard.

“At ano naman ang ida-dahilan ko sa registrar? Kinulam niya ako?” tanong ni Kristine.

“Sabihin mo working student ka.” sabi ni Monroy. “Kaya lang may kotse ka pala.Hahaha!” pahabol ni Monroy.

“Kristine, give it a try. Pasok tayo ngayon. If she harasses you again, magrerklamo tayo sa Student Affairs Office.” sabi ni Williard.

“Naks,Williard ang tapang natin ha.Tin, pwede natin siyang idemanda ng harassment. Kami ang witnesses mo.” sabi ni Monroy.

“Sige let’s see. Kapag pinag-initan na naman niya ako, “I’ll drop this subject. Pwede namang ulitin. Halika na nga.” sabi ni Kristine. “Ano yang ginagawa mo,Monroy?” tanong nito.

Nakapikit si Monroy habang yakap ang puno ng mangga.

“Napagod kasi ako kanina sa PE. Itinuro sa akin ito ng Mom ko noong bata pa ako. Madalas ko itong gawin kapag pagod dahil effective naman.” sagot ni Monroy.

“Anong napupulot mo diyan aside from kagat ng langgam at mantsa sa polo?” tanong ni Kristine.

“Nawawala pagod ko. Presko ang feeling! Subukan niyo!” sagot ni Monroy.
“Tama na yan at marami ng nakatingin sa atin.” sabi ni Williard.

Lumakad ang tatlo patungo sa klase ng Psychology. Wala pa si Dr. Manuela. Nang makaupo sila ay lumapit si Jade upang kamustahin si Williard.

“Hi Williard, kamusta ka?”

“Ok lang ako.Kamusta ka naman?”

“Ok lang din. Kamusta naman ang mahilig mag-cutting class?” tanong ni Jade.

“Hoy, anong pakialam mo?” sagot ni Kristine.

Ngumiti lang si Jade at saka umupo. Dumating si Dr. Manuela at nanahimik ang buong klase. Ang iba ay nakatingin kay Kristine. Tinawag agad ni Dr. Manuela si Kristine. Tumayo naman si Kristine.

“Kristine, kamusta ka? May sakit ka pa ba?” tanong nito.

“Magaling na po ako.” sagot ni Kristine.

“Kung magaling ka na ay simulan mo ang ating talakayan. What is “Abnormal Psychology?” muling tanong ni Dr.Manuela sa kanya. Matamang nakatingin ito sa kanya.

“There are four classificatons of abnormal behaviours: infrequent; maladaptive; deviant; and unjustifiable.” sagot ni Kristine.

“Advance ka naman pala. Definition ang tinatanong ko sayo.Bakit mo ibinigay ang classifications? Iyan ba ang natutunan mo sa cutting class?” bulyaw ni Dr.Manuela kay Kristine.

Tiningnan niya si Dr.Manuela upang humingi ng paumanhin sa maling sagot. Nang makita niya sa mga mata nito ang galit, sinubukan niyang umiwas ng tingin ngunit hindi niya magawa. Unti-unti, naririnig niya ang mga masasamang salita na ibinubulong nito sa kanyang mga tenga. Sinubukan niyang sumigaw ngunit parang kumapal at bumigat ang kanyang mga labi. Ang pagsagot sa pamamagitan ng isip ang tangi niyang nagagawa. Muli siyang nakaramdam ng pagka-uhaw. Pakiramdam niya ay buong araw siyang hindi uminom ng tubig. Hindi niya maalis ang pagkakatitig niya sa mga mata ni Dr. Manuela. Parang siyang napasailalim sa hipnotismo. Patuloy ang paghapdi ng kanyang lalamunan. Gusto na niyang tumakbo palabas ng silid ngunit mistulang nakapako ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya at nawalan siya ng malay.

Nang imulat ni Kristine ang kanyang mga mata, si Monroy at Williard ang kanyang nakita.Nasa klinika siya ng kanilang unibersidad.

“Pahingi nga ng isang baldeng tubig, nauuhaw ako.” bungad niya sa dalawa.

“Hahaha! Nakuha mo pang magbiro.Ito ang coke.” sabi ni Williard sabay abot ng coke in can.

“Thanks, Williard.”. Mabilis niyang nilagok ang coke. Nang maubos ay tiningnan niya si Monroy at Williard at saka siya humagulgol.

“Tama na. Sasamahan ka namin sa Students Affairs Office.” sabi ni Monroy habang hinihimas ang likod niya.

“Ang gusto ko lang ay lumipat ng ibang klase. Baka lalo akong mapasama kapag inireklamo ko siya. Ayoko na siyang makita.Natatakot ako!”

“Sige, puntahan natin si Prof.Antonio sa library. Baka pwede siyang makiusap sa registrar para sayo.” suhestiyon ni Williard.

Tumunog ang cellphone ni Monroy. Sinagot niya ang tawag ni Richard.

“Hey, tol,kamusta kayong tatlo?” bungad ni Richard.

“Ayos lang kami ni Williard. Si Kristine, nahilo na naman sa Psychology class.” sagot ni Monroy.

“Sabi ko na nga ba at may hindi magandang mangyayari sa kanya.Noong Sabado, nakita ko siyang parang natatakpan ng kung anong itim na bagay ang mukha niya.Sabi ni Mama, masama daw iyon!” sabi ni Richard.

