Tuesday, October 30, 2007

Ikatlong Kabanata




3
Human Evolution ang discussion ng klase. Matapos ipinaliwanag ni Prof. Antonio ang “Out of Africa Theory” at ang pinaka-unang primate na pinagmulan ng tao o genus Homo, pinag-usapan naman ang mga species sa ilalim ng genus na ito. Inilarawan at pinag-kumpara ni Prof. Antonio ang Homo habilis, Homo erectus, Homo neanderthalensis at Homo sapiens. Binanggit din niya ang mga naka-diskubre sa mga fossils ng mga ito. May nagtaas ng kamay upang magtanong.

“Sir, kung totoo ang teorya na mga Homo erectus ang unang gumamit ng apoy, ibig bang sabihin ay hilaw na karne ang kinakain ng mga Homo habilis?” tanong ni Jade

“Malamang ay hilaw na karne ng hayop. Kumakain din naman sila ng prutas at iba pang pwedeng makain.” sagot ni Prof.Antonio

“Sir, do they practice cannibalism dati?” tanong ni Kristine.

“Maaring mangyari yan. Marami namang dahilan ang isang tao kung bakit niya magagawang kumain ng kapwa niya tao. May mga dahilan ang cannibalism pero hindi natin pwedeng i-discuss sa klase dahil out of topic na yan. Kung gusto niyo ay puntahan niyo ako sa library mamaya at pag-usapan natin yan.” paliwanag ni Prof. Antonio.

“Sir, may cannibals pa ba ngayon?” tanong ni Monroy.

“Ang Kolufu Tribe ng Papua New Guinea ang itinuturing na pinaka-huling tribo na nag-practice ng cannibalism. Isipini niyo, hindi sila aware na may iba pang tao sa mundo until 1970s ng madiskubre sila.”

“Sir, pwede bang sabihin na may aswang?” tanong ni Monroy.

“Bakit naman nasali ang aswang sa usapan?” balik - tanong ng guro nila

“Sir, kung nag - evolved ang Homo erectus from Homo habilis, pwedeng may mga nanatiling kumain ng hilaw na karne. Ilang milyon ang nagdaan at nanatili silang ganun ang kinakain.What if there are certain species that branched out from Homo habilis na patuloy na kumain ng hilaw na karne ng hayop o maging tao? Para na rin silang aswang kung ganun ang practice nila. Not to mention na hindi pa sila ganap na mukhang tao.” paliwanag ni Monroy.

“Wala namang aswang. Maniniwala pa ako sa mga cannibals.” hirit ni Jade.

“Masyadong malawak na topic ang binuksan mo ,Monroy. Mamaya na natin sa library pag-usapan yan.” sabi ng kanilang propesor.

Tinapos ni Prof.Antonio ang discussion sa Tabon Man na natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan.Ito ang tanging prehistorikong tao ng Pilipinas. Ang Tabon Man ang itinuturing na unang tao sa Pilipinas.

“Next week, tatalakayin natin ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Magbasa kayo para makasali naman kayo sa discussion. Class dismiss.”

Natapos ang araw at nakatambay sa TMT ang tatlo.

“Tin, mukhang may galit sayo si Dr. Manuela,ha.” sabi ni Monroy

“Oo nga eh. Ang pangit na yun. Insecure talaga sa ganda ko.”

“Maganda kaya si Mam!” sabi ni Williard.

“Hoy, palibhasa probisyano ka kaya wala kang taste. Maputi lang iyong bruha kaya akala niya ay maganda siya.” inis na sabi ni Kristine. “Ano bang alam mo sa kagandahan?Wala naman!”

Iniba ni Monroy ang usapan ng mapansin na napipikon si Kristine.

“Lard, buti hindi natuloy ang sore eyes mo. Anong ginamit mo?” tanong ni Monroy.

“Huwag mong pansinin iyon. Hindi pa siguro sanay ang mga mata ko sa pollution.” sagot ni Williard.

Nag-ring ang phone ni Monroy at sinagot niya ito.

“Hey tol, napatawag ka yata. Dami nating load ha.”

“Nasaan ka na? Akala ko ba manonood tayo ng movie?” sagot ng nasa kabilang linya.

“Tol, pupunta kaming library para mag-research. Sa weekend na lang tayo manood. Isasama ko rin mga classmates ko para makilala mo sila.”

“OK, no problem. Ingat ka sa biyahe,tol.”

“Sige, tol.” paalam ni Monroy. “Tara library tayo” yaya niya kay Williard at Kristine.

