Monday, September 8, 2008

Walang Chapter 29!

I am truly sorry for the delay of Chapter 29. I read my story and realized that it sucks! It screams poor characterization, terrible grammar, and chaotic plot. After contemplating the problem from all sides, I revised my manuscript, thus, resulted to major changes in characters, plot and just about everything. Now, the question is:

“What shall I do next?”

I created a poll to know your opinion. Please have your say.

Regards,
Anino

Tuesday, May 27, 2008

Ika-dalawampu't apat na Kabanata


24

Ipinaliwanag ni Propesor Antonio ang proseso ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng isipan. Ayon sa kanya, ang mundo ay puno ng enerhiyang walang tigil na umiinog sa sanlibutan. Ito ay nagmumula sa bawat nilalang sa karagatan, lupa at himpapawid. Ang mga enerhiya ay mistulang kumpol ng sinulid na lumilikha ng sala-salabat na trapiko na siyang konektado sa bawat nilalang na nabubuhay sa mundo. Ang ilang taong katulad ni Kristine ay mulat sa mga enerhiyang hindi nakikita ng iba kaya’t nagagawa nilang makipag-usap gamit ang utak. Kapag namatay ang isang tao, napuputol ang kaniyang sinulid at nawawala ang kaniyang koneksyon sa mga nabubuhay.

“Maaring patid na ang sinulid ni Lily kaya’t…” naputol ang pagsasalita ni Propesor Antonio.

“Sir, kailangan nating magreport sa pulis. Pinatay si Lily.” mariing pahayag ni Wiliard.

“Guys, we don’t know who or what caused Lily’s death. Pinatay ba siya o naaksidente? Sir, are you sure na patay na si Lily?” paninigurado ni Kristine.

“Wala akong sinabing pinatay si Lily. Masyadong malawak ang imahinasyon mo Williard.” sabi ni Propesor Antonio. “Kristine, bakit hindi mo subukang muling padalhan si Lily ng mensahe?”

Tumalima si Kristine sa nais ni Propesor Antonio. Ipinikit niya nag kaniyang mga mata. Ibinuhos ang kaniyang atensyon upang likhain ang imahe ni Lily sa kaniyang utak. Hindi rumehistro ang mukha ni Lily. Muli siyang nabigo sa ikatlong pagkakataon. Lingid sa kaniyang kaalaman, nagsimulang umagos ang mapupulang dugo mula sa kaniyang ilong.

“Tin, tama na yan.” wika ni Monroy.

“Susubukan ko ulit.” sagot ni Kristine habang nakapikit pa rin ang mga mata.

“Dumudugo na ang ilong mo” sabi ni Richard. “Tama na yan.”

Idinilat ni Kristine ang kaniyang mga mata at hinipo ang kaniyang ilong. Namantsahan ng sariling dugo ang kaniyang mga kamay. Kumuha siya ng tissue sa kaniyang bag at pinunasan ang dugo.

“Gusto mo ba ng tubig?” tanong ni Williard.

“I’m fine. I guess that does it. Wala na nga si Lily. What’s next?” wika ni Kristine.

“Kakausapin ko si Jay upang magsagawa ng paghahanap sa labi ni Lily sa lalong madaling panahon. Nang sa gayon ay malaman natin kung anong aksidente ang nangyari sa kasamahan niyo.” pahayag ni Propesor Antonio.

“Aksidente?” bulalas ni Williard.

Mula sa kanilang lamesa ay natanaw ni Monroy ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Nakatalikod ito sa kanya ngunit nakilala naman niya na si Jeff ito. Nilapitan niya ang kasamahan sa Akyat Kalikasan upang kamustahin.

“Hey,Jeff, nandito ka pala. Kamusta?” bati ni Monroy.

“Ayos lang ako. Ikaw?”

“Okay lang din. Siyanga pala, nakausap mo na ba si Lily?”

“Hindi naman siya nagre-reply sa mga text ko. Maging ang mga tawag ko ay hindi din niya sinasagot ang mga tawag ko.” mahinahon na paliwanag ni Jeff. “Hindi ko tuloy madala mga gamit niya sa kanilang bahay.”

“Hindi mo ba alam ang address nila?”

“Alam ko kaya lang …kaya lang ay may problema kami ng nanay niya.” wika ni Jeff. Sandali itong nanahimik at saka ngumiti ng tipid. “Magre-research muna ako para sa report sa Biology.”

Bagama’t nais pang tanungin ni Monroy ang kasamahan, naramdaman niya ang kalungkutan nito kaya’t nagpaalam na lang muna siya dito at saka nagbalik sa kanilang lamesa.

“Sino iyon? Miyembro din iyon ng Akyat Kalikasan,hindi ba?” tanong ni Prof. Antonio.

“Si Jeff po, Sir. Kasama din namin siya sa pag-akyat.” sagot ni Monroy.

“Inuulit ko, ako na nag bahalang makipag-usap kay Jay. Huwag ng makalalabas pa ang pinag-usapan natin. Maliwanag ba?” pahayag ni Propesor Antonio.

“Yes, Sir!” sang-ayon ni Monroy at Richard.

“Yup! Mahirap ding magpaliwanag kung paano ko nalamang wala na si Lily.” sabi ni Kristine.

“Malinaw ba sa iyo ang pinag-usapan natin, Williard?” tanong ni Propesor Antonio.

Isang pagtango ang itinugon ni Williard sa kaniyang propesor.

“Kung gayon ay umuwi na kayo at marami pa akong gagawin.” paalam ni Propesor Antonio.

Marami pang tanong ang nabuo sa kanilang isipan ngunit tinalikuran na sila ng kanilang propesor. Hudyat na wala itong balak na sagutin pa sila. Walang umiimik na iniwan ng apat ang aklatan. Nagpasiya silang magtungo na lamang sa Student Veranda. Pinuntahan ni Kristine ang mga kasamahang cheerleaders sa opisina ng Cheers!. Si Monroy, Williard at Richard ay dumiretso sa tambayan ng Akyat Kalikasan. Naabutan nilang nag-uusap si Tomy at Kim. Natutulog naman si Lanie.

“May balita na ba kayo kay Lily?” tanong ni Kim.

Inunahan ni Monroy si Williard na magsalita. Sinabi niyang wala pa siyang natatanggap na text o tawag mula sa kasamahan.

“Ewan ko ba.” kibit-balikat ni Monroy. “Chad, nag-text na ba sayo si Lily?”

“Hindi din.” sagot ni Richard.

“Ewan ko ba dun kay best friend. Pati ako ay hindi man lang tini-text!” wika ni Lanie. Nagising ito at kumuha ng isang malaking pakete ng Nips sa fridge. Binuksan niya ito at nagsimulang kumain ang grupo. Napansin ni Lanie na walang imik si Williard. Hindi din ito tumitikim ng Nips.

“Williard, ayaw mong Nips?” alok ni Lanie.

“Thanks.” tanggi ni Williard. “Nasaan si Jay?”

“Kaaalis lang niya. Pupunta siya sa library para kausapin yata si Sir Antonio.”

Mabilis na naubos ang tsokolate. Muling nagbukas ng pakete si Lanie at ipinagpatuloy ang pagkain at paku-kwentuhan.

“May naaksidente na ba sa inyo sa pag-akyat ng bundok?” tanong ni Williard.
“Teka…si Anna. Ahead siya sa atin ng 2 years. Nag-swimming kami sa Biak-na-bato. Muntik ng malunod si Anna.” kwento ni Lanie.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Jeff. Umupo ito sa tabi ni Williard.

“Nasaan si Jay?” bungad ni Jeff.

“Kausap si Sir Antonio.” sagot ni Tomy.

“May report ako sa Bio. bukas!” bulalas ni Jeff. “ Magpapatulong sana ako. Okay ka lang, Williard?”

Kumuha si Jeff ng ilang piraso ng tsokolate mula sa supot na hawak ni Monroy. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Williard. Muling tumanggi si Williard.

“Sige, C.R. lang muna ako.” paalam ni Jeff sa grupo. Isinubo nito ang Nips at saka lumabas ng opisina.

Ipinagpatuloy nila ang kwentuhan. Ilang sandali pa ay dumating si Kristine. Nagpaalam si Monroy, Williard at Richard sa kanilang mga kasamahan at saka lumabas ng opisina. Naglakad ang apat patungo sa parking lot ng unibersidad upang ihatid si Kristine sa kotse nito.

“Kailan ang competition?” tanong ni Monroy.

“Next week na! Excited na nga ako!” sagot ni Kristine. Kahit sabik ay nababagabag siya sa natuklasan tungkol kay Lily.

“Don’t worry,Tin. We will be there!” sabi ni Monroy.

“Oo naman! Hindi kami mawawala sa first competition mo.” dugtong ni Richard.

“You better be there. Hahaha!” sabi ni Kristine.

Narating ng apat ang parking lot. Bago sumakay ng kotse ay nagpaalam si Kristine sa mga kaibigan.

“Kaya mo bang mag-drive,Tin?” tanong ni Williard.

“Williard, ayos lang ako. I can take care of myself. Thanks.”

“Ingat sa byahe.” sabi ni Richard.

“Text me kapag nakarating ka na sa bahay.” sabi ni Monroy.

“Aksaya pa yan sa load. Pwede ko namang ipaalam na nakauwi na ako sa isip lang.” pabiro ni Kristine. “Joke lang. Sige uwi na ako.”

Lumabas ng paaralan ang tatlo ng makaalis si Kristine. Bago pumara si Monroy at Richard ay pinasakay muna nila si Williard ng bus patungong Buendia. Sumakay ang dalawa ng isang FX biyaheng Fairview. Katahimikan ang namayani sa pagitan ng magkaibigan. Makalipas ang sampung minuto ay binasag ito ni Richard.

“Punta ko sa inyo para matingnan natin yung mga pics.” bulalas ni Richard.

“Next time na lang dahil masyado ng late.” sabi ni Monroy. Nagtatampo siya sa kaibigan. Inilihim ni Richard sa kanya ang tungkol sa signos na nakita nito kay Lily.

“10 p.m. pa lang naman. Baka nandoon na tayo sa inyo before 11.”

“Not now, Ricardo, pagod ako!”

Hindi na nagpumilit si Richard. Tinawag siyang “Ricardo” ng kaniyang kaibigan. Isang senyales na galit si Monroy. Naidlip na lang siya upang maiwasan na salubungin ang hindi magandang nararamdaman ni Monroy. Mahigit kalahating oras ng biyahe pa ang lumipas at nakauwi ang magkaibigan.

Wednesday, April 9, 2008

Ika-dalawamput dalawang Kabanata


“Shit! Ang sakit ng ulo ko!” sigaw ni Monroy na dahilan ng pagkagising ni Richard at Wiliard.

“Ang lakas palang tumama ng lambanog!” sabi ni Richard.

“Obvious naman kagabi na super-bangag ka!” wika ni WIlliard. “Hahaha!”

Lumabas ang tatlo sa kanilang tent upang mag-init ng tubig para makapagtimpla ng kape. Nakita nila si Jay na umiinom na. Maaga itong gumising at nagpakulo ng tubig. Matapos magtimpla ang tatlo ay nakipagkwentuhan sila kay Jay.

“Monroy, saan mo nabili yang tent mo? Ang ganda kasi.” tanong ni Jay.

“Galing yan sa states. Regalo ng papa ko.” sagot ni Monroy.

“Ito ang unang bundok na napuntahan ng tent na yan.” dagdag ni Richard.

Mula sa kanilang mga tents ay naglabasan ang iba pang mountaineers. Matapos magtimpla ng kape ay sumali ang mga ito sa kwentuhan.

“Kamusta mga tulog niyo?” tanong ni Jay.

“Memorable ang Banahaw sa akin.” sabi ni Tomy.

“Memorable naman talaga ang first climb.” sabi ni Lanie.

“Ito ang unang bundok na inakyat ko at ang unang pagkakataon na nasayaran ng alak ang lalamunan ko.” paliwanang ni Tomy. “Hahaha!”

Nagtawanan ang lahat ng mountaineers ng marinig ang tinuran ni Tomy.

“Si Kim nga nawala ang pagiging seryoso.” sabi ni Williard.

“Kim,sana lagi ka na lang lasing!” wika ni Richard.

“Shhhh…huwag kayong maingay dahil baka maistorbo ang bundok.” nakangiting wika ni Kim sabay kindat.

Muling nagtawanan ang lahat.

“Magandang umaga!” masiglang sabi ni Jeff.

“Saan ka nang-galing?” tanong ni Jay.

“Duon sa altar. Akala ko kasi ay nandun si Lily.” sagot ni Jeff. “Kim, nasaan si Lily?”

“Wala na siya sa tent ng magising ako. Baka naman nag…alam mo na yun.” sagot ni Kim.

“Hahaha! Mukhang lasing ka pa Kim!” biro ni Monroy.

“Mag-kape ka na.” alok ni Jay.

Tinungo ni Jeff ang kinalalagyan ng maliit na kaserola. Nilagyan niya ito ng tubig at muling isinalang sa stove upang pakuluin ito. Ilang sandali lang ay kumulo ang tubig kaya’t isinalin niya ito sa dalawang tasa.

“Ahhh! Shit!” hiyaw ni Jeff. Natapunan siya ng mainit na tubig sa kaliwang kamay.

“Hoy, ayos ka lang diyan?” pasigaw na tanong ni Monroy.

“Napaso ako!” sagot ni Jeff.

Nagtimpla ng dalawang tasang kape si Jeff at saka tinungo ang umpukan upang sumali sa usapan.

“Uy,bakit dalawa yan? Kayo na ba?” tanong ni Lanie.

“Secret!” sagot ni Jeff. “Ang lakas palang tumama ng lambanog.”

“Change topic daw sabi ni Jeff!” sabi ni Richard.

“Grabe yata yang paso mo.” sabi ni Kim. “Nalapnos yang balat!”

“Bagong kulo kasi yung tubig. Malayo naman yan sa bituka.” paliwanang ni Jeff.

Nakalipas ang labinlimang minuto ng kwentuhan ay hindi pa din nagpapakita si Lily.

“Maghanda na kayo. Aakyatin natin ang second at third peak.” wika ni Jay.

“Yeah!” sabay na sigaw ni Monroy at Richard.

“Jay, eh paano si Lily?” tanong ni Williard.

“Hindi naman baguhang mountaineer si Lily. Malay natin ay nauna na yun sa second peak.” sagot ni Jay.

“Oo nga!” dagdag ni Lanie.

“O sige, ganito na lang, hihintayin ko na lang muna si Lily dito.Baka kasi magbalik yun at makitang wala tayo ay magtampo.” paliwanang ni Jeff.

“Sigurado ka, Jeff?” tanong ni Monroy.

“Oo. Tsaka medyo kumikirot itong kamay ko.” sagot ni Jeff. “Okay lang ako. Larga na!”

Ganyan talaga ang nagagawa ng pag-ibig.” biro ni Monroy.

Nagpaiwan si Jeff sa kampo upang hintayin si Lily. Bago umalis ay binigyan ni Kim ng baby oil ang binata para sa lapnos nito.
Pansamantalang iniwan ng mga mountaineers ang kanilang campsite upang akyatin ang dalawa pang tuktok ng Bundok Banahaw. Ang mga ito ay kilala sa tawag na Ikalawa at Ikatlong durungawan. Matarik at mahirap ang daan patungo dito kaya naman “assault” ang kailangan. Para sa mga umakyat ng bundok, ang assault ang sistema kung saan ay tali at tubig lang ang bitbit sa pag-akyat. Ang lahat ng gamit ay maiiwan sa campsite na matatagpuan sa Unang Durungawan. Ang iba naman ay mapilit na dalhin ang kanilang camera upang kumuha ng larawan. Katulad ni Monroy na tuwang-tuwa ng marating ang ikalawang tuktok.

“Ang gandang puno nito.” sabi ni Monroy habang kinukunan ng litrato ang isang higanteng puno. “Chad, anong puno ito?”

“Malay ko ba dyan.” sagot ni Richard.

“kalumpang yan.” sabat ni Williard. “Nasaan kaya si Lily?”

“Nandyan lang yun, pare.” sabi ni Monroy.

“Baka nga “call of nature”, tol.” dagdag ni Richard.

Ipinapatuloy ng mga mountaineers ang pag-akyat. Narating nila ang Ikatlong Durungawan. Napakaganda ng kanilang pinagmamasdan. Nakatunghay ang lahat sa tanawin na mistulang obra-maestra ng Inang Kalikasan.

“Wow!” sabi ni Monroy. Niyaya niya ang bawat isa na pumuwesto. Isa-isa niyang kinuhanan ng solong litrato ang lahat.

Sandali pang ginalugad ng mga mountaineers ang Ikatlong Durungawan. Makalipas ang mahigit tatlumpung-minuto ng pamamasyal, nagpasya ang lahat na bumalik sa Unang Durungawan. Sa campsite, nadatnan nila ang isang kaldero ng bagong lutong kanin. May isang papel na iniwan si Jeff.

“Nagsaing na ako. Anong ulam natin? Hanapin ko lang si Lily.”

“Wala pa din si Lily?” tanong ni Kim.

“Nasaan kaya yung loka na yun? May load ka ba Jay?” tanong ni Lanie.

“Oo. Ite-tex ko siya.” sagot ni Jay. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at lumikha ng mensahe para kay Lily.

“Walang signal. Pupunta lang ako sa Altar para i-send ito.” wika ni Jay.
“Maghanda na kayo dahil bababa na tayo.”

Nagtungo si Jay sa Altar upang ipadala ang mensahe kay Lily. Nagtulong-tulong si Lanie, Kim, at Tomy sa pagluluto ng almusal. Inihaw na tinapa at Maling at pancit canton ang inihanda ng tatlo. Niyaya naman ni Monroy si Richard at Williard na maglinis ng paligid. Inilagay nila ang kanilang mga basura sa isang plastik. Maging ang mga basurang hindi nanggaling sa kanilang grupo ay pinulot nila. Dalawang plastik ng basura ang kanilang nakolekta. Dumating si Jay.

“Nag-text na ako. Sinubukan kong tawagan pero patay yata yung cellphone niya.” pahayag ni Jay.

“Hindi din naman siya nag-text sa akin.” sabi ni Lanie.

Dumating si Jeff.

“Wala pa din si Lily?” bungad nito.

“Wala pa eh. Saan ka nanggaling?” tanong ni Jay.

“Hinanap siya.”

“Halika na at mag-breakfast.” yaya ni Jay.

“Mamaya na! Hanapin muna natin siya!” wika ni Jeff. Medyo mataas na ang boses nito.

“Ano kaya kung hanapin muna natin si Lily?” suhestiyon ni Kim.

“Ti-nex ko na siya. Hintayin na lang natin ang reply niya habang kumakin.” kontra ni Jay.

“Agree ako diyan. Mountainer si Lily. Baka naman nagpasya lang yun na mag-sight-seeing.” dagdag ni Lanie.

Tahimik na kumain ang mga mountaineers. Kahit na nag-aalala sa kalagayan ni Lily, hindi maitatatwa na gutom ang bawat isa. Mabilis na natapos ang almusal ng grupo.

“Duon ako maghahanap.” bungad ni Jeff habang nakaturo sa isang direksyon.

“Duon naman kami ni Kim.” wika naman ni Lanie.

“Good thing ba na magsolo ka, Jeff?” tanong ni Monroy.

“Sandali! Kailangang may maiwan dito para magbantay ng mga gamit. Tatluhan na lang.” suhestiyon ni Jay.

“Ako, si Williard at si Richard.” masiglang wika ni Monroy.

“Lahat kayo ay baguhan. Ganito na lang, ako, si Jeff at ikaw Williard ang magkakasama.” mariing sabi ni Jay.

“I guess, si Kim at Tomy ang maiiwan sa campsite. Kaming tatlo ni Monroy at Richard ang aalis. Okay lang ba sa inyo yun?” tanong ni Lanie.

“Ayos lang! Ingat kayo.” tugon ni Kim.

"Inaantok pa rin kasi ako." dagdag ni Tomy.

Nahati ang pangkat sa dalawang maliit na grupo. Ang una ay binubuo nila Jay, Jeff at Williard. Ang ikalawa ay sila Lanie, Monroy at Richard. Si Tomy at Kim ang naiwan sa kampo upang magbantay. Napagkasunduan ng lahat na magbalik sa campsite sa oras na alas-nuebe.

Monroy, solo pic naman dyan.” hiling ni Lanie sa kasamahan. Pumuwesto siya sa tabi ng isang marikit na bulaklak.

“Say cheese.” sabi ni Monroy.

KLIK…

Hilig ni Monroy ang potograpiya. Mas gusto pa nga niya na siya ang kumukuha kaysa siya ang kinukuhanan.

“Nasaan kaya si Lily?” tanong ni Monroy.

“Malakas ang kutob ko na ayos naman siya. Baka naman tinawag ni Mother Nature. Pagkatapos ay nag-sight-seeing.” sagot ni Lanie.

“Sana nga.” sabi ni Monroy.

Sinuyod ng tatlo ang isang parte ng bundok. Habang naglalakad ay panay ang bigkas nila sa pangalan ni Lily. Narating nila ang isang matarik na bangin. Muli nilang tinawag ang pangalan ng kasamahan. Mula sa kinatatayuan, napansin ni Richard ang isang bilugang bagay sa bangin. Kulay itim ito na wari ay napaliligiran ng mga buhok.

“Ano yun?” tanong ni Richard sa dalawang kasama.

“Alin? Saan?” balik-tanong ni Lanie.

“Parang…parang...” paputol-putol na pahayag ni Richard. Hindi siya sigurado sa nakikita.

“Nasaan ba? Ah…nakita ko na. Shit! Ano yun?” hilakbot na wika ni Lanie.

“Oo nga! Parang ulo!” sigaw ni Monroy.

Nagkatinginan si Lanie, Monroy at Richard. Sandaling naghari ang katahimikan.

“Wala yun! Baka kung ano lang yun!” wika ni Lanie. Pinasigla niya ang kaniyang tinig. Iwinaksi ang totoong nasa isipan.

“Baba tayo.” suhestiyon ni Richard.

“No need for us to go there.” sabi ni Monroy. Gamit ang zoom ng kaniyang camera, tinutukan at kinuhanan niya ng litrato ang nasabing bagay pagkatapos ay sinuri ito sa screen. Siniko niya si Richard at saka ipinakita ang litrato sa screen.

“Loko ka! Buko yun! Bulok na kasi kaya nangitim na!” wika ni Monroy.

Lumapit si Lanie sa dalawa upang tingnan ang litrato.

“Lasing ka pa yata,Richard!” sabi ni Lanie. “Hahaha!”

Ipinagpatuloy ng tatlo ang paghahanap kay Lily. Panay pa rin ang klik ng camera ni Monroy. Sampung minuto bago mag alas-nuebe, nagyaya si Richard na bumalik sa campsite.

“Just a minute.” wika ni Monroy. Nakatutok ang kaniyang camera sa isang parte ng bundok. Gamit ang zoom ng kaniyang aparato, natanaw niya si Jay, Jeff at Williard. Tinutukan niya ng malapitan ang tatlong kasamahan at saka kinuhanan ng ilang litrato ang mga ito.

“Andun sila. Pabalik na din sa campsite!” sabi ni Monroy.

“Sinong sila?” tanong ni Richard.

“Kita mo sila diyan sa camera? Napaka-high tech naman niyan!” bulalas ni Lanie. “Patingin nga!”

Pinasilip ni Monroy si Lanie sa kaniyang camera.

“Ganyan pala yan! Kahit malayo ay matatanaw pa din basta naka-zoom!” sabi ni Lanie.

“Medyo Malabo nga lang kapag super layo na.” dagdag ni Monroy.

“Tara,balik na tayo!” yaya ni Richard sa dalawa.

Mas mabilis ang pagbalik kaysa sa pag-alis. Eksakto alas-nuebe ay nakabalik ang tatlo sa campsite. Naunahan pa sila ng kabilang grupo na marating ang kampo.

“Nag-reply na si Lily.” mahinahong sabi ni Jay. “Umuwi na pala siya dahil may emergency.”

“Huh? Ano daw yung emergency?” mabilis na tanong ni Lanie.

“Hindi niya binanggit. Sana naman ay hindi ganoon kasama yung emergency.” sagot ni Jay.

“Pabasa nga ng text niya, Jay.” sabi ni Williard.

Iniabot ni Jay ang kaniyang cellphone kay Williard. Agad naman itong ibinalik ni Williard matapos mabasa ang mensahe mula kay Lily.

"Huwag mo munang burahin yan,ha." sabi ni Wiliard kay Jay.

“At least, alam natin na walang nangyari sa kaniya.” dagdag ni Kim.

“Oo nga. Sige, ako na lang magbubuhat ng gamit niya.” masiglang pahayag ni Jeff. “Kahit mahirapan akong magdala ng mga iyan ay ayos lang dahil ako naman ang maghahatid niyan sa bahay nila.”

“May motibo naman pala! Tutulungan ka naman namin!” sabi ni Lanie.

“Sa Tatlong Tangke tayo bababa. Dapat ay nasa kapatagan na tayo bago mag-alas kuwatro dahil mahihirapan tayo kapag naabutan tayo ng dilim.” aliwanag ni Jay.

“Teka, diba si Lanie ang sweeper? Dapat siya ang magbubuhat ng gamit ni Lily!” pahayag ni Monroy.

“Oo nga! Hahaha!” sabay na hirit ni Richard at Tomy.

“Break camp!” sigaw ni Jay.

Tuesday, March 18, 2008

Ika-dalawamput Isang Kabanata


21

Tumalikod ang dalaga at naglakad pabalik sa campsite. Iyon ang pagkakataon na hinihintay ng anino. Lumabas ito sa pinagtataguang bato at sinundan ang babae. Gamit ang isang sanga ng kahoy ay hinambalos niya ang ulo ng dalaga kaya’t nabuwal ito sa lupa. Bago pa makasigaw ang babae upang humingi ng saklolo ay tinapakan niya ang batok nito. Hindi makakilos ang kaniyang biktima. Walang laban sa malakas na pwersang nakadagan. Ipinatong ng anino ang isa pa niyang paa sa batok ng dalaga at marahas na tumalon. Lumagutok at nabali ang gulugod ng babae.

Parang baboy na binuhat ng Anino ang walang malay na biktima. Maliksi itong naglakad papasok sa gubat. Sanay ang buhong na gumalaw sa kasukalan. Tahimik, mabilis at tumpak ang bawat hakbang. Huminto ang buhong sa pagitan ng dalawang higanteng puno na napalilibutan ng mga tinik. Mistulang isang hayop na siniyasat nito ang paligid. Rumonda habang panay ang singhot sa hangin. Nang makatiyak na libre sa peligro ang lugar ay bumalik ito sa nakahandusay na biktima. Dinilaan ng buhong ang leeg ng biktima at saka sinalat ang pulso. Bumakas ang kasiyahan sa mukha nito ng maramdamang buhay pa ang babae. Sabik at naglalaway na inamoy ng buhong ang leeg ng biktima. Dinila-dilaan ang mukha. Nang magsawa sa mukha ay bumaba ito at saka hinimod ng todo ang parteng leeg. Nanginginig ang buhong sa kasabikan sa laman. Tumayo ito at saka naghubad ng baro. Pinagmasdan ng buhong ang katawan ng kawawang babae na lalong nagpaulol dito.

Inililis ng buhong ang pang-itaas na suot ng biktima. Sinalat at hinaplos ang tiyan nito. Dinama ang init ng katawan. Ang kamay na gumagalugad sa tiyan ay naging marahas. Gamit ang malalakas na daliri ay tinusok ng buhong ang sikmura ng babae. Mula sa napunit na laman ay umagos ang masaganang dugo. Winakwak ng buhong ang tiyan ng biktima. Kinalkal ang lamang-loob na waring may hinahanap.
Nagkamalay ang babae dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Nanghilakbot ito ng makitang hinahalukay ng buhong ang kaniyang tiyan.

“Ikaw?!” gimbal na wika ni Lily.

Tinangkang sumigaw ng babae ngunit nabigo ito dahil naging maagap ang anino. Tinakpan ng buhong ang bibig ng babae. Nagpambuno ang dalawa. Lumaban ang babae sa kabila ng matinding sakit at hirap na nararamdaman.Ubod lakas na tinadyakan ng babae ang buhong na naging dahilan ng pagtilapon nito. Sapo ang ilang bituka na nakalawit mula sa tiyan, tumindig ang babae upang tumakas. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito ay dinamba ng buhong ang babae. Nabuwal ito sa lupa. Walang inaksayang sandali ang buhong. Hinawakan nito ang bunganga ng babae. Nais itong paghiwalayain. Walang magawa ang biktima sa lakas ng buhong. Ibinaon ng babae ang kaniyang mga kuko sa kamay ng buhong upang mabitawan siya nito. Walang silbi ang paglaban ng babae. Unti-unting nagugutay ang bibig ang babae. Panay ang agos ng luha at dugo. Nagsasanib sa lupa at lumikha ng pulang lawa. Huminga ng malalim ang buhong at marahas na binaltak ang bahagi ng ulo. Napunit ang laman. Nabakli ang leeg at nabaklas ang buto. Humiwalay ang ulo sa panga.