“Anong ibig mong sabihin,tol?” tanong ni Monroy.

“Dumating na Professor namin. Mamaya na lang tayo mag-usap sa bahay. Ingat sa pag-uwi,tol.” paalam ni Richard.

Makalipas ang mahigit isang oras na pahinga sa klinika ay nagpunta ang tatlo sa aklatan. Hindi naman sila nahirapan na makita si Prof.Antonio.Tinawag nito ang isang student assistant upang asikasuhin ang mga estudyanteng nais manghiram ng aklat.

Niyaya sila ni Prof.Antonio sa bandang likuran na bahagi ng aklatan. Isinalaysay ni Monroy at Williard ang ginagawang pang-gigipit ni Dr. Manuela kay Kristine. Tahimik na nakinig si Prof.Antonio. Si Kristine naman ay hindi nagsasalita. Pagkatapos marinig ang kwento ay kinuha ni Prof.Antonio ang kanyang bag. Inilabas nito ang isang kaha ng baraha. Pagkatapos balasahin ang baraha ay iniabot niya ito kay Kristine.

“Kristine, pumili ka ng isang baraha na gusto mong itago. Huwag mo itong ipapakita sa akin. Sa pamamagitan ng iyong isip, sabihin mo sa akin kung ano ang barahang napili mo upang mahulaan ko ito. Titingnan natin kung kaya mong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng isip.” utos ni Prof. Antonio kay Kristine.

Kahit naguguluhan, sumunod si Kristine sa utos ni Prof. Antonio. Nang makapili ng isang baraha, isinuksok niya ito sa bulsa ng kanyang handbag. Ipinokus niya ang atensyon sa mga mata ni Prof.Antonio. Binuo niya ang isang imahe kung saan ay ibinubulong niya kay Prof. Antonio ang baraha.

“King of Hearts.” sabi ni Prof. Antonio.

“Tama kayo,Sir! sabi ni Kristine.

“Gawin mo ulit para maka-tiyak ako sa hinala ko.” utos ni Prof.Antonio.

Muli nilang inulit ang proseso. Sa anim na barahang itinago ni Kristine, 4 dito ang nahulaan ni Prof.Antonio.

"What is happening to me? Nababaliw na yata ako." sabi ni Kristine.

Hinawakan ni Prof.Antonio ang kamay ni Kristine at saka nagsalita.

“Kristine, may ESP ka. Huwag kang lalapit kay Manuela dahil delikado ang kalusugan mo kapag napuruhan ka niya. May lahing Babaylan si Manuela.” deklara ni Prof.Antonio.



10 comments:

Eminemz said...

awtz psychology! tsk tsk wala me alam jan! Ngunit hindi naman me lumiliban sa class hahahaha sayang kasi baon ^^ at oras walang gnagwa hahha

Anino said...

Depende sa propesor niyo.may magaling at may tamad.Salamat sa pagbabasa ha.Balik ka ulit.

Anonymous said...

Oi, achei seu blog pelo google está bem interessante gostei desse post. Gostaria de falar sobre o CresceNet. O CresceNet é um provedor de internet discada que remunera seus usuários pelo tempo conectado. Exatamente isso que você leu, estão pagando para você conectar. O provedor paga 20 centavos por hora de conexão discada com ligação local para mais de 2100 cidades do Brasil. O CresceNet tem um acelerador de conexão, que deixa sua conexão até 10 vezes mais rápida. Quem utiliza banda larga pode lucrar também, basta se cadastrar no CresceNet e quando for dormir conectar por discada, é possível pagar a ADSL só com o dinheiro da discada. Nos horários de minuto único o gasto com telefone é mínimo e a remuneração do CresceNet generosa. Se você quiser linkar o Cresce.Net(www.provedorcrescenet.com) no seu blog eu ficaria agradecido, até mais e sucesso. If is possible add the CresceNet(www.provedorcrescenet.com) in your blogroll, I thank. Good bye friend.

JIMG29 said...

que barbaridad...cresenda esta una historia...ympaktitos y anitos dormando mis suenos..oooh kilaboots!

Anonymous said...

Grabe naman si Mam Manuela, ano naman kung may ESP si Kristine. Insecure ba sya? Sorry medyo nadadala lang ng istorya..hehehe.Godbless

Tsaka pahabol lang totoo daw yung pagyakap sa puno na makakatanggal ng pagod at stress. ZEN energy ata ang tawag dun. Pero kailangan eh maganda at masiglang puno ang yayakapin.. Sbi ito ng kaibigan kong prof sa Psychology. Psychology graduate nga pala ako..

Anino said...

ZKEY,alam mo din pala yung pagyakap sa puno.Magkakasundo kayo Monroy.

Jessica said...

bakit pala kung lahing babaylan?

at least alam ko na di naloloka si kristine. kakaawa namn, hirap talaga kung di mo alam na may power ka tapos pwedeng i-take advantage ng may nakapuna nito. hay buti na lang anjan si prof. :P

Anino said...

Inspirasyon dito:Babangon ako at dudurugin kita ni Sharon Cuneta.

angielen said...

aw. kaya naman pla eh. luka yung manuela na yun. tae ba xa. hmp.

Anonymous said...

Angielen, ang dialogue mo ay parang kontrabida din.