Sunday, February 10, 2008

Maraming Salamat Ulit

Walang akong sawa dahil nominado na naman ang blog ko sa BLOG OF THE WEEK (Week 95). Maraming salamat kay Talksmart dahil napili niya ang aking blog.Biruin niyo, iba ang tema nito kumpara sa mga blogs ng iba kaya't isang karangalan na mapabilang sa mga nominado.Dumami din ang mga bloggers sa aking blogroll.Kahit mahirap,isa-isa ko pa rin kayong binibisita upang mangamusta,magbasa at mag-iwan ng komento.

Maraming salamat sa mga bloggers na sumuporta at sumusuporta.Ibabalik ko ang suporta sa inyo kapag kayo naman ang kasali sa poll.Hayaan niyo, kapag lagpak na ang blog ko sa darating na Sabado, hindi ko na guguluhin ang inyong site upang mangampanya.Hehehe.

Mag-iwan naman kayo ng komento sa Kabanata 17.Tinatanggap,positibo o negatibo man.

Maraming salamat po.

7 comments:

Anonymous said...

Ciao! Maligayang bati sa iyong pagka nominado. Paano pala kita maiboto? Wala akong masyadong alam sa blog award eh. Gusto kong iboto kita.

Anonymous said...

Purely tagalog/Filipino ang blog mo ah. Actually, I'm just dying to read especially it has chapters but my eyes don't permit it. I feel so dark but I know that the color is part of the theme... which is "hiwaga"...haaaaayyy..kaya ito, I'm stuck here in your short post, medyo di masyadong stressful sa eyes.

Great posts!

Anino said...

Maraming salamat sa pagbabasa.Sana ay masimulan mo sa unang kabanata.Maiikli lang naman ang bawat kabanata.

Gaano ba kadilim? Matindi ba ito na humahadlang na sa pagbabasa?

Sana makaboto kayo.

Anonymous said...

Yes razoo is right. Its dizzining to red. Its so dark kc. Hmmm, i guess you may enlarge the font? madami kc kming may astigma! hehe

Anino said...

Ganun ba talaga?Maayos naman ang mga titik sa ginagamit kong kompyuter.
Walang sagabal sa pagbabasa.

Pepe said...

Kumusta Anino, tinanggap ko pala yung job kay Thaistory tapos nagustuhan din nya yung trial drawing na ginawa ko, kaya lang nung tinanong nya ako kung ano ang mga conditions ko ay sinabi kong wala akong idea kasi hindi naman ako illustrator ng books talaga, marunong lang mag-drawing.... Pero ang sabi ko naman sa kanya na kung tuturuan nya ako kung paano ginagawa ang dealing ay baka mag-agree kami at maumpisahan na namin ang books, pagka-send ko nun hindi na sya sumagot pero mga two days pa lang naman kaya hihintayin ko lang muna.... Anyways, okay lang naman kung aatras sya.... Good day....! =D

Anino said...

Pepe, susbukan ko siyang kontakin sa pamamagitan ng email.Pasasabihan kita kