16
Patuloy siya sa pagsigaw habang ang babae ay patuloy naman sa paghalakhak. Mas lalong lumakas ang halakhak ng babae sa tuwing uungol si Monroy. Kitang-kita ni Richard sa mga mata ng babae ang kagalakan habang naghihirap ang kaniyang kaibigan.Ang berdeng likido sa bibig ng babae ay naging pula na mistulang dugo. Muli niyang sinubukan ang tumayo upang tulungan ang kaibigan ngunit hindi niya ito magawa.Nakita niyang nangitim ang mukha ni Monroy. Biglang bumukas ang mga mata nito at tumirik.Patay na ang kaniyang kaibigan.
Pinagmamasdan ni Richard ang babae habang niyugyog nito ang ulo ng kaniyang kaibigan upang makatiyak na patay na ito.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at napahagulgol dahil sa pagsisi.Para saan pa ang kakayahan niyang makakita ng signos kung hindi naman niya nailigtas ang matalik na kaibigan. Kung binalaan sana niya ito ay maaaring naiwasan ang malagim na pangyayari. O kaya naman ay hindi na sana siya natulog upang nabantayan niya ang kaniyang kaibigan.Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, nakatayo sa harapan niya ang matabang babae.Nakangisi ito saka muling humalakhak.Umupo ito sa dibdib niya at inumpisahan siyang sakalin.Nahirapan siyang huminga dahil sa lakas at bigat ng babae.Balewala dito ang mga kalmot at suntok na pinakawalan niya. Muli siyang sumigaw upang humingi ng tulong ngunit sa pagbuka ng kaniyang bibig, idinura dito ng babae ang malapot na pulang likido kaya’t siya ay nasamid. Lalong bumaon ang mga kuko ng babae sa kaniyang leeg.Unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin.
“Ahhhhhhh!!!” sigaw ni Richard.
“Mabuti naman nagising ka.Binabangungot ka, tol!” sabi ni Monroy.“Halika sa bahay para makakuha ng tubig.”
Halos lagukin ni Richard ang isang pitsel ng malamig na tubig dahil sa matinding uhaw at takot.
“Hinay-hinay lang! Baka naman nakaligtas ka nga sa bangungot eh malunod ka naman!Ano bang nangyari?Horror ba talaga?Buti ka pa nakakatakot ang panaginip!” sabi ni Monroy.
Nakaramdam ng kaunting pagkairita si Richard.Kilala niya si Monroy. Mahilig ito sa nakakatakot na istorya, pelikula at maging mga larawan.Basta katatakutan ay wala itong pinaliligtas na sandali. Maganda ang gising sa umaga ng kaniyang matalik na kaibigan kapag kababalaghan ang napaginipan nito. Naging kaugalian na nito ang isulat sa notebook ang mga panaginip at saka binabasa sa tuwing may bakanteng oras.Sa kabila ng pagka-irita, inusal niya sa sarili ang pasasalamat na panaginip lang pala ang lahat.
“Hoy, ano na?Kwento ka naman diyan!” pilit ni Monroy.
Nilapitan niya si Monroy at saka niyakap. Pagkatapos ay pabiro niya itong sinakal.
“Bukas na lang,tol.Tara,tulog na tayo.” sabi ni Richard.
Alas-dies na ng umaga ng magising si Monroy.Wala na sa treehouse si Richard.Hindi na naman ito bago sa kaniya dahil may military duty ang kaibigan niya sa unibersidad nito.Pancake at pineapple juice ang almusal na inihanda ni Shiela.
“Hi,anak. Mabuti naman at walang meat yang almusal mo.Kailan ka ba magiging vegan?” sabi ni Ginang Siphayo.
“Good morning,Ma. Darating din tayo diyan, Ma. Saan ang punta niyo?” tanong ni Monroy.
