Wednesday, May 2, 2012

Isang mapagpalayang araw sa lahat ng mambabasa.Ito pa din ang inyong lingkod na isang alagad ng Kasaysayan,Anino. Muling nabuhay ang akin nobela ngunit ito ay nasa Facebook na.Sa mga interesado pa, pumunta lang sa mga sumusunod:


Direktang kabanata ng madugong nobela

Ang Facebook account ng inyong lingkod

Ang PAGE ng Madilim na Kasaysayan http://www.facebook.com/pages/Anino/287817524638941

Maraming salamat sa mga sumubaybay, at muling susubaybay sa aking nobela. Ako ay nangangakong ibibigay sa inyo ang kabuuan nito. Halika na sa aking bagong tahanan Ang inyong lingkod, Anino

Sunday, November 15, 2009

Obituwaryo: Simeon Obeda

Pangalan: Simeon Obeda

Sanhi ng Kamatayan:

Gulang:

Gawain: Dalubguro sa Unibersidad ng Pilipinas; consultant ni DILG secretary

Lamay:

Wednesday, July 8, 2009

Obituwaryo: Susan Fernandez-Magno

Pangalan: Susan Fernandez-Magno
Sanhi: Kanser sa obaryo
Gulang: 52 anyos
Gawain: propesora, mang-aawit ng katutubong himig, at tagapagsulong ng karapatan ng mga kababihan.
Lamay: Christ the King Church, Green Meadows

Friday, February 20, 2009

Magiging matapat ako sayo, basura ang blog mo!


Anong ibig sabihin ng award na ito?

Binibining Biyoleta, nais magpasalamat ni Anino para sa iyong ipinagkaloob na ‘Honest Scrap’ award. Ito ang kaniyang kauna-unahang award na katulad lang ng isang spam. Hangga’t maari ay iniiwasan ni Anino ang ganitong klaseng post dahil hindi tugma sa tema ng kaniyang blog ngunit nakita niyang mainam itong panapal-butas. Abala si Anino sa pagsusulat ng nobela kaya humihingi siya ng paumanhin sa pagiging atrasado. Nasasabik din siya sa maaari pang sumunod na mga award.

Isa lang ang dahilan kung bakit niya tinaggap ang award. Ito ay sa kadahilanang HINDI NIYA KILALA SI VIOLET, ang nag-gawad.Klik niyo ito para makilala niyo siya.

Ang award na ito ay mahalaga kay Anino dahil ito ay itinuturing niyang CPR na nagpanumbalik sa kaniyang buhay.

Ang mga sumusunod ay tipikal na katangian ni Anino.


1. Maawain siya sa mga hayop partikular sa pusa. Kung mariwasa ang kaniyang pamumuhay, nais niyang magtayo ng silungan upang dito kupkupin ang mga ulilang aso at pusa.

2. Mahilig siya sa mga libro. Pangarap niyang magpatayo ng enggrandeng pampublikong aklatan

3. Kahit kailan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan ang magtungo sa ibang bansa.

4. Itinuturing niyang bangungot ang eleksyon sa taong 2010 sa kadahilanang wala sa mga nagbabalak tumakbong pulitiko ang karapat-dapat maging pangulo ng Pilipinas. HIling niya na sana ay huwag na siyang magising.

5. Naniniwala siya na kung may Diyos man, isa itong babae.

6. Isa sa kaniyang abnormal na ugali ay ang maghugas ng kamay. Mababa na ang labinlimang beses sa isang araw.

7. Muntik na siyang makapatay ng tao. Sobra ang naramdaman niyang panghihinayang ng hindi ito natuluyan. May plano siya.

8. Bata pa lang ay ambisyon na niya ang maging isang guro. Napatibay pa ito ng kaniyang karanasan sa kolehiyo. Naisip niyang hindi siya bagay na magsisigaw sa kalye habang may hawak na bandila. Napagwari niyang kakaiba ang kaniyang misyon sa buhay.

9. Pinaniniwalaan niya na ang isang taong namumuhay ng walang kwentang buhay ay dapat alisan ng buhay.

10. Magandang lalaki si Anino. Instrumento niya ang kaniyang itsura sa pagsulong na pansariling interes.

Sampu pa lang iyan ng katangian ni Anino. Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa dahil ang tema ng award ay ‘honesty’.