Itinihaya ng buhong ang walang buhay na biktima. Itinuloy nito ang naudlot na paghalukay sa laman-loob. Ilang sandali pa ay kumislap ang mga mata ng buhong. Kumabig ito at may binatak sa loob ng tiyan. Nakangisi at tumutulo ang laway ng buhong sa kasabikan. Hawak nito ang atay ng biktima. Sinamyo ng buhong ang atay. Dinamdam ang init nito. Ilang sandali pa ay sinimulan nito ang paglapang sa atay. Marahan ang pag-nguya. Nilalasap ang linamnam. Ninanamnam ang sarap. Nang maubos ang atay ay hinimod ng buhong ang sariling palad upang simutin ang natirang laman. Pagkatapos ay luminga-linga ito sa paligid na waring may hinahanap. Ngumisi ito ng makita ang pakay. Tumayo ito at mabilis na dinampot ang ulo ng babae. Inamoy-amoy ng buhong ang ulo at saka dumukot ng kaunting utak mula sa nawasak na bunganga. Saka ito isinubo. Dahil hindi nagustuhan ang lasa ay agad na idinura ng buhong ang utak. Ibinato nito ang ulo na siya namang tumama sa isang malaking puno.

Dinampot ng buhong ang hinubad na baro at saka nilisan ang lugar.



Friday, March 7, 2008

Para sa mga Alagad ng Kalikasan

Isang linggo kong sinubukan *i-host ito sa imageshack ngunit ako ay nabigo. Dito ko na lang ilalagay. Maaari niyo itong kunin kung nais niyong ilagay sa inyong blog. Ako naman ang kumuha nito kaya pinapayagan ang lahat ng gustong mang-umit este manguha.

Alam ko naman na hindi ito kagandahan. Tipikal lang na litrato. Bahala na kayong maghanap ng *hosting site.

Wednesday, March 5, 2008

Interview With A Shadow

Magandang araw sa lahat. May interbyu ako dito: http://www.storiesfromthailand.com/.
Mayroon itong tatlong bahagi, una, ikalawa, at ikatlo. Ingles ang ginamit namin sa interbyu kaya marami akong naubos na tissue dahil sa pagdugo ng aking ilong. Kaya kung may interes kayong malaman ang lahat ng tungkol sa akin,punta lang kayo diyan sa site. Huwag kalimutang mag-iwan ng puna at pindutin ang *excellent* rating.

Sa palagay ko, magandang paraan itong interbyu para magkakilala ng lubos ang mga bloggers. Ano sa palagay niyo? Sino ang gustong magsimula?

Monday, March 3, 2008

Ang Puso sa Ulap

Maraming salamat kay Barefoot Alchemist para sa award na kaniyang ibinigay. Kung nais niyong malaman ang dahilan sa likod ng kanyang pangalan ay bisitahin niyo siya.



Nais kong igawad ang karangalan na ito sa dalawang malupit na blagista, kay Pen Palaboy at Verso Para Libertad.
Sana ay dumami pa ang katulad niyo!

Tuesday, February 26, 2008

Ikalabingsiyam na Kabanata


19

Payapa ang takbo ng bus papuntang Lucena habang nahihimbing ang mga mountaineers maliban kay Monroy at Richard. Ayaw patulugin ni Monroy ang kaibigan hangga’t hindi nito isinasalaysay ang napanaginipan nitong bangungot. Ilang linggo na itong umiiwas na pag-usapan ang masamang panaginip.

“Ganito na lang, kwento ko sayo kapag tayo na lang dalawa. Maraming makakarinig dito sa bus.” sabi ni Richard.

“Ayan ka na naman.Dialogue mo na yan two weeks ago pa.Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Monroy.

“May sasabihin pa ako sayong mahalagang bagay.Sa ngayon, matulog muna tayo, tol.” sabi ni Richard.

“O sige idlip na tayo. Kwento mo mamaya sa bundok.” sabi ni Monroy.

Makalipas ang mahigit dalawang oras na paglalakbay ay nagising si Monroy sa tapik ng kunduktor ng bus.

“Boy, aakyat ba kayo ng Banahaw?” tanong nito sa binata.

“Oho.” tipid na sagot niya.Tinapik niya si Richard na agad namang nagising.

“Malapit na tayo sa San pablo. Gisingin mo na mga kasama mo.” utos ng kunduktor.

“Sige salamat.”sabi ni Monroy.

Mabilis na ginising ng magkaibigan ang mga kasama. Nagpaalala si Jay na siguraduhing walang maiiwan na gamit sa upuan at compartments. Huminto ang bus sa isang kalye sa San Pablo at nagsibaba dito ang mga mamumundok.

“Sa wakas! Nasaan ang bundok?” tanong ni Jeff.

“Sasakay pa tayo ng jeep.Atat ka naman.May naririnig na akong parating.” wika ni Lily sa binata.

“Ayan na ang jeep!” hiyaw ni Tomy. Isang bagong miyembro na tulad ni Jeff ay nasasabik makaakyat.

“Halatang ito ang unang bundok na aakyatin mo!Tingnan mo si Kim, first-timer pero ayaw pahalata.Hahaha!” saad ni Lanie kay Jeff.

Nang maiabot ang bayad sa drayber ng jeep ay nagsi-akyat ang lahat upang makaupo.Hindi sapat para sa kanilang lahat ang upuan. Anim lang ang bakanteng upuan kaya’t nagpasya si Monroy, Williard at Richard na pumuwesto sa bubong ng sasakyan.

“Monroy, ako na lang sa bubong.” sigaw ni Lanie.

“Diyan ka na,Lanie. Malaglag ka pa at mapurnada ang akyat.Hehehe.”sabi ni Monroy.

Inilagay ng tatlo ang kanilang backpacks sa loob ng dyip at saka sumampa sa bubungan.Nang makasiguro sa pagkakaupo ang magkakaibigan ay umandar na ang behikulo.
Tahimik sa loob ng dyip dahil sa ilang matatandang sakay nito.Pigil ang kasabikan ng lahat upang hindi makaistorbo sa iba pang pasahero. Binasag ni Lanie ang katahimikan.

“Mga kasama, may lamay ba dito?” biro ni Lanie.

“Hahaha!Nakakatuwa ka talaga!” sabi ni Tomy.

“Sa wakas, makikita ko ulit si Pareng Banahaw!Yahoo!” masiglang sabi ni Lanie.

“Shhhhh…” saway ni Kim, isa ding bagong miyembro.

“Uy si Kim,hindi yata excited.” sabi ni Lanie.

“Excited ako!Kaya lang nakakahiyang mag-ingay dahil hindi lang naman tayo ang nandito sa loob ng jeep.” pahayag ng dalaga.

Nayamot ang isang matandang pasahero dahil sa ingay ni Lanie.Nagsalita ang katabi nito.

“Mga iho at iha, kung ganyan kayo kaingay na aakyat sa Banahaw ay gagambalain niyo lang ang mga espiritu.Baka singilin kayo sa pagbaba niyo.Tandaan niyo na bisita lang kayo ng bundok.” sabi ng matandang babae.

Nanahimik ang mga mountaineers ng marinig ang sinabi ng matanda. Inilabas ng ilan ang kanilang cellphones at nilibang ang sarili sa paglalaro. Si Tomy ay nakinig na lang ng musika sa kaniyang MP3 player. Si Lanie ay naidlip. Sa bubungan ng dyip, masaya si Monroy , Williard at Richard. Nagagalak ang tatlong magkakaibigan sa kanilang namamasdang tanawin. Mga luntiang puno at masisiglang ibon na nakikipaglaro sa hangin. Panay ang kuha nila ng mga larawan kaya’t pansamantala nilang nakalimutan ang kasagsagan at kaguluhan ng Maynila. Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto ay natanaw nila ang baranggay ng Santa Lucia sa Dolores Quezon mula sa bubungan ng sasakyan.

“Banahaw, here we come!” sigaw ng tatlong magkakaibigan.

Matapos makababa ng sasakyan ang lahat ng mountaineers ay naglakad sila patungo sa Kinabuhayan, ang purok sa paanan ng bundok. Nagsalita si Jay, ang lider ng grupo.

“Mga kasama, may maliit na bamboo house doon sa tabi ng ilog. Pwedeng umidlip ang gustong magpahinga. May isang oras tayo para maglibot at magtingin-tingin sa paligid. Eksaktong 8:30 ang akyat natin.” pahayag ni Jay.

Nagkalat ang mga komersiyal na establisamiyento sa baranggay Kinabuhayan. Kabi-kabila ang bilihan ng mga kakanin, gulaman at halu-halo, souvenir shirts, aksesorya tulad ng kwintas, pulseras, at ang bantog na lambanog ng Quezon. Marami ding mga tindahan ng anting-anting at mga kakatwang bagay na ayon sa mga tagapagbenta ay may kinalaman sa mahika. Isang tindahan na binabantayan ng mag-asawang matanda ang nakakuha ng atensyon ni Monroy, Williard at Richard. Ang maliit na tindahan ay yari sa pawid na kinulayan ng itim na pintura. Naka-displey sa isang istante ang maliliit na botelya at garapa na may kakaibang mga laman sa loob. Mayroon ding ilang kwintas at panyo na nakasabit sa dingding ng dampa.

“Magandang umaga po sa inyo. Ano po iyon?” tanong ni Monroy habang nakaturo sa isang garapon na may lamang itim na bagay.

“Ito ay buhok ng aswang.” sagot ng matandang babae. “Kontra-aswang ito.”

“Anong uri ho ng aswang?” tanong ni Monroy.

“Buhok ito ng isang “balbal”.” sagot ng tindera.”Kontra-buso ito.”