“Kasama ko si Kumareng Letty at pupunta kami sa isang office ng NGO diyan lang sa Philcoa.Ido-donate ko itong mga lumang libro at magazine. Sayang naman dahil kinakain lang ng alikabok.Gusto mong sumama?” sabi ni Ginang Siphayo.
“Next time na lang.May assignment ako sa Math eh.And I have to clean the closet and sort out my old clothes that you can donate next week.” sagot niya.
“Oo nga pala at kailangan ko yan.O siya,Monry, naririnig ko na ang kotse ni Kumareng Letty. Enjoy your breakfast,Son.” sabi ni Ginang Siphayo.
Humalik siya sa pisngi ng kaniyang ina at saka ito inihatid sa labas. Hanga siya dito dahil kahit pagod na sa trabaho ay charity works naman ang pinagkaka-abalahan tuwing weekend.Kahit may sarili silang kotse ay nakikipagpalitan ito ng sakay kay Ginang Susan upang makatipid sa gasolina at iwas polusyon.Bisikleta naman ang gamit nito kung malapit lang ang pupuntahang lugar.Idolo niya ito kung disiplina ang pag-uusapan.
Lumipas ang umaga at natapos niya ang kaniyang takdang aralin.Nalinis din niya ang kaniyang aparador at dalawang plastik na bag ng lumang damit ang kaniyang nalikom.Tinanggalan din niya ng agiw ang koleksyon niya ng DVD na halos puro katatakutan. Kung pinapayagan lang sana niya si Shiela na pumasok sa kwarto niya upang maglinis ay hindi na sana siya nahihirapan.Nang matapos ang lahat ng dapat gawin ay isinalang niya sa DVD player ang pelikulang “Henry:Portrait of a Serial Killer”. Isa ito sa paborito niyang pelikula dahil sa magaling na pag-ganap ng aktor dito ngunit hindi niya mapokus ang sarili sa panood dahil interesado siyang malaman ang napaginipan ng kaibigan niyang si Richard.Ngayon lang niya nasaksihan na bangungutin ito. Naging kaugalian na niya kasi ang itala ang kaniyang mga panginip.Imbes na matakot ay naaaliw pa siya kung kababalaghan ang napaginipan niya. Sumapit ang alas-singko ng hapon ay napagpasyahan niyang magpunta sa hardin upang ayusin na ang regalo para kay Kristine.Naging parang may sariling mundo na naman siya dahil sa nakapalibot na halaman at puno.Hindi niya dinadala ang kaniyang cellphone sa tuwing pupunta ng hardin dahil ayaw niyang maistorbo.Namalayan na lang niyang lumubog na ang araw ng tawagin siya ni Shiela para mag-hapunan.
“Kuya,anong masasabi mo kay Kris at Joey?” tanong ni Shiela.
“Sino naman yun?” tanong ni Monroy.
“Kris Aquino at Joey Marquez.” sagot ni Shiela.
“Puro ka talaga showbiz.Sana ipadala ka ni Gloria sa Iraq. Kumain ka na lang.”
“Huwag naman,Kuya. Hindi ko na mapapanood ang Extra Challenge.”
Alas-nuebe pa lang ng gabi ay napagpasyahan ni Monroy na matulog. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng isang text message mula kay Richard.
Pare, nauna na ako sa school.May dadaanan pa kasi ako.Ingat ka sa biyahe.Text na lang kita later.Ingat ulit.
Sa klase ng Philippine History, naka-toka si Monroy sa pagbabalita. Binasa niya ang isang artikulo mula sa Inquirer tungkol sa mga sundalong Pilipino na ipinadala ng pamahalaan sa Iraq bilang isang ka-alyado ng Amerika.
“Sa palagay ko, napakarami nating domestic problems para makialam sa isang digmaan na walang kwenta.” reaksyon ni Monroy. “Abu Sayyaf nga hindi natin masugpo,makikialam pa tayo sa mga ganyang international conflicts.”
“Wala namang masama sa pagtulong.” sabi ni Jade.