Sa library, kanina pa pala sila hinihintay ni Prof. Antonio.

“Sir, naniniwala ba kayo sa aswang?" tanong ni Monroy

“Oo.” tipid na sagot ni Prof. Antonio.

“Nakakita na ba kayo ng aswang, Sir?” tanong ni Williard

“Oo.” muling sagot ni Prof. Antonio.

“Kwento niyo naman, Sir.” sabi ni Monroy na talagang interesado sa aswang tulad ni Kristine. Si Williard ay walang interes na makinig. Nagpaalam si Williard sa tatlo upang kumuha ng aklat na mababasa. Bumalik ito na may bitbit na aklat tungkol sa mga Babaylan.

“Noong college pa ako, mountaineer ako dito sa campus natin. Umakyat kami ng Mt. Cristobal. Alam niyo naman siguro ang Mt. Cristobal. Apat na araw kami doon. Narating namin ang campsite on the second day. Sa paanan ng bundok, sinabihan na kami ng mga nakatira doon na irespeto ang bundok. Huwag daw tumuro sa kung saan. Huwag daw malakas kung magtawanan. Kung magbabawas naman ay magpaalam muna sa bundok. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoong bagay kaya di ko pinansin ang mga paalala. Kinagabihan ay kwentuhan habang umiinom ng lambanog. Panay ang saway sa akin ng mga kasama ko dahil malakas akong tumawa. Ako naman ay lalo ko pang nilakasan ang pagtawa dahil lasing na ako. Natapos ang inuman at natulog kami. Alam niyo ba ang nangyari kinabukasan?”

“Ano?” sabay na tanong ni Monroy at Kristine.

“Nawala ang sandals ko.” sagot ni Prof. Antonio.

“Iyon lang? Nasaan ang aswang?Sandals pala ang kinakain ng mga aswang.” tanong ni Kristine.

“Sabi ng kasama ko, mga duwendeng itim daw ang kumuha.Mamaya pa iyong aswang.”

“Bakit nila nasabi na duwende?” tanong ni Williard.

“Ang baho kasi ng paligid. Sobrang baho. Parang bugok na itlog. Ganoon daw ang amoy ng ihi ng isang itim na duwende.” sagot ni Prof. Antonio.

“Yuck, Sir!” sabi ni Kristine.

“Noong una,inakala ko na may nagtago lang ng sandals ko. Mahigit isang oras na ay wala talagang umamin. Si David, iyong isa naming kasama na mapamahiin ay humingi ng paumanhin sa bundok. Naglagay pa siya ng pagkain sa tabi ng isang puno na malapit sa campsite namin. Sinabihan ko na siya na itigil na ang kanyang mga kalokohan dahil walang duwende. Hinanap ko ang sandals ko. Napalayo ako sa campsite dahil sa paghahanap. Dahil sa call of nature, umihi ako sa tabi ng isang malaking puno. After kong umihi ay may nakita ako ng isang butas. Mga isang metro din ang laki ng bukana nito. Lumapit ako sa bukana ng butas upang tingnan ang loob nito. Naramdaman ko na lang na may pumukpok sa ulo ko. Then, hinimatay ako.”

“Anong nangyari sa inyo, Sir?” tanong ni Monroy

“Nang magising ako, nasa loob ako ng tent namin. Sumilip ako sa labas at nakita ko ang mga kasama ko na tahimik na nakaupo. Ang isa pa nga ay umiiyak. Tinanong ko sila kung ano ang nangyari at kung bakit wala na kami sa tuktok ng Cristobal. Nasa kalagitnaan na kasi kami ng bundok. Ang kwento nila, nawala daw ako ng ilang oras sa paghahanap ng sandals ko. Hinanap nila ako after 3 hours. Nakita nila ako sa tabi ng isang malaking puno. Walang malay at may sugat sa ulo. Sabi ni David, duwende daw ang may gawa. Mayroon daw mga duwendeng itim na tinatawag na “Caranget”.Ang isang Caranget ay madalas umupo sa sanga ng isang puno. May hawak ito na isang malaking bato at naghihintay ng taong pwedeng bagsakan sa ulo. Marami daw duwendeng Caranget sa Mt. Cristobal. Ang swerte ko daw dahil hindi kalakihan ang batong bumagsak sa ulo ko.” mahabang paliwanag ni Prof.Antonio.

“Hindi naman lubusang masama ang mga Caranget. Ayaw lang nilang pinakiki-alaman ang teritoryo nila.” pahabol ni Prof. Antonio.