“Edi ba ho, hindi naman pumapatay ng tao ang mga buso? Para saan pa yan?” balik-tanong ni Monroy.

“Kapag walang mahukay na patay sa sementeryo ang mga buso, peste sila sa mga manok at kalapati. Ilagay mo ito sa sa lugar na makikita ng buso. Matatakot iyon na gambalain ang iyong manukan.Pinapatay ng mga balbal ang mga buso para wala silang kumpetensya sa karne ng tao kaya’t takot dito ang mga buso!” paliwanang ng matandang lalake.

“Wala naman tayong manukan! Hehehe. Meron po ba kayong panlaban sa ibang mababangis na aswang?” pabirong sabi ni Richard.

“Guys, nauuhaw ako. Order ako ng halu-halo doon. Sunod na lang kayo ha.” sabi ni Williard. Humiwalay siya sa dalawa at nagpunta sa tindahan ng halu-halo.

“Ang mabuti pa ay itong kontra-tiktik ang bilhin niyo. Mayroon ngayong dalawang buntis sa baranggay at kabuwanan na nila . Kapag hindi magtagumpay ang tiktik na malapa ang bata sa tiyan, maghahanap iyon ng ibang biktima.Sandali lang, bakit kung kailan bilog ang buwan ay saka kayo aakyat ng Banahaw?” walang putol na salita ng matandang babae.

“Muntik na nga pong hindi matuloy dahil sa mutiny last week.” sabi ni Richard.

“Anong mutiny?” tanong ng matanda.

“Wala po yon.” siniko ni Monroy si Richard. “ Ano po ba ang kontra-tiktik na ibinibenta niyo?”

“Bilhin nyo itong gulugod ng “piyasik”, ang pinakamabalasik na aswang! Ang tatay ko ang nakapatay sa piyasik na ito. Ito ang pinakamabisang amuleto hindi lamang sa tiktik kundi sa lahat ng uri ng aswang!” paliwanag ng matandang lalake sa hawak nitong kwintas na may palawit na buto.

“Piyasik? Ano yun,best friend?” tanong ni Richard kay Monroy.

“Monroy, Richard, anong meron diyan?” sigaw ni Jeff mula sa tindahan ng halu-halo.

Nilingon ni Monroy si Jeff at sinenyasan ito na susunod na sila. Bitbit ang dalawang baso ng pamatid-uhaw ay lumapit ito sa kanila upang tingnan ang kanilang ginagawa. Bago pa makarating si Jeff sa tindahan ay biglang nagalit ang dalawang matanda kay Monroy at Richard.

“Niloloko niyo yata kami.Lumayas kayo dito, ngayon din! Sulong!” sigaw ng matandang mag-asawa.

Nagtatakang naglakad palayo sa tindahan ng amuleta si Monroy at Richard.Sinalubong nila si Jeff na nais sanang tumingin din ng pwedeng mabiling anting-anting.

“Bakit kayo umalis? Anong nabili niyong anting-anting?” tanong ni Jeff.

“Wala nga eh dahil biglang nagalit yung mag-asawa.Hahaha!” sagot ni Richard.

“Balik tayo dahil gusto kong bumili ng anting-anting laban sa engkanto.” yaya ni Jeff sa dalawa.

“Ito kasing si Richard panay ang tawa. Ikaw na lang ang pumunta, Jeff dahil baka matunaw na yung halu-halo na inorder ni Williard.” wika ni Monroy. Pagkasabi ay nakilahok si Monroy at Richard kay Williard sa pagkain ng pamatid-uhaw sa tindahan.

Pumunta si Jeff sa tindahan ng amuleto upang tumingin ng talisman panlaban sa mga engkanto. Palapit pa lang siya sa tindahan ay mabilis na lumabas ang matandang mag-asawa at kumaripas ng takbo patungo sa likod ng dampa. Nagkakamot sa ulo na pinuntahan ni Jeff si Lily sa bamboo house upang kainin ang biniling halu-halo para sa kanilang dalawa.

Makalipas ang isang oras ay nagtipon-tipon ang mga mountaineers sa tabing-ilog. Nilagyan nila ng tubig ang kanilang mga imbakan. Ang iba ay naghilamos at naglinis ng katawan. Panay ang kuha ng litrato ni Monroy, Richard at Williard. Si Kim, ang mapamahiin, ay nagdasal sa “Bakas”, ang pinaniniwalaang yapak ni Hesukristo.

Nakahanda na ang lahat sa pag-akyat. Bilang lider ay nasa unahan si Jay. Si Lily naman ang naatasang maging “middleman” kahit siya ay isang babae. Nasa gitna ng hanay ang kaniyang posisyon. Ang “sweeper” o buntutan ay si Lanie. Labinlimang minuto bago mag alas-nuebe ay sinimulan ng mga mountainers ang pag-akyat.

Friday, February 22, 2008

Panalo na ako!

May nakuha akong award na kulay rosas mula kay Charisse at Sweet Lullaby. Ito ang...




Naiiyak tuloy ang isang Anino dahil sa kabila ng kaniyang maitim na pagkatao ay may tumanggap pa din sa kanya.

Nais kong ibahagi ang award na ito sa isang kaibigan ng kalikasan. Ang ngalan niya ay Ginabeloved.

Sana,lahat tayo ay tulad niyang naririnig ang panaghoy ni Inang Kalikasan.

Sunday, February 17, 2008

Maraming Salamat

May natanggap akong gantimpala mula kay Ginabeloved, isang alagad ni Inang Kalikasan. Maraming salamat!



Nais kong ipagkaloob ang gantimpalang ito kay Kai; Bombero King; Bunso ; So Real at I Love Philippines, too!.


Mabuhay ang mga Pinoy bloggers!

Sunday, February 10, 2008

Maraming Salamat Ulit

Walang akong sawa dahil nominado na naman ang blog ko sa BLOG OF THE WEEK (Week 95). Maraming salamat kay Talksmart dahil napili niya ang aking blog.Biruin niyo, iba ang tema nito kumpara sa mga blogs ng iba kaya't isang karangalan na mapabilang sa mga nominado.Dumami din ang mga bloggers sa aking blogroll.Kahit mahirap,isa-isa ko pa rin kayong binibisita upang mangamusta,magbasa at mag-iwan ng komento.

Maraming salamat sa mga bloggers na sumuporta at sumusuporta.Ibabalik ko ang suporta sa inyo kapag kayo naman ang kasali sa poll.Hayaan niyo, kapag lagpak na ang blog ko sa darating na Sabado, hindi ko na guguluhin ang inyong site upang mangampanya.Hehehe.

Mag-iwan naman kayo ng komento sa Kabanata 17.Tinatanggap,positibo o negatibo man.

Maraming salamat po.

Thursday, February 7, 2008

Ikalabimpitong Kabanata

17

“Ang galing mo namang lumangoy.Saan mo natutunan yan?” tanong ni Williard.

“May clubhouse sa Fairview kaya madalas kami duon ni Richard nung high school pa kami. Siya ang nagturo sa akin. Kapag nakita mong lumangoy yun, sasabihin mong wala akong kwenta.” sagot ni Monroy habang inaayos ang swimming cap. “Hindi ka ba talaga swimmer?Ang ganda kasi ng katawan mo, Lard.”

“50 Push-ups at sit-ups lang pagkagising. Langoy aso lang ang alam ko pero mahilig akong tumambay sa beach.Ayos na din yun kaysa naman hindi talaga marunong.” sagot ni Williard.

“Nasa itsura naman talaga ni Richard ang maging athletic. Ilan na ba naging girlfriend niya?” sabi ni Kristine.

“Hindi ako sure pero subsob sa pag-aaral yun kaya malamang na kakaunti pa lang.Gusto mo bang mag-apply, Tin?” sagot ni Monroy.

Dahil sa kasarapan ng kwento ay hindi namalayan ng tatlo ang paglapit ni Jade at Madelle.

“Hi,Williard. Ang ganda pala talaga ng katawan mo.Ayaw mo ba talagang sumali sa cheering squad?” bati ni Jade kay Williard.

Umahon si Kristine sa swimming pool. Umupo siya sa tabi at ibinabad ang mga paa sa tubig. Habang nakatingin kay Jade ay inayos niya ang kaniyang bathing suit. Waring nais niyang ipakita kay Jade ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

“Monroy, Williard,magbihis na tayo. Psyche class na.” yaya ni Kristine.

“5 minutes pa.” sabi ni Monroy.

“Go ahead.” sabi ni Jade.

“Mauna na akong magpalit. I’ll be waiting in the gym.” sabi ni Kristine.

Makalipas ang limang minuto ay umahon na din si Monroy at Williard upang maghanda sa klase ng Psychology. Pinuntahan nila si Kristine sa gym upang sabay-sabay magpunta sa Main building. Nang marating nila ang gusali, nakasalubong ng tatlo si Prof. Manuela. Binati ito ni Monroy at Williard. Huminto ito at tinitigan si Kristine,nakipag-usap sa pamamagitan ng isip.

You might want to change your tactic. It’s getting old.” sabi ni Kristine.

Nagsisimula ka pa lang. Hindi palaruan ang mundo natin.” sabi ni Dr.Manuela.

Kaya pala pinaglaruan mo ako dati!”

Watch your back. They are watching us.”

Mabilis na tumalikod si Dr.Manuela at pumasok sa klasrum.

“Anong nangyari? Kailangan mo ng tubig?” tanong ni Monroy.

“Hindi naman ako nauuhaw.Kinamusta lang niya ako.As I told you,hindi na niya ako kayang paglaruan pa.” sagot ni Kristine.

“Sigurado ka bang hindi ka nauuhaw?” tanong ni Williard.

“I’m fine, guys. See you later.” sagot ni Kristine.

Natapos ang klase ng Psychology ngunit hindi muna umuwi si Monroy, Williard at Kristine. Nais nilang palipasin ang heavy traffic ng rush hour kaya’t napagpasyahan nilang magpunta sa aklatan.

“Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Prof. Antonio.

“Wala namang seryosong bagay,Sir. Nagkasalubong kanina si Kristine at Dr.Manuela.” sabi ni Monroy.

“Talaga? Anong nangyari?” sabi ni Prof. Antonio.

“We’ve exchanged messages through our minds.” sagot ni Kristine.

“Anong klaseng mensahe?Anong sinabi niya sayo?” tanong ni Prof.Antonio.

“Nothing important, Sir.The good thing was, she acknowledged my improvement.It was kinda weird, wasn’t it? Then she said something…”

“Ano?” sabay na tanong ni Monroy at Williard.

“She told me to watch my back dahil may nagmamatyag daw sa amin?” sagot ni Kristine.

“Sinabi ko naman kasi sayo na iwasan mo ang paggamit ng kapangyarihan mo sa publiko dahil delikado.” sabi ni Prof. Antonio.

“But, what can posibbly happen?” tanong ni Kristine.

“Mas makabubuting sundin mo na lang ang payo ko, Kristine. Gamitin mo lang iyan kung talagang kailangan. Nagkakaintindihan ba tayo?” sabi ni Prof. Antonio.

“Yes, Sir.” sagot ni Kristine.

“Maiwan ko muna kayo dahil may mga bagong aklat na dumating mula sa Amerika.Kailangan kong asikasuhin ang mga iyon. Bakit hindi pa kayo umuuwi?”

“Masyado pang heavy ang traffic, Sir.” sagot ni Williard.

“Baka naman gabihin kayo sa paguwi.Tandaan niyo, pupunta tayo bukas sa museo.

“Mabuti pa,tulungan namin kayo sa pag-aayos ng libro.” sabi ni Monroy.

“Hindi na dahil nandiyan naman si Florante para tulungan ako.” sabi ni Prof.Antonio.

“Para mas madaling matapos, Sir!Baka kayo ang mahuli bukas sa National Museum kapag ginabi kayo dito.” sabi ni Monroy.

“Sige na nga dahil mapilit kayo.”

Napakalaki ang aklatan ng kanilang unibersidad. Isa itong gusali na may apat na palapag. Maraming mag-aaral mula sa ibang paaralan ang nagpupunta dito upang magsaliksik. Sa unang palapag ay matatagpuan ang opisina ng punong tagapangasiwa, seksyon para sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya, at ilang silid na maaaring gamitin sa conference at seminars. Nandito din ang depository area. Sa ikalawang palapag ay ang Filipiniana Section, Multimedia Resources at Periodicals Section. Sa ikatlong palapag ay ang General Reference Section na nahahati sa apat bahagi. Ang “Reference Section”, “Politics and Law”, “Philosopy” at “Fiction”. Si Prof. Antonio ang tagapangasiwa dito. Ang “Graduate Section at Art Section ay nakapwesto sa ika-apat na palapag.

“Itong mga history books muna ang unahin nating ayusin.” sabi ni Prof. Antonio. “Yung mga masyadong luma, ilagay niyo dito sa isang kahon. Sa loob ng cabinet yan itatago para hindi na lalo pang masira.”

Sinimulan ng lima ang pagsasalansan ng mga aklat na donasyon ng dalawang unibersidad sa Chicago. Mga segunda-mano na ang mga ito ngunit nasa maayos pa din na kondisyon. Napili ni Williard na pagsama-samahin ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ng mundo. Inatupag naman ni Kristine at Florante ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Asya. Ang mga aklat na masyadong luma ay inilalagay ni Monroy sa isang kahon. Napansin niya ang isang maliit at kulay brown na kwaderno. Halata sa pabalat nito ang kalumaan dahil sa mga bakbak na kulay at malaking tastas sa gilid nito. Maingat niya itong binuklat upang sipatin ang mga pahina. Salitang Ingles ang gamit ng awtor sa pagsulat.

“Sir,may napahalong notebook sa mga libro.” sabi ni Monroy.

“And so?” tanong ni Kristine.

“Oo nga. Ano bang nakasulat sa loob?” tanong ni Prof. Antonio.

Sinipat ni Monroy ang ilang mga paunang pahina ng kwaderno. Nakasulat-kamay ang mga nilalaman nito. Sa estimasyon niya, isa itong talaarawan o diary.

“Parang diary lang,Sir.Ilagay ko na sa kahon?” tanong ni Monroy.

“Patingin nga muna.” sabi ni Prof. Antonio. Kinuha niya ang diary kay Monroy. Binulatlat niya ito upang alamin ang pangalan ng may-ari nito ngunit sira na ang ilang paunang pahina. .

“Sir, pahiram naman niyan. Baka artista sa Hollywood ang may-ari niyan.” sabi ni Kristine.

“Kristine, kung artista man ang may-ari nito, malamang hindi mo kilala dahil luma na ang diary.” sabi ni Prof. Antonio.

“Sige na ,Sir! Naging curious lang ako. Ibabalik ko din sa Monday.Wala din kasi akong new bok na babasahin.” pilit ni Kristine.

“O sige ipahihiram ko sayo ito,ngunit kailangan mo itong ibalik sa Lunes.Maliwanag?” sabi ni Prof. Antonio.

“Yes,Sir!” sabi ni Kristine.

“Tapusin na natin ito para makauwi ng maaga.” sabi ni Prof. Antonio.

“Pahiram ako pagkatapos mo ha.” sabi ni Williard kay Kristine.

“At kailan ka pa naging tsismosa, Lard?” sabad ni Monroy.

“What did you say?” tanong ni Kristine.

“Sabi ko pareho pala kayong inquisitive ni Williard.” sagot ni Monroy.

Alas-diyes ng gabi ng matapos ang lahat sa pagsasalansan ng mga aklat. Bago maghiwa-hiwalay ay muli silang pinaalalahanan ni Prof. Antonio tungkol sa field trip sa National Museum.

“Kristine, sa Linggo mo na basahin yang aklat dahil baka mahuli ka bukas.” sabi ni Prof. Antonio.

Kinabukasan, handa na ang lahat upang magpunta sa National Museum. Sa bulwagan ng gusali ng Social Science ang tagpuan. Hindi pa dumarating si Monroy. Nakatanggap ng text message si Williard mula dito.

“Pakisabi kay Sir,mauna na kayo.Susunod na lang ako dahil alam ko naman kung saan yan.”

Ipinaalam ni Williard kay Kristine at Prof.Antonio ang nilalaman ng mensahe ni Monroy. Gumayak na ang klase papuntang museo. Nang marating ang museo, hindi na kumuha pa ng tour guide si Prof. Antonio dahil na din sa pagtutol ng nakararami. Nagkani-kaniyang lakad na ang bawat isa.

Nakatunghay si Kristine at Monroy sa “Spoliarium” ni Juan Luna.Saglit itong kinuhanan ng video ni Kristine.


“Ang ganda ng contrast ng painting. Look at that weeping woman, lutang ang suot niyang kulay green sa background.” sabi ni Kristine.

“Oo nga.Napansin ko din.Maganda naman talaga kaya lang ay hindi ko gusto dahil westernized.” sabi ni Williard.

“And your point is?” tanong ni Kristine.

“Tingnan mo yung “Blood Compact” niya. Kahit hindi sikat, mga Filipino naman ang makikita mo dito. Itong Spoliarium ang kaniyang masterpiece. Imagine kung mga Filipino talaga ang naririyan.Ang ganda diba?Bakit kailangang mga Roman gladiators ang nasa masterpiece niya?” sagot ni Williard.

“Huummm, oo nga. Pero ganun pa man, we have to be proud of this masterpiece.” sabi ni Kristine.

“I do.I do acknowledge that fact.” sabi ni Williard.

Ipinagpatuloy ni Kristine at Williard ang pagliibot. Nakita nila si Jade at Tina na tinitingnan ang “Laguna Copper Plate”.

“Tungkol pala sa utang ang nakasulat. Biruin mo, may mga bumbay na pala dati.” sabi ni Jade kay Tina.

“Oo naman. Ang mga Indians naman ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.

“Ganun na nga. Kaya pala nauso ang 5-6 dito sa atin. Dapat hindi na sila nagpunta pa dito.”

“So is that your analysis? You are as shallow as a teaspoon.” singit ni Kristine.

“Hoy, masamang magpautang ng 5-6.” sabi ni Jade.

“Hell, I know that. I bet you don’t know that Laguna Copper Plate is one of the few evidences which refute the assumption that there was no pre-hispanic Philippines.” sabi ni Kristine.

“Tama na yan, Kristine. Nandito na si Monroy.” awat ni Williard.

“Hi! What’s the commotion?” tanong ni Monroy.

“Girl’s talk, Monroy. Hahaha.” sagot ni Williard.

“Out of my way. I want to have a good look.” sabi ni Kristine.

“Halika na Jade dun sa lumubog na barkong San Diego.” anyaya ni Tina sa kasama.

“That’s a good idea.” sabi ni Jade.

Matapos tingnan ang Laguna Copper Plate, pinuntahan ni Monroy,Williard at Kristine ang marangyang barko ng San Diego na lumubog sa Batangas. Isinunod nila ang mga koleksyon ng banga at tapayan na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang Filipino. Nakita nila si Prof. Antonio na sinisiyasat ang “Manunggul Jar”. Nakiusyoso na din ang tatlo.

“Kinikilabutan ako.Imagine, diyan ipinapasok ang bangkay.” sabi ni Kristine.

“Mas maganda pa nga yan sa mga kabaong ngayon.

“Sir, sino ba yung character sa Greek Mythology na naghahatid sa mga kaluluwa sa Styx River?” tanong ni Monroy.

“Phlegyas.” sagot ni Prof. Antonio.

“Parang si Phlegyas pala yang bangkero.May connection kaya yang bangkero natin sa Greek Mythology?”