“Wala nga pero tulungan muna natin ang sariling bansa bago ang iba.” sabi ni Kristine.
“I think it is war of aggression.Wala namang ginagawa ang Iraq at bigla na lang pinasok ng US.” sabi ni Monroy. “Sino kaya ang susunod?”
“Pero diba, kinokontrol lang ng Amerika ang nuclear power ng Iraq.Alam naman natin na delikado ito.” sabi ni Jade.
“Feeling ng US eh world police sila?Nag-assume lang sila na may weapon of mass destruction ang Iraq. Eh noong Iraq-Kuwait War, silang ang nagbebenta ng armas .” sabi ni Monroy.
“Nabasa ko nga sa magazine na isa sa bumubuhay sa Amerika ay ang kanilang war economy. Pagsama-samahin daw ang armaments ng Japan, England, Russia, at China, wala pa daw ito sa kalahati ng kagamitang pandigma ng Amerika.” sabi ni Nelson.
“Tama ka diyan,Nelson. Bakit hindi nila pakialaman ang N. Korea? Dahil ba walang langis dito?” sabi ni Monroy.
“Bakit ba parang galit ka sa Amerika?Sila ang nagligtas sa atin sa mga Kastila.” tanong ni Jade.
“Masyado kasing arrogant ang Amerika. Tingnan mo ang world history,wala namang ginawang matino yan.Lahat ng mga ginawang kabutihan niyan sa ibang bansa ay may kapalit.” sagot ni Monroy.
“Yung isa dito eh dapat mag-upgrade ng utak.Hindi yata alam ang nangyaring Philippine-American War.Hahaha.” sabi ni Kristine.
“Class, mukhang napahaba ang balitaan natin. Ang Philippine-American War ay saka na natin tatalakayin. Maraming Filipino ang walang alam sa topic na yan. Ang nakalagay lang naman sa mga history books natin ay ang “Benevolent Assimilation” kuno ng US. Kapag may namatay na isa o dalawang sundalong Kano, buong purok ay sinusunog nila upang makaganti. Lahat ng mga Filipino na 10 years old pataas ay pinapatay. Wala ding mga kulungan noon dahil mahirap daw mag-maintain ng mga preso. Lahat ng mga kahyupan nay an ah saka na natin tatalakayin.” sabi ni Prof. Antonio.
“Pero, Sir, tayo naman ang gumawa ng mga history books.Bakit hindi natin isulat ang totoong nangyari noong dumating ang mga Amerikano sa Pinas?” tanong ni Williard.
“Oo nga,Sir!” sang-ayon ni Tina.
“Isa sa mga structural adjustments ng World Bank at IMF ay ang editing at whitewashing ng mga libro natin.Bago tayo makautang ng pera para makapagpalimbag ng mga librong gagamitin sa schools, kailangang may kasunduan. Isa na dito ay dapat pabor ang mga isusulat natin tungkol sa Amerika. Yan ang dahilan kung bakit sa mga history books natin, ang Balanggiga Massacre ay pagkamatay ng mahigit 50 US Soldiers at hindi ang pagkamatay ng libo-libong mga Filipino.”
“Ano bang nangyari sa Balanggiga Massacre,Sir?” tanong ni Jade.
“Class, saka na natin pag-uusapan yan.Pati na din ang IMF at World Bank. Monroy, maganda ang news article mo ngayon. Bumalik na tayo sa topic natin.Pakinggan natin ang report ng grupo nila Tina tungkol kay Apolinario Mabini at ang kaniyang ginampanan sa himagsikan.” sabi ni Prof. Antonio.
Naging maganda ang daloy ng talakayan tungkol sa himagsikan. Mas lalong lumaki ang paghanga ni Monroy kay Apolinario Mabini, ang kaniyang paboritong bayani.