Ano kaya ang kila:

The Meliorist ni Ginabeloved (napakalungkot ng iyong pinakabagong post)

Poisoning the Well ni Dyilyan (ang blog mo na may natatanging lay-out)

Pen Palaboy (balik na)

Kai Reyes ni Kai (balik na)

Proudly Philippine Made ni Pinoysrock! (mabuhay ka)

Ah...Basta ni Abou (tingnan niyo ang utong niya)

From my Inbox ni Roland Marcial (isang pagbati para sa bago mong blogs)

Bluedreamer ni Blue (ang pinakamasipag na blagero)

Kwento ni Enday ni Enday (ang pinakamasipag dumalaw)


Para sa mga hindi nakakaunawa ng Tagalog:


When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to the said person so everyone knows s/he is real.


Choose a minimun of seven (7) blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don't have seven friends.


Show the seven random victims' names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with Honest Weblog. Well, there's no prize, but they can keep the nifty icon.


List at least ten (10) honest things about yourself. Then, pass it on!

Saturday, January 24, 2009

Ang katapusan





Una sa lahat, nais kong humingi ng tawad sa mga mambabasa at kapwa bloggers sa kadahilanang hindi ko na maitutuloy pa ang nobelang Madilim na Kasaysayan. Mali, patuloy ko pa rin itong isinusulat. Ang aking ipinagpaliban ay ang paglalathala ng mga kabanata. Sana naman ay mapatawad niyo ako.

Ang ikalawa ay ang aking absensya sa mundo ng blogging. Matagal din akong nawala sa sirkulasyon dahil muntik na akong mamatay sa trabaho. Hindi naman konstruksyon ng gusali o dam o iba pang delikadong okuspasyon ang aking trabaho. Ako ay isang guro na inaalila at minamaltrato sa aking eskwelahan. Daig ko pa ang makina ng ATM. Mabuti pa ang mga ito, maaring mag-offline samantalang ako ay 24 oras na abala. Kapag nakakasalubong ko nga ang prinsipal namin ay si Kamatayan ang nakikita ko. Yung dala niyang bolpen ay mistulang karit na kayang putulin ang aking paghinga anumang oras.

Bigyan niyo naman ako ng payo kung paano ko magagantihan ang bruhang punong-guro dito. Ang isa kong naisip ay butasin ang mga gulong ng kaniyang kotse. Mayroon na ba sa inyong nagawa ito? Anong instrumento ang pinaka-epektibo? Kailan ang pinaka-huwarang oras?

Iyan po ang unang sulyap niyo sa aking personal na buhay.
Na-miss ko talaga ang blogging. Na-miss ko ang pagbabasa ng mga entrada niyo. Sa ngayon, ang pinakamahalaga ay nakabalik na ako. Mali, ang pinakamahalaga pala ay ang plano kong paghigantihan ang halimaw na edukador dito sa eskuwela. Ikalawang mahalaga ay nakabalik na ako sa daloy.

Ito na ang katapusan ng aking katahimikan.
Magandang tanghali.

Monday, September 8, 2008

Walang Chapter 29!

I am truly sorry for the delay of Chapter 29. I read my story and realized that it sucks! It screams poor characterization, terrible grammar, and chaotic plot. After contemplating the problem from all sides, I revised my manuscript, thus, resulted to major changes in characters, plot and just about everything. Now, the question is:

“What shall I do next?”

I created a poll to know your opinion. Please have your say.

Regards,
Anino

Tuesday, May 27, 2008

Ika-dalawampu't apat na Kabanata


24

Ipinaliwanag ni Propesor Antonio ang proseso ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng isipan. Ayon sa kanya, ang mundo ay puno ng enerhiyang walang tigil na umiinog sa sanlibutan. Ito ay nagmumula sa bawat nilalang sa karagatan, lupa at himpapawid. Ang mga enerhiya ay mistulang kumpol ng sinulid na lumilikha ng sala-salabat na trapiko na siyang konektado sa bawat nilalang na nabubuhay sa mundo. Ang ilang taong katulad ni Kristine ay mulat sa mga enerhiyang hindi nakikita ng iba kaya’t nagagawa nilang makipag-usap gamit ang utak. Kapag namatay ang isang tao, napuputol ang kaniyang sinulid at nawawala ang kaniyang koneksyon sa mga nabubuhay.

“Maaring patid na ang sinulid ni Lily kaya’t…” naputol ang pagsasalita ni Propesor Antonio.

“Sir, kailangan nating magreport sa pulis. Pinatay si Lily.” mariing pahayag ni Wiliard.

“Guys, we don’t know who or what caused Lily’s death. Pinatay ba siya o naaksidente? Sir, are you sure na patay na si Lily?” paninigurado ni Kristine.

