Friday, November 2, 2007

Ikaapat Na Kabanata


4
Sa klase ng Philippine History, isang mainit na talakayan ang nagaganap. Ayon
kay Prof. Antonio, ang mga Babaylan ay ginagalang na mamamayan sa isang komunidad. Ang mga Babaylan ang lider sa aspetong panrelihiyon at pangkalusugan. Ito ang kanilang mahalagang papel sa ating lipunan bago dumating ang mga Kastila.

“Sir, ang mga lalakeng Babaylan ba ay bakla?” tanong ni Nelson.

“Hindi sila mga bakla. Simbolo sila ng pagiging pantay ng ating lipunan bago dumating ang mga Kastila. Sa ordinaryong araw, ang mga Babaylan ay ordinaryong magsasaka, mangingisda at iba pa. Class, ang “Mediterranean Machismo” ay dinala lang ng mga kastila sa Pilipinas. Hindi “Patriarchal” mag-isip ang mga sinaunanag Filipino. Generally, mga babae ang Babaylan ngunit maaaring maging Babaylan ang isang lalake dahil walang gender discrimination noon. Ngunit may ilang lugar sa Pilipinas kung saan ang isang Babaylan ay dapat na babae o lalake lamang.
For example, ang Mumbaki sa Ifugao ay lalake lamang. ”

“Sir, kung may kapangyarihan ang mga Babaylan, maaari ba nating sabihin na
mga mangkukulam sila?’ tanong ni Monroy.

“Iyan ang ginawa ng mga kastila sa mga Babaylan. Pinagbintangan silang mga mangkukulam at kampon ng diablo. Isa yan sa mga propaganda nila to convert the early Filipinos into Christians. Lumaban naman ang mga Babaylan. Isang pag-aaklas na pinamunuan ng mga Babaylan ang nangyari sa Antique. May isang malaking kawa sa loob ng kweba na puno ng pagkain. Binabantayan ng isang Babaylan ang kweba. Kung nagugutom ang isang miyembro ng pag-aaklas ay papasok lamang siya sa kweba upang kumuha ng pagkain sa kawa. Ang ipinagtataka nila ay hindi naubusan ng pagkain ang kawa. Maraming pag-aaklas ang inilunsad ng mga Babaylan upang itakwil ang Kristiyanismo. Sa bandang huli ay nagtagumpay ang mga kastilang misyoneryo na itaboy ang mga Babaylan palayo sa mga pueblo.” kwento ni Prof. Antonio.

Nagtaas ng kamay si Willliard upang magdagdag ng impormasyon.

“Sir, may karagdagan ako. Ang mga Babaylan din ang dahilan kung bakit kakaunti na lang ang mga aswang. Dapat nating ipagpasalamat iyan sa kanila.”
dagdag ni Williard.

“Hahaha!At bakit nasama ang aswang dito sa usapan? History ang topic at hindi children’s story.” sabad ni Jade.

“May tanong ako sayo Jade. Ilan ang species under the “Felidae Family”?” tanong ni Prof. Antonio.

“Hindi ko po alam ang exact number. Basta ilan sa kanila ay domestic cats, lions, tigers, jaguars, at Cheetahs.” sagot ni Jade.

“41 to be exact. Sa palagay mo ba ay tayo lang ang nabubuhay na specie under Homo Sapiens?" tanong ni Williard kay Jade.

“Debate na!”sigaw ni Arvin.

“Oo. Extinct na ang Homo sapiens idaltu, di ba?” balik-tanong ni Jade kay Williard.

“Oh extinct naman pala.” hiyaw ng mga kaklase nila.

“Kung mayroong domestic cats at wild cats,may posibilidad ba na mayroong wild humans na pwede nating tawagin na aswang? Bakit maamo ang ang isang pusang bahay? Bakit mabangis ang isang leon?” tanong ulit ni Williard dito.
Hindi nakasagot si Jade. Nag-taas ito ng kilay at umismid kay Williard. Tumingin ito kay Prof. Antonio na parang humihingi ng saklolo.

“Class, sa Liang Bua Cave sa Flores, Indonesia, nahukay ang fossil ng “Homo floresiensis” ngayong 2003. Ang height ng nahukay na fossil ay wala pang 4 feet. Fossil ito ng isang 30 years old na babae. Isipin niyo kung gaano kataas ang mga batang Homo Floriensis.Aabangan natin ang development.” paliwanag ni Prof. Antonio.

“Sir, para silang mga duwende natin.” dagdag ni Williard.

“Williard, kontrobersyal pa ang Homo floresiensis. Paano kung totoo ang sinasabi ng ilang scientist na may microcephalus lang ang fossil na nahukay? Kanina aswang, ngayon naman duwende!” hirit ni Jade.

“Oo nga naman. Microcephalic naman pala!” sigaw ni Nelson.

“Sir, pwede din na hindi microcephalus ang dahilan ng pagiging maliit nila. Mayroon kasing tinatawag sa science na “Dwarfism.” dagdag ni Tina.

“Class, maganda ang talakayan natin. Williard at Jade, maganda ang batuhan niyo ng mga tanong. Kaya lang ay wala ng oras.Next time ulit. Iyong mga natutulog dyan, baka matapos ang semester na hindi ko naririnig ang boses niyo. Baka di ko maalala ang pangalan niyo kapag gumagawa ako ng grades. Class dismiss.” sabi ni Prof. Antonio.

8 comments:

caca said...

ano ba naman tong klase na toh! ang daling matapos! di ba, at least 40 minutes ang isang klase, eh parang di pa umabot ng 10 minuto tapos na, ay maganda pa naman sana makinig sa mga paliwanag ni prof antonio. hmmm, baka may date itong titser na ito at nagmamadaling tapusin ang klase nya. i smell something fishy!

pero ang galing ha, yung mga facts na napupulot ko dito. :)

oh, nakadalawa na ko today. bukas ulit. :)

ay yung tanong na kung bakit me mga pusang wild at tamed. hindi nasagot! mahilig pa naman ako sa pusa!

Anino said...

Caca,akala ko ba ay gusto mo si Prof.Antonio?

Nagsimula kasi ang klase sa gitna na kaya madaling natapos.

caca said...

teka wala pong nabanggit sa komento ko na ayaw ko na kay prof, ang pinuna ko yung haba ng klase.

palusot pa toh, sa gitna daw. next time buong klase isulat mo, kasama lahat ng spoilers. hahaha!

pero galing talaga, dami ko learn. sige on my way to the other chapters.

Anino said...

Caca, baka kasi mawalan ka ng interes (boring) kung buong klase ay isasalaysay.

SPLICE AND DICE said...

baka naman may mga nabubuhay pa na mga 'sinaunang tao' ngayon, tulad ng homo floriensis, hindi lang natin natatagpuan. O pwede rin na ubos na sila. Pero sana meron pa pare exciting hehe

Anino said...

Splice and Dice, malay natin. Sabi ng Siyensya, wala pang sampung porsyento ng mundo ang natutuklasan natin.

angielen said...

wild humans ang aswang??? interesting theory willard!!!! andito na po ako Kuya.,i'll continue reading.

Anino said...

Angielen, maraming salamat sa komento.