Tuesday, November 13, 2007

Ikapitong Kabanata


7
Klase nila sa General Psychology. As usual, pinag-iinitan si Kristine ni Dr. Manuela. Mabuti na lang at laging siyang may sagot sa mga tanong nito.Nagtaas ng kamay si Jade upang magtanong.

“Dr. Manuela, what is “Parapsychology”?” tanong ni Jade.

“Around 1880 nagsimula ang mga research about parapsychology. Ilan sa mga sakop nito ay ang telepathy, precognition, telekinesis, clairvoyance at hauntings. Ipapaliwanag ni Kristine ang kahulugan ng telepathy sa inyo.” sabi ni Dr. Manuela.

Nagulat si Kristine sa narinig. Nang makabawi ay tumayo siya at nagpaliwanag.

“Telepathy is the transferring of thoughts or feelings between individuals using their minds.” sagot ni Kristine. “Some parapsychologists claim that animals possess telepathy as well.” dagdag pa niya.

“Do you believe in telepathy, Kristine?” tanong ni Dr. Manuela. Matalim ang tingin nito sa kanya.

“May mga experiments na ginawa ang ilang parapsychologists na nagpapatotoo sa telepathy. For example, inihiwalay nila ang inang kuneho sa mga anak nito. Inilagay nila ito sa isang submarine na kasalukuyang nasa ilalim ng dagat. Sa lupa, isa-isang pinatay ang mga batang kuneho habang inoobserbahan ang vital signs ng inahing kuneho. Naging abnormal ang vital signs na inahing kuneho. Patunay lang na nararamdaman nito ang nangyayari sa kanyang mga anak.” paliwanag ni Kristine.

“Magaling, Kristine. Bakit hindi ka sumulat ng kwentong kababalaghan dahil malawak ang iyong imahinasyon?” tanong ni Dr. Manuela.

Tiningnan ni Kristine si Dr. Manuela. Nakita niyang nanlilisik ang mga mata nito. Nilabanan niya ito ng tingin. Lumipas ang ilang segundong pagtitig niya sa mga mata ni Dr. Manuela ay nakaramdam siya ng pagka-uhaw. Humahapdi ang kanyang lalamunan na parang nasusunog. Patuloy pa rin ang titigan nila ni Dr. Manuela. Hindi na niya makayanan ang lalong paghapdi ng kanyang lalamunan kaya binawi niya ang kanyang paningin. Nahihilo na siyang napaupo sa sahig.Tahimik ang buong klase. Humalakhak si Dr. Manuela at nagwika.

“Akala mo ba ay kaya mo ako? Hahaha! Class dismiss.” tumayo ito at lumabas ng silid.

“Ayos ka lang ba, Tin? tanong ni Monroy.

“Oo.Nahihilo lang ako.Gusto ko ng tubig.” sagot nito

“Sigurado ka? Gusto mo bang pumunta sa clinic?” tanong ni Williard.

“Sinabi ng OK lang ako! Tubig lang ang kailangan ko.” sigaw niya kay Williard. Tumayo siya ngunit muling nadulas at bumagsak sa sahig. Tinawanan siya ni Jade sa nakita.

Pumayag na si Kristine na pumunta sa clinic. Halos maubos niya ang tubig sa water dispenser. Pinahiga ng nurse si Kristine sa kama at hinipo ang ulo nito.

“Ano po kayang nangyari sa kanya?” tanong ni Monroy sa nurse.

“Hindi ko pa alam dahil hindi naman ako manghuhula. Check ko lang ang temperature niya.” sagot ng babaeng nurse. Kinuha nito ang body temperature ni Kristine.

“Miss, normal naman ang temperature mo. Nag-lunch ka ba kanina?” tanong ng nurse.

“Kumain po kami kaninang lunchtime.” sagot ni Williard.

“Aba, babae ka pala. Hindi ikaw ang tinatanong ko.” sabi ng nurse.

“Miss, bakit ba ang sungit mo? Government employee ka kaya dapat serviceable ka.Sayang ang tax na pinang-gagalingan ng sweldo mo.Ano ba ang problema ng friend namin?” sabi ni Monroy.

Hindi sumagot ang nurse. Kumuha ito ng 2 paracetamol at pina-inom kay Kristine. Gising si Kristine ngunit nakapikit ito.