Nang matapos ang lahat ng klase ay napagpasyahan ni Monroy at Williard na pumunta sa tambayan ng Akyat Kalikasan. Si Kristine naman ay tumuloy sa tambayan ng Cheers!.
Nadatnan ni Kristine ang mga baguhang miyembro na katatapos lang manood ng video ng kumpetisyon na sinalihan ng grupo.
“Madz, kaya mo bang maging flyer?” tanong ni Franz.
“Huh?Natatakot naman ako!Pwede bang sumayaw na lang?” sagot ni Madelle.
“May training naman tayo.Hindi ka naman ihahagis ng hindi ka handa.” sabi ni Katrina. “Kailangan pa kasi natin ng isang flyer.”
“Kaya mo yan, Madz! Kung maliit lang ako eh di ako na sana ang flyer.” sabi ni Jade.
“So si Madz na ang bagong flyer. Punta na tayo sa mga dancers.” sabi ni Franz.
Excited si Kristine dahil siguradong magiging dancer siya. Hindi naman niya ninais na maging flyer dahil lapitin sa disgrasya. Tiyak niyang sa likod ang posisyon niya dahil sa pagiging matangkad niya. Posible nga na siya ang pinakamataas na babae sa grupo. Palihim na niyaya siya ni Katrina sa SM upang bumili ng magandang regalo para kay Franz.Kaarawan kasi ng nobyo nito. Pinaunlakan naman niya ang anyaya upang kahit sa maliit na paraan ay makabawi siya sa magiliw na pagtanggap nito sa kanya.
Sa tambayan ng Akyat Kalikasan, pinag-uusapan ng mga miyembro ang nalalapit na pag-akyat sa bundok ng Banahaw.
“Hi Lily, Jeff and Jay.” bati ni Monroy.
“Hello sa lahat.” bati naman ni Williard.
“Sasama ba si Richard sa Banahaw?” tanong ni Jay kay Williard.
“Oo, sasama yun.Binangungot na nga sa sobrang excited.Hahaha!” sabi ni Monroy.
“Ito si Alan, Mitch, Edward at Tomy.Sasama din sila sa Banahaw.” pakilala ni Jay sa mga bagong miyembro. “Itong si Lanie ay batchmate ko dito. 3 years na din yang umaakyat.”
“Hi,mga kasama. Huwag kalimutan ang alak ha!” sabi ni Lanie.
“Ito ang itinerary natin sa akyat. Nandyan sa ibaba ang mga dapat dalhin ng bawat isa. Pakibasa na lang. Bale Saturday early morning ang alis natin,then Sunday night ay nandito na tayo sa Manila.” paliwanag ni Lily.
Nakatanggap si Monroy ng mensahe sa isip mula kay Kristine.
“I’m with Kat dito sa SM.I’ll be back at seven. Yung gift ko ha.”
Gamit ang cellphone ay pinadalhan niya si Kristine ng mensahe ng pag-iingat sa paggamit ng kapangyarihan sa publiko. Babala ni Prof. Antonio ay maaring may mga tao sa paligid na may kakaibang kakayahan katulad ni Kristine. Muli siyang nakatangap ng mensahe mula dito.
“You really don’t have to worry. I can handle it.”
“Okay na ba ang 1,000 na budget?” tanong ni Jeff.
“Ayos na yan.Kung kulangin naman tayo ay pwede nating gamitin yung naipon from membership fee.” sagot ni Lily.
“5 liters na tubig ba talaga ang dapat dalhin?” tanong ni Williard.
“Yan na ang modest amount na kailangan natin. Mas maganda na ang sobra kaysa kulang. Wala ng iba pang water source sa itaas kapag tuyot ang falls..” sabi ni Jay.
“Ano bang masarap na de-latang pagkain?” muling tanong ni Edward.
“Ayoko ngang magdala ng de-lata!Ang bigat kaya nun!” sabi ni Monroy.
“Tama ka diyan.Mabibigat ang mga canned goods. Pwede siguro ang isang piraso.” sabi ni Lily.