“Wow!Magandang assumption yan,Monroy. Magaling!Gusto kong makita yan sa reaction paper mo.” sabi ni Prof. Antonio.

“Tsaka Sir,bakit kailangan pang hukayin muli ang bangkay para ilipat sa mga jars na yan?For cultural belief ba talaga?May iba pa bang dahilan?” tanong ni Williard.

“Anong ibig mong sabihin?” balik-tanong ni Prof. Antonio.

“Kasi sa Negros, laging binabantayan ang mga puntod dahil may mga lumalapastangan sa mga bangkay.” sagot ni Williard.

“Mahusay na pag-iisip. Ipaliwanag mo ang gusto mong sabihin sa iyong reaction paper, Williard.” sabi ni Prof. Antonio.

Sumapit ang Alas-dos at nalibot ng klase ang buong museo. Muling nagtipon ang lahat sa entrada ng gusali.

“Sayang,hindi ko nahiram yung camera ng Tita ko.” sabi ni Nelson kay Tina.

“Bawal naman ang kumuha ng pictures.” sabi ni Jade.

“Hindi naman nila malalaman.” sabi ni Nelson.

“On Monday, I want all your reaction paper.Mag-ingat kayo sa pag-uwi.” sabi ni Prof. Antonio.

Monday, February 4, 2008

5 Star Blog Award

Maraming salamat kay SOTRUE dahil sa ipinagkaloob niyang gantimpala.

This 5-Star Blog Award is given to a blogger whose blog is of highest classification.A blog of excellence in the following criteria:- content, design and style, informative and accomodating

Nais kong ipasa ang gantimpalang ito kay: The Social Critic; ZKEY at Kulay; The Wandering Commuter; Bombero; Janmania; Satanas at kay Arabian Josh

Saturday, February 2, 2008

Maraming Salamat

Top 5 po ang blog ko sa nakalipas na botohan. Sa bilang na boto ay nasa ikalawang posisyon ako.Sumadsad sa ikalima dahil sa bagsak sa ibang batayan.
Maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay ni
talksmart sa akin. Dahil sa poll, marami akong mga bagong nakilalang bloggers, marami akong naging bisita,at higit sa lahat, nakita ko ang suporta ng aking mga ka-bloglink! Kilala niyo na kung sino kayo.Hayaan niyo,mas lalo akong magiging masipag sa pagbisita sa inyong mga sites.
Maraming salamat!


Nominado ulit ako para sa Week 94.

Thursday, January 17, 2008

Ikalabing-anim na Kabanata

16

Patuloy siya sa pagsigaw habang ang babae ay patuloy naman sa paghalakhak. Mas lalong lumakas ang halakhak ng babae sa tuwing uungol si Monroy. Kitang-kita ni Richard sa mga mata ng babae ang kagalakan habang naghihirap ang kaniyang kaibigan.Ang berdeng likido sa bibig ng babae ay naging pula na mistulang dugo. Muli niyang sinubukan ang tumayo upang tulungan ang kaibigan ngunit hindi niya ito magawa.Nakita niyang nangitim ang mukha ni Monroy. Biglang bumukas ang mga mata nito at tumirik.Patay na ang kaniyang kaibigan.

Pinagmamasdan ni Richard ang babae habang niyugyog nito ang ulo ng kaniyang kaibigan upang makatiyak na patay na ito.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at napahagulgol dahil sa pagsisi.Para saan pa ang kakayahan niyang makakita ng signos kung hindi naman niya nailigtas ang matalik na kaibigan. Kung binalaan sana niya ito ay maaaring naiwasan ang malagim na pangyayari. O kaya naman ay hindi na sana siya natulog upang nabantayan niya ang kaniyang kaibigan.Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, nakatayo sa harapan niya ang matabang babae.Nakangisi ito saka muling humalakhak.Umupo ito sa dibdib niya at inumpisahan siyang sakalin.Nahirapan siyang huminga dahil sa lakas at bigat ng babae.Balewala dito ang mga kalmot at suntok na pinakawalan niya. Muli siyang sumigaw upang humingi ng tulong ngunit sa pagbuka ng kaniyang bibig, idinura dito ng babae ang malapot na pulang likido kaya’t siya ay nasamid. Lalong bumaon ang mga kuko ng babae sa kaniyang leeg.Unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin.

“Ahhhhhhh!!!” sigaw ni Richard.

“Mabuti naman nagising ka.Binabangungot ka, tol!” sabi ni Monroy.“Halika sa bahay para makakuha ng tubig.”

Halos lagukin ni Richard ang isang pitsel ng malamig na tubig dahil sa matinding uhaw at takot.

“Hinay-hinay lang! Baka naman nakaligtas ka nga sa bangungot eh malunod ka naman!Ano bang nangyari?Horror ba talaga?Buti ka pa nakakatakot ang panaginip!” sabi ni Monroy.

Nakaramdam ng kaunting pagkairita si Richard.Kilala niya si Monroy. Mahilig ito sa nakakatakot na istorya, pelikula at maging mga larawan.Basta katatakutan ay wala itong pinaliligtas na sandali. Maganda ang gising sa umaga ng kaniyang matalik na kaibigan kapag kababalaghan ang napaginipan nito. Naging kaugalian na nito ang isulat sa notebook ang mga panaginip at saka binabasa sa tuwing may bakanteng oras.Sa kabila ng pagka-irita, inusal niya sa sarili ang pasasalamat na panaginip lang pala ang lahat.

“Hoy, ano na?Kwento ka naman diyan!” pilit ni Monroy.

Nilapitan niya si Monroy at saka niyakap. Pagkatapos ay pabiro niya itong sinakal.

“Bukas na lang,tol.Tara,tulog na tayo.” sabi ni Richard.

Alas-dies na ng umaga ng magising si Monroy.Wala na sa treehouse si Richard.Hindi na naman ito bago sa kaniya dahil may military duty ang kaibigan niya sa unibersidad nito.Pancake at pineapple juice ang almusal na inihanda ni Shiela.

“Hi,anak. Mabuti naman at walang meat yang almusal mo.Kailan ka ba magiging vegan?” sabi ni Ginang Siphayo.

“Good morning,Ma. Darating din tayo diyan, Ma. Saan ang punta niyo?” tanong ni Monroy.

“Kasama ko si Kumareng Letty at pupunta kami sa isang office ng NGO diyan lang sa Philcoa.Ido-donate ko itong mga lumang libro at magazine. Sayang naman dahil kinakain lang ng alikabok.Gusto mong sumama?” sabi ni Ginang Siphayo.

“Next time na lang.May assignment ako sa Math eh.And I have to clean the closet and sort out my old clothes that you can donate next week.” sagot niya.

“Oo nga pala at kailangan ko yan.O siya,Monry, naririnig ko na ang kotse ni Kumareng Letty. Enjoy your breakfast,Son.” sabi ni Ginang Siphayo.

Humalik siya sa pisngi ng kaniyang ina at saka ito inihatid sa labas. Hanga siya dito dahil kahit pagod na sa trabaho ay charity works naman ang pinagkaka-abalahan tuwing weekend.Kahit may sarili silang kotse ay nakikipagpalitan ito ng sakay kay Ginang Susan upang makatipid sa gasolina at iwas polusyon.Bisikleta naman ang gamit nito kung malapit lang ang pupuntahang lugar.Idolo niya ito kung disiplina ang pag-uusapan.

Lumipas ang umaga at natapos niya ang kaniyang takdang aralin.Nalinis din niya ang kaniyang aparador at dalawang plastik na bag ng lumang damit ang kaniyang nalikom.Tinanggalan din niya ng agiw ang koleksyon niya ng DVD na halos puro katatakutan. Kung pinapayagan lang sana niya si Shiela na pumasok sa kwarto niya upang maglinis ay hindi na sana siya nahihirapan.Nang matapos ang lahat ng dapat gawin ay isinalang niya sa DVD player ang pelikulang “Henry:Portrait of a Serial Killer”. Isa ito sa paborito niyang pelikula dahil sa magaling na pag-ganap ng aktor dito ngunit hindi niya mapokus ang sarili sa panood dahil interesado siyang malaman ang napaginipan ng kaibigan niyang si Richard.Ngayon lang niya nasaksihan na bangungutin ito. Naging kaugalian na niya kasi ang itala ang kaniyang mga panginip.Imbes na matakot ay naaaliw pa siya kung kababalaghan ang napaginipan niya. Sumapit ang alas-singko ng hapon ay napagpasyahan niyang magpunta sa hardin upang ayusin na ang regalo para kay Kristine.Naging parang may sariling mundo na naman siya dahil sa nakapalibot na halaman at puno.Hindi niya dinadala ang kaniyang cellphone sa tuwing pupunta ng hardin dahil ayaw niyang maistorbo.Namalayan na lang niyang lumubog na ang araw ng tawagin siya ni Shiela para mag-hapunan.

“Kuya,anong masasabi mo kay Kris at Joey?” tanong ni Shiela.

“Sino naman yun?” tanong ni Monroy.

“Kris Aquino at Joey Marquez.” sagot ni Shiela.

“Puro ka talaga showbiz.Sana ipadala ka ni Gloria sa Iraq. Kumain ka na lang.”

“Huwag naman,Kuya. Hindi ko na mapapanood ang Extra Challenge.”

Alas-nuebe pa lang ng gabi ay napagpasyahan ni Monroy na matulog. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng isang text message mula kay Richard.

Pare, nauna na ako sa school.May dadaanan pa kasi ako.Ingat ka sa biyahe.Text na lang kita later.Ingat ulit.

Sa klase ng Philippine History, naka-toka si Monroy sa pagbabalita. Binasa niya ang isang artikulo mula sa Inquirer tungkol sa mga sundalong Pilipino na ipinadala ng pamahalaan sa Iraq bilang isang ka-alyado ng Amerika.