“Wala akong sinabing pinatay si Lily. Masyadong malawak ang imahinasyon mo Williard.” sabi ni Propesor Antonio. “Kristine, bakit hindi mo subukang muling padalhan si Lily ng mensahe?”

Tumalima si Kristine sa nais ni Propesor Antonio. Ipinikit niya nag kaniyang mga mata. Ibinuhos ang kaniyang atensyon upang likhain ang imahe ni Lily sa kaniyang utak. Hindi rumehistro ang mukha ni Lily. Muli siyang nabigo sa ikatlong pagkakataon. Lingid sa kaniyang kaalaman, nagsimulang umagos ang mapupulang dugo mula sa kaniyang ilong.

“Tin, tama na yan.” wika ni Monroy.

“Susubukan ko ulit.” sagot ni Kristine habang nakapikit pa rin ang mga mata.

“Dumudugo na ang ilong mo” sabi ni Richard. “Tama na yan.”

Idinilat ni Kristine ang kaniyang mga mata at hinipo ang kaniyang ilong. Namantsahan ng sariling dugo ang kaniyang mga kamay. Kumuha siya ng tissue sa kaniyang bag at pinunasan ang dugo.

“Gusto mo ba ng tubig?” tanong ni Williard.

“I’m fine. I guess that does it. Wala na nga si Lily. What’s next?” wika ni Kristine.

“Kakausapin ko si Jay upang magsagawa ng paghahanap sa labi ni Lily sa lalong madaling panahon. Nang sa gayon ay malaman natin kung anong aksidente ang nangyari sa kasamahan niyo.” pahayag ni Propesor Antonio.

“Aksidente?” bulalas ni Williard.

Mula sa kanilang lamesa ay natanaw ni Monroy ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Nakatalikod ito sa kanya ngunit nakilala naman niya na si Jeff ito. Nilapitan niya ang kasamahan sa Akyat Kalikasan upang kamustahin.

“Hey,Jeff, nandito ka pala. Kamusta?” bati ni Monroy.

“Ayos lang ako. Ikaw?”

“Okay lang din. Siyanga pala, nakausap mo na ba si Lily?”

“Hindi naman siya nagre-reply sa mga text ko. Maging ang mga tawag ko ay hindi din niya sinasagot ang mga tawag ko.” mahinahon na paliwanag ni Jeff. “Hindi ko tuloy madala mga gamit niya sa kanilang bahay.”

“Hindi mo ba alam ang address nila?”

“Alam ko kaya lang …kaya lang ay may problema kami ng nanay niya.” wika ni Jeff. Sandali itong nanahimik at saka ngumiti ng tipid. “Magre-research muna ako para sa report sa Biology.”

Bagama’t nais pang tanungin ni Monroy ang kasamahan, naramdaman niya ang kalungkutan nito kaya’t nagpaalam na lang muna siya dito at saka nagbalik sa kanilang lamesa.

“Sino iyon? Miyembro din iyon ng Akyat Kalikasan,hindi ba?” tanong ni Prof. Antonio.

“Si Jeff po, Sir. Kasama din namin siya sa pag-akyat.” sagot ni Monroy.

“Inuulit ko, ako na nag bahalang makipag-usap kay Jay. Huwag ng makalalabas pa ang pinag-usapan natin. Maliwanag ba?” pahayag ni Propesor Antonio.

“Yes, Sir!” sang-ayon ni Monroy at Richard.

“Yup! Mahirap ding magpaliwanag kung paano ko nalamang wala na si Lily.” sabi ni Kristine.

“Malinaw ba sa iyo ang pinag-usapan natin, Williard?” tanong ni Propesor Antonio.

Isang pagtango ang itinugon ni Williard sa kaniyang propesor.

“Kung gayon ay umuwi na kayo at marami pa akong gagawin.” paalam ni Propesor Antonio.

Marami pang tanong ang nabuo sa kanilang isipan ngunit tinalikuran na sila ng kanilang propesor. Hudyat na wala itong balak na sagutin pa sila. Walang umiimik na iniwan ng apat ang aklatan. Nagpasiya silang magtungo na lamang sa Student Veranda. Pinuntahan ni Kristine ang mga kasamahang cheerleaders sa opisina ng Cheers!. Si Monroy, Williard at Richard ay dumiretso sa tambayan ng Akyat Kalikasan. Naabutan nilang nag-uusap si Tomy at Kim. Natutulog naman si Lanie.

“May balita na ba kayo kay Lily?” tanong ni Kim.