“Balikan niyo na lang siya mamaya.” sabi ng nurse.

“Wala na kaming klase. Babantayan na lang namin siya.” sabi ni Williard

“Hindi pwedeng tumambay sa clinic.” sabi ng nurse.

“Magbabantay kami at hindi tatambay. Para hindi ka na rin maabala.” sabi ni Wiliard.

“Bahala kayo.” sabi ni nurse.

Lumipas ang sandali ay bumuti na ang pakiramdam ni Kristine.

“Tin, ano bang nangyari sayo? Kumain naman tayo kanina di ba?” tanong ni Monroy dito. Hinahaplos ni Kristine ang kanyang lalamunan

“Hindi ko alam. Basta bigla na lang akong nauhaw at nahilo. OK na ako ngayon. Mayroon akong sasabihin sa inyo. Kaya lang wag dito. Doon tayo sa TMT.” sabi ni Kristine sa dalawa.

Pagkatapos magpaalam sa nurse ay nagpunta sa cafeteria ang tatlo at bumili ng snack. Pagkatapos ay naglakad patungo sa TMT. Nang makaupo ay mabilis na ininom ni Kristine ang coke. Nang maubos ito ay saka ito nagsalita.

“Alam niyo ba kanina nung mag-titigan kami ni Manuela, kinilabutan ako. Parang nag-uusap kami sa isip lang. Ang dami niyang isinisigaw sa isip ko lang.Nung una ay Tagalog ang mga sinasabi niya kaya sinasagot ko pa siya sa isip ko din. Then, hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil ibang language na yata at sobrang bilis niyang magsalita. Kinakausap niya ako sa isip lang. Hanggang sa naramdaman ko na nauuhaw ako. Humapdi ang lalamunan ko. Para akong umiinom ng mainit na tubig. Doon natapos ang titigan namin.What a bitch!” kwento ni Kristine.

“Sayang naman si Mam. Maganda pa naman kaya lang may lahing mangkukulam pala. Iba ang itsura niya kanina. Kita mga ugat sa noo niya. Iyong mga labi niya ay sobrang pula.” sabi ni Williard.

“Alam mo Tin, baka naman yan ang subconscious mind mo na kinakausap ka dahil may sikreto ka sa Mom mo.Tell her pag-uwi mo mamaya para magkaroon ka ng peace of mind.” sabi ni Monroy.

“Ano yun?” tanong ni Williard.

“Astig itong si Tin. Ang alam ng Mom niya ay sa La Salle siya naka-enrol. Hahaha.” sagot ni Monroy.

“Huh? Ang bigat nga niyan sa kunsensya.Apat na taon mong ililihim? Sooner or later ay malalaman din naman yan ng Mom mo. Kaya ka pala kung anu-ano ang naiisip mo.” sabi naman ni Williard.

“Basta alam ko ang naramdaman ko kanina. Kinausap niya ako sa isip lang. Kapag ako ay nagkasakit o namatay, yang mangkukulam na yan ang may kagagawan!” sabi ni Kristine.

“Ang ganda namang mangkukulam ni Mam.” dagdag ni Monroy.

5 comments:

JIMG29 said...

bat nga ba importante ang maging isang lasalista, kesehoda,

buntis siguro si Kristine!

Jessica said...

ay agree ako, wala lang talagang peace of mind si kristine, baka senyales yan ng pagkaloka.

pero honestly, gustung-gusto kong matuto na makipag-usap gamit ang isipan, pero grabe energy pinag-uusapan dito, kaya ayan nahilo si kristine, di nya nakayanan ang pagsalin ng powers, pers taym nya kasi.

me bago akong idol, si ms. manuela!

Anino said...

Caca,ang dami mo namang idolo.Maganda yan dahil ibig sabihin ay kailangan mong subaybayan ang aking nobela.Hehehe.

Maloloka kaya si Kristine?Abangan...

angielen said...

haynaku. anu ba yan! Di ba may gumanyan din kay williard? hmmm...weird.....interesting tuloy. Nice! Pero bka nga malapit nang maging psychotic tong si Kristine kasi may iba xang problema diba.

Anino said...

Maging psychotic kaya si Kristine? Abangan!