“That is very interesting, Sir. At ironic dahil itim na duwende pero hindi lubusang masama? Ipinagtanggol niyo pa.” sabi ni Kristine. “What about the aswang?”

“Isa lang sa mga uri ng duwendeng itim ang mga Caranget. Sila ang pinaka-mild kung tutuusin. Atat ka naman sa aswang, Kristine. Sige fast-forward ko ang istorya.” medyo inis na sabi ni Prof. Antonio. Ipinagpatuloy nito ang kwento.

Inabot ng gabi ang grupo ni Prof. Antonio sa pagbaba ng bundok. Napagpasyahan ng lahat na doon na matulog tutal ay malapit na rin naman sila sa paanan ng bundok. Ang lahat ng kasama niya ay mabilis na nakatulog dahil sa sobrang pagod. Siya naman ay hindi dalawin ng antok dahil sa pagkirot ng sugat sa kanyang ulo. Hindi pa rin siya naniniwala na duwende ang may gawa nito sa kanya. May narinig siyang kaluskos na parang taong tumatakbo. Nasundan ito ng ingay ng mga manok na parang kinakatay. Lumabas si Prof. Antonio upang hanapin ang pinagmumulan ng ingay. Dahil sa liwanag ng buwan, may natanaw siyang anino sa likuran ng isang puno. Sa pag-aakalang isang magnanakaw, hindi na niya kinuha ang kanyang flashlight at nagmamadaling lumapit sa puno upang tingnan kung sino ang may-ari ng anino. Nakita niya ang isang pigura ng tao na sa hula niya ay isang babae dahil sa mahaba nitong buhok. Nakatalikod ito sa kanya. Nakaupo ito at tila ay abala sa kung anong ginagawa nito. Binati niya ito ng magandang gabi. Lumingon ang babae kay Prof. Antonio. Ang mga mata nito ay nanlilisik at puno ng dugo ang mukha habang kumakain ng kung ano. Mayroon itong nginunguya. Ibinuka ng babae ang bibig nito at sumigaw ng ubod lakas. Tumalsik ang laman ng bibig nito sa mukha ni Prof. Antonio. Pagkatapos sumigaw ay mabilis na tumakbo ang babae palayo. Nagsisigaw na bumalik si Prof. Antonio papunta sa campsite. Ang kanyang mga kasama ay nagising na rin ng marinig ang sigaw niya at ng babae. Nang matapos isalaysay ang kanyang nakita sa mga kasamahan, lahat sila ay pumunta sa sa puno upang tingnan kung ano ang kinain ng babae. Nakita nila ang dalawang patay na manok na wakwak ang dibdib. Pagkatapos ng tagpong iyon ay dali-daling nag-break camp ang grupo at bumaba ng bundok sa kalagitnaan ng gabi. Nang marating ang bayan, nagbayad sila upang makitulog sa sala ng isang bahay. Binanggit ng grupo sa may-ari ng bahay ang kanilang naranasan sa Mt. Cristobal. Ang aswang daw na nakita ni Prof. Antonio ay isang “Buso.” Karne ng patay na tao ang kinakain ng isang Buso ngunit kung mahigpit ang bantay sa sementeryo ay nagtitiyaga ito sa manok. Sinabi ng may-ari ng bahay na matagal na raw nilang gustong mahuli ang Buso dahil peste ito sa kanilang kabuhayan. May suspetsa na raw sila kung sino ito.

“Sir, anong itsura ng Buso?” tanong ni Monroy.

“Mga mukha din silang tao. Kapag walang bangkay ay manok na buhay ang kinakain nila. Mabibilis silang tumakbo kaya mahirap mahuli.” sabat ni Williard.

“Bakit alam mo?” tanong ni Kristine.

“Sa bayan namin sa Negros ay “Calag” ang tawag dyan.” sagot ni Williard.

“May alam ka pala sa aswang. Bakit di na lang ikaw ang mag-kwento sa mga kaibigan mo, Williard? Taga-Negros ka pala. Marami daw aswang doon.” sabi ni Prof. Antonio

“Actually, yung mga aswang sa Negros ay mga dayo lamang. Galing talaga ang mga iyon sa Siquijor at Capiz. Kaya lang ay pinalayas sila ng mga “Babaylan.” paliwanag ni Williard.

“May alam ka din pala sa mga Babaylan. Bukas ang discussion natin dyan sa klase. See you tomorrow.” paalam ni Prof. Antonio.