Inunahan ni Monroy si Williard na magsalita. Sinabi niyang wala pa siyang natatanggap na text o tawag mula sa kasamahan.

“Ewan ko ba.” kibit-balikat ni Monroy. “Chad, nag-text na ba sayo si Lily?”

“Hindi din.” sagot ni Richard.

“Ewan ko ba dun kay best friend. Pati ako ay hindi man lang tini-text!” wika ni Lanie. Nagising ito at kumuha ng isang malaking pakete ng Nips sa fridge. Binuksan niya ito at nagsimulang kumain ang grupo. Napansin ni Lanie na walang imik si Williard. Hindi din ito tumitikim ng Nips.

“Williard, ayaw mong Nips?” alok ni Lanie.

“Thanks.” tanggi ni Williard. “Nasaan si Jay?”

“Kaaalis lang niya. Pupunta siya sa library para kausapin yata si Sir Antonio.”

Mabilis na naubos ang tsokolate. Muling nagbukas ng pakete si Lanie at ipinagpatuloy ang pagkain at paku-kwentuhan.

“May naaksidente na ba sa inyo sa pag-akyat ng bundok?” tanong ni Williard.
“Teka…si Anna. Ahead siya sa atin ng 2 years. Nag-swimming kami sa Biak-na-bato. Muntik ng malunod si Anna.” kwento ni Lanie.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Jeff. Umupo ito sa tabi ni Williard.

“Nasaan si Jay?” bungad ni Jeff.

“Kausap si Sir Antonio.” sagot ni Tomy.

“May report ako sa Bio. bukas!” bulalas ni Jeff. “ Magpapatulong sana ako. Okay ka lang, Williard?”

Kumuha si Jeff ng ilang piraso ng tsokolate mula sa supot na hawak ni Monroy. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Williard. Muling tumanggi si Williard.

“Sige, C.R. lang muna ako.” paalam ni Jeff sa grupo. Isinubo nito ang Nips at saka lumabas ng opisina.

Ipinagpatuloy nila ang kwentuhan. Ilang sandali pa ay dumating si Kristine. Nagpaalam si Monroy, Williard at Richard sa kanilang mga kasamahan at saka lumabas ng opisina. Naglakad ang apat patungo sa parking lot ng unibersidad upang ihatid si Kristine sa kotse nito.

“Kailan ang competition?” tanong ni Monroy.

“Next week na! Excited na nga ako!” sagot ni Kristine. Kahit sabik ay nababagabag siya sa natuklasan tungkol kay Lily.

“Don’t worry,Tin. We will be there!” sabi ni Monroy.

“Oo naman! Hindi kami mawawala sa first competition mo.” dugtong ni Richard.

“You better be there. Hahaha!” sabi ni Kristine.

Narating ng apat ang parking lot. Bago sumakay ng kotse ay nagpaalam si Kristine sa mga kaibigan.

“Kaya mo bang mag-drive,Tin?” tanong ni Williard.

“Williard, ayos lang ako. I can take care of myself. Thanks.”

“Ingat sa byahe.” sabi ni Richard.

“Text me kapag nakarating ka na sa bahay.” sabi ni Monroy.

“Aksaya pa yan sa load. Pwede ko namang ipaalam na nakauwi na ako sa isip lang.” pabiro ni Kristine. “Joke lang. Sige uwi na ako.”

Lumabas ng paaralan ang tatlo ng makaalis si Kristine. Bago pumara si Monroy at Richard ay pinasakay muna nila si Williard ng bus patungong Buendia. Sumakay ang dalawa ng isang FX biyaheng Fairview. Katahimikan ang namayani sa pagitan ng magkaibigan. Makalipas ang sampung minuto ay binasag ito ni Richard.

“Punta ko sa inyo para matingnan natin yung mga pics.” bulalas ni Richard.

“Next time na lang dahil masyado ng late.” sabi ni Monroy. Nagtatampo siya sa kaibigan. Inilihim ni Richard sa kanya ang tungkol sa signos na nakita nito kay Lily.

“10 p.m. pa lang naman. Baka nandoon na tayo sa inyo before 11.”

“Not now, Ricardo, pagod ako!”

Hindi na nagpumilit si Richard. Tinawag siyang “Ricardo” ng kaniyang kaibigan. Isang senyales na galit si Monroy. Naidlip na lang siya upang maiwasan na salubungin ang hindi magandang nararamdaman ni Monroy. Mahigit kalahating oras ng biyahe pa ang lumipas at nakauwi ang magkaibigan.