“Mga baguhan talaga kayo. Sosyal ang grupo natin. Kakain tayo ng spaggheti sa itaas ng bundok.Sagot ko na yan.” sabi ni Lanie.
“Minsan lang manlibre yang si Lanie.” buska ni Jay.
“Hahaha! Paano naman lulutuin yun sa itaas?” tanong ni Jeff.
“Usually,pre-cooked na ang mga karne para madali ng lutuin. Luto na ang noodles at sauce ng spaggheti.Iinitin na lang natin sa itaas.” sagot ni Lily.
“Mukhang exciting ang first climb natin!” sabi ni Williard.
“Sinabi mo pa.Sana August 2 na!” dagdag ni Monroy.
Eksakto alas-siyete ng makabalik si Kristine sa unibersidad. Matapos magpaalam kay Katrina ay pinuntahan niya si Monroy at Williard sa Akyat Kalikasan. Nagkataon namang papalabas na rin pala ang dalawa.Nagyaya si Monroy sa school garden sa likod ng Gusali ng Wika. Nagtataka si Kristine kung bakit dito inilagay ni Monroy ang kaniyang regalo.
“Happy birthday!” sigaw ni Monroy. Hawak nito ang isang seedling ng Santol.
“You’re kidding,right?” nakangiting sabi ni Kristine.
“No,I am not.” sagot ni Monroy. “Ayaw mo ba?”
“Hindi naman. Ito na yata ang pinaka-weird na regalong natanggap ko.Hahaha. Nagulat lang ako.” sabi ni Kristine.
“Kumakain ka ba ng Santol?” tanong ni Monroy.
“Oo naman. Salamat,Monroy.Hindi talaga kita makakalimutan. Aalagaan ko ito!” sabi ni Kristine.
“And this is my gift.Happy birthday ulit.” sabi ni Williard.Iniabot nito kay Kristine ang isang poster ni Johnny Depp.
“Uy,thanks, Williard!” sabi ni Kristine. "Guys, maraming salamat sa inyo."
Thursday, January 17, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Can you at least give a short summary of each chapter in English?
The language is in English whenever the characters are in their biology class.
mahiwa ang madugo ang site mo..
that makes it unique from the rest:)
Josh, maraming salamat sa komento.Nakakataba ng puso.Nakaboto ka na ba?Salamat sa pagbisita.:-)
Anino, sorry off topic. Anong nominated? Pls reply. May nag message din sa akin na congratulations dahil nominated daw ako, ano ba yan, please let me know.
Racquel,ikaw na nga ang leading sa botohan tapos clueless pa din.Congratz!:-)
English plssss
Nakita ko yung post mo sa tagboard ni talksmart..gusto mo put yung poll voting badge ganto..punta ka dun,highlight mo ang poll voting badge then right click,tapos view page source,then copy paste mo lang ang code ng poll voting badge..tell me pag ok na huh?just a little help although I am voting you all.goodluck!
I still don't know what the story is about! :(
Thaistory,I made it to 2nd place!Thanks for your support!
Well done!
minsan din akong nangarap na sumulat pero nabigo ako... di ko pa man nasisimulan ang pagbabasa ng iyong kwento, eh humahanga na ako sa iyo...gusto ko kasi mabasa ng buo eh, kaya di ko muna babasahin... babalik balik na lang ako at sisilip kung tapos na at saka ko nanakawin este babasahin...good luck po sa iyong pagsusulat...
"bj"
sabi na nga ba eh! bangungot! hmp!
bakit din kaya tayo pumapayag sa mga ganoong kasunduan. parang in a way kasalanan natin, we feed this kind of acts. naks! napa-english tuloy ako.
Komplikado ang tanong mo,Caca.
The information you provide is very nice.
kpss, seouzmanı, google uzmanı, atyarışı. Thank you very, very valuable admin.
Post a Comment