Unang Kabanata



1
Araw ng Biyernes, alas-dos ng tanghali, kumakain si Monroy sa kantina ng kanyang unibersidad. Kanin, pinakbet, at samalamig ang kanyang tanghalian. Napilitan lang siyang umorder ng pinakbet dahil wala ng iba pang pagkain. Lahat yata ng pagkain ay makakaya niyang kainin, maliban sa pinakbet na may bagoong. Wala siyang hindi kinakain na gulay maliban sa bagoong. Mas mabuti pang igisa ang gulay kaysa lagyan ng bagoong para kanya. Mabuti na lang at may naabutan pa siyang samalamig. Paborito niya itong pamatid-uhaw. Tinanghali si Monroy ng gising kaya isa siya sa mga pinaka-huling natapos sa enrollment. Masaya siya dahil nakapasok siya sa gusto niyang pamantasan. Isa ito sa mga pinakamahuhusay na unibersidad sa bansa.

Kung tutuusin ay kaya niyang mag-aral sa mamahaling pamantasan dahil mayaman ang pamilya niya ngunit dito siya pinadpad ng kanyang adhikain. Sa isang unibersidad ng mga iskolar ng bayan niya aabutin ang pangarap na maging isang guro. Ang unibersidad na kaniyang papasukan ay tanyag sa kagalingan sa larangan ng kursong edukasyon. Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung anong espelisasyon ng pagtuturo ang kaniyang papasukin ngunit sigurado siya sa kaniyang sarili na nais niyang maging isang guro. Tatlong araw na lang ay pasukan na kaya't nasasabik na siya. Malapit na siyang matapos kumain ng may lumapit sa kanya. Isang maganda, seksi, at matangkad na babae. Halatang sosyal ito dahil sa mamahaling kasuotan.
“Hi, pwedeng maki-share ng table?” tanong ng babae.
“Sure. Go ahead.” sagot ni Monroy. Sa isip niya, kursunada siya ng babae dahil sa dami ng bakanteng lamesa ay tumabi pa ito sa kanya. Hindi sa pagmamayabang ngunit may itsura naman siya. Pagdating sa pag-aaral, hindi siya pahuhuli. Matangkad din naman siya ngunit mas mataas ang babae sa kanya. Umupo ang babae. Magkaharap sila sa mesa. Pasulyap-sulyap si Monroy dito tuwing susubo ito ng pagkain. Napansin niya na may inis sa mukha nito.
“Ang init naman dito.” sabi ng babae.
“Okey lang naman sa akin” sabi ni Monroy. Nginitian niya ang babae.
“I’m Kristine. And you are?” tanong nito.
“Monroy.”
“And the food, gross!” sabi ni Kristine.
Nag-ring ang cellphone ni Kristine at sinagot niya ito. Mahigit anim na minuto ang itinagal ng usapan ni Kristine at ng kaniyang ina.
“Shit! I can’t believe this is happening to me. Monry, tell me this is not real!” sabi ni Kristine
“It’s Monroy. Anong problema?” tanong ni Monroy kay Kristine.
Ikinuwento ni Kristine ang dahilan ng pagka-inis niya. Dapat ay sa DLSU siya mag-aaral. Bayaran na ng tuwisyon ng maholdap siya sa kalye ng Taft. Gamit ang cellphone habang naglalakad patungo sa kotse niya, tinutukan siya ng kutsilyo ng holdaper. Kinuha ng holdaper ang bag at cellphone niya. Nasa bag ang pambayad niya ng tuwisyon. Mayaman ang pamilya ni Kristine ngunit hindi biro ang halaga ng salaping nakuha sa kanya. Alam niya na magagalit ang kanyang ina kapag nalaman ang insidente at iyon ang ayaw niyang mangyari. Hindi ito maramot sa pera kung may balidong rason. Inilihim niya dito ang naganap na insidente. Naghanap siya ng ibang unibersidad na maaring pasukan at ibinili niya ng bagong cellphone ang natitira niyang pera.
“Sa pagkaka-intindi ko, hindi alam ng Mom mo na dito ka mag-aaral?” tanong ni Monroy.
“Oo. Mabuti nga nakahabol ako sa last admission test. At isa pa, malapit ito sa La Salle kaya hindi mahahalata ng Mom ko.” paliwanag ni Kristine.
“Ang laki ng problema na pinasok mo.”

“We will see. Monry, I have to go. See you next week. May I have your cellphone number?”
“Sure.” Ibinigay ni Monroy ang number niya. “See you around.”
Matapos makuha ang kanyang cellphone number ay nagpaalam na si Kristine sa kanya.
“Arte.” bulong ni Monroy.Isang katangian na ayaw ni Monroy ang kaartehan.