“Sa palagay ko, napakarami nating domestic problems para makialam sa isang digmaan na walang kwenta.” reaksyon ni Monroy. “Abu Sayyaf nga hindi natin masugpo,makikialam pa tayo sa mga ganyang international conflicts.”

“Wala namang masama sa pagtulong.” sabi ni Jade.

“Wala nga pero tulungan muna natin ang sariling bansa bago ang iba.” sabi ni Kristine.

“I think it is war of aggression.Wala namang ginagawa ang Iraq at bigla na lang pinasok ng US.” sabi ni Monroy. “Sino kaya ang susunod?”

“Pero diba, kinokontrol lang ng Amerika ang nuclear power ng Iraq.Alam naman natin na delikado ito.” sabi ni Jade.

“Feeling ng US eh world police sila?Nag-assume lang sila na may weapon of mass destruction ang Iraq. Eh noong Iraq-Kuwait War, silang ang nagbebenta ng armas .” sabi ni Monroy.

“Nabasa ko nga sa magazine na isa sa bumubuhay sa Amerika ay ang kanilang war economy. Pagsama-samahin daw ang armaments ng Japan, England, Russia, at China, wala pa daw ito sa kalahati ng kagamitang pandigma ng Amerika.” sabi ni Nelson.

“Tama ka diyan,Nelson. Bakit hindi nila pakialaman ang N. Korea? Dahil ba walang langis dito?” sabi ni Monroy.

“Bakit ba parang galit ka sa Amerika?Sila ang nagligtas sa atin sa mga Kastila.” tanong ni Jade.

“Masyado kasing arrogant ang Amerika. Tingnan mo ang world history,wala namang ginawang matino yan.Lahat ng mga ginawang kabutihan niyan sa ibang bansa ay may kapalit.” sagot ni Monroy.

“Yung isa dito eh dapat mag-upgrade ng utak.Hindi yata alam ang nangyaring Philippine-American War.Hahaha.” sabi ni Kristine.

“Class, mukhang napahaba ang balitaan natin. Ang Philippine-American War ay saka na natin tatalakayin. Maraming Filipino ang walang alam sa topic na yan. Ang nakalagay lang naman sa mga history books natin ay ang “Benevolent Assimilation” kuno ng US. Kapag may namatay na isa o dalawang sundalong Kano, buong purok ay sinusunog nila upang makaganti. Lahat ng mga Filipino na 10 years old pataas ay pinapatay. Wala ding mga kulungan noon dahil mahirap daw mag-maintain ng mga preso. Lahat ng mga kahyupan nay an ah saka na natin tatalakayin.” sabi ni Prof. Antonio.

“Pero, Sir, tayo naman ang gumawa ng mga history books.Bakit hindi natin isulat ang totoong nangyari noong dumating ang mga Amerikano sa Pinas?” tanong ni Williard.

“Oo nga,Sir!” sang-ayon ni Tina.

“Isa sa mga structural adjustments ng World Bank at IMF ay ang editing at whitewashing ng mga libro natin.Bago tayo makautang ng pera para makapagpalimbag ng mga librong gagamitin sa schools, kailangang may kasunduan. Isa na dito ay dapat pabor ang mga isusulat natin tungkol sa Amerika. Yan ang dahilan kung bakit sa mga history books natin, ang Balanggiga Massacre ay pagkamatay ng mahigit 50 US Soldiers at hindi ang pagkamatay ng libo-libong mga Filipino.”

“Ano bang nangyari sa Balanggiga Massacre,Sir?” tanong ni Jade.

“Class, saka na natin pag-uusapan yan.Pati na din ang IMF at World Bank. Monroy, maganda ang news article mo ngayon. Bumalik na tayo sa topic natin.Pakinggan natin ang report ng grupo nila Tina tungkol kay Apolinario Mabini at ang kaniyang ginampanan sa himagsikan.” sabi ni Prof. Antonio.

Naging maganda ang daloy ng talakayan tungkol sa himagsikan. Mas lalong lumaki ang paghanga ni Monroy kay Apolinario Mabini, ang kaniyang paboritong bayani.

Nang matapos ang lahat ng klase ay napagpasyahan ni Monroy at Williard na pumunta sa tambayan ng Akyat Kalikasan. Si Kristine naman ay tumuloy sa tambayan ng Cheers!.

Nadatnan ni Kristine ang mga baguhang miyembro na katatapos lang manood ng video ng kumpetisyon na sinalihan ng grupo.

“Madz, kaya mo bang maging flyer?” tanong ni Franz.

“Huh?Natatakot naman ako!Pwede bang sumayaw na lang?” sagot ni Madelle.

“May training naman tayo.Hindi ka naman ihahagis ng hindi ka handa.” sabi ni Katrina. “Kailangan pa kasi natin ng isang flyer.”

“Kaya mo yan, Madz! Kung maliit lang ako eh di ako na sana ang flyer.” sabi ni Jade.

“So si Madz na ang bagong flyer. Punta na tayo sa mga dancers.” sabi ni Franz.

Excited si Kristine dahil siguradong magiging dancer siya. Hindi naman niya ninais na maging flyer dahil lapitin sa disgrasya. Tiyak niyang sa likod ang posisyon niya dahil sa pagiging matangkad niya. Posible nga na siya ang pinakamataas na babae sa grupo. Palihim na niyaya siya ni Katrina sa SM upang bumili ng magandang regalo para kay Franz.Kaarawan kasi ng nobyo nito. Pinaunlakan naman niya ang anyaya upang kahit sa maliit na paraan ay makabawi siya sa magiliw na pagtanggap nito sa kanya.

Sa tambayan ng Akyat Kalikasan, pinag-uusapan ng mga miyembro ang nalalapit na pag-akyat sa bundok ng Banahaw.

“Hi Lily, Jeff and Jay.” bati ni Monroy.

“Hello sa lahat.” bati naman ni Williard.

“Sasama ba si Richard sa Banahaw?” tanong ni Jay kay Williard.

“Oo, sasama yun.Binangungot na nga sa sobrang excited.Hahaha!” sabi ni Monroy.

“Ito si Alan, Mitch, Edward at Tomy.Sasama din sila sa Banahaw.” pakilala ni Jay sa mga bagong miyembro. “Itong si Lanie ay batchmate ko dito. 3 years na din yang umaakyat.”

“Hi,mga kasama. Huwag kalimutan ang alak ha!” sabi ni Lanie.

“Ito ang itinerary natin sa akyat. Nandyan sa ibaba ang mga dapat dalhin ng bawat isa. Pakibasa na lang. Bale Saturday early morning ang alis natin,then Sunday night ay nandito na tayo sa Manila.” paliwanag ni Lily.

Nakatanggap si Monroy ng mensahe sa isip mula kay Kristine.

“I’m with Kat dito sa SM.I’ll be back at seven. Yung gift ko ha.”

Gamit ang cellphone ay pinadalhan niya si Kristine ng mensahe ng pag-iingat sa paggamit ng kapangyarihan sa publiko. Babala ni Prof. Antonio ay maaring may mga tao sa paligid na may kakaibang kakayahan katulad ni Kristine. Muli siyang nakatangap ng mensahe mula dito.

“You really don’t have to worry. I can handle it.”

“Okay na ba ang 1,000 na budget?” tanong ni Jeff.

“Ayos na yan.Kung kulangin naman tayo ay pwede nating gamitin yung naipon from membership fee.” sagot ni Lily.

“5 liters na tubig ba talaga ang dapat dalhin?” tanong ni Williard.

“Yan na ang modest amount na kailangan natin. Mas maganda na ang sobra kaysa kulang. Wala ng iba pang water source sa itaas kapag tuyot ang falls..” sabi ni Jay.

“Ano bang masarap na de-latang pagkain?” muling tanong ni Edward.

“Ayoko ngang magdala ng de-lata!Ang bigat kaya nun!” sabi ni Monroy.

“Tama ka diyan.Mabibigat ang mga canned goods. Pwede siguro ang isang piraso.” sabi ni Lily.

“Mga baguhan talaga kayo. Sosyal ang grupo natin. Kakain tayo ng spaggheti sa itaas ng bundok.Sagot ko na yan.” sabi ni Lanie.

“Minsan lang manlibre yang si Lanie.” buska ni Jay.

“Hahaha! Paano naman lulutuin yun sa itaas?” tanong ni Jeff.

“Usually,pre-cooked na ang mga karne para madali ng lutuin. Luto na ang noodles at sauce ng spaggheti.Iinitin na lang natin sa itaas.” sagot ni Lily.

“Mukhang exciting ang first climb natin!” sabi ni Williard.

“Sinabi mo pa.Sana August 2 na!” dagdag ni Monroy.


Eksakto alas-siyete ng makabalik si Kristine sa unibersidad. Matapos magpaalam kay Katrina ay pinuntahan niya si Monroy at Williard sa Akyat Kalikasan. Nagkataon namang papalabas na rin pala ang dalawa.Nagyaya si Monroy sa school garden sa likod ng Gusali ng Wika. Nagtataka si Kristine kung bakit dito inilagay ni Monroy ang kaniyang regalo.

“Happy birthday!” sigaw ni Monroy. Hawak nito ang isang seedling ng Santol.

“You’re kidding,right?” nakangiting sabi ni Kristine.

“No,I am not.” sagot ni Monroy. “Ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Ito na yata ang pinaka-weird na regalong natanggap ko.Hahaha. Nagulat lang ako.” sabi ni Kristine.

“Kumakain ka ba ng Santol?” tanong ni Monroy.

“Oo naman. Salamat,Monroy.Hindi talaga kita makakalimutan. Aalagaan ko ito!” sabi ni Kristine.

“And this is my gift.Happy birthday ulit.” sabi ni Williard.Iniabot nito kay Kristine ang isang poster ni Johnny Depp.

“Uy,thanks, Williard!” sabi ni Kristine. "Guys, maraming salamat sa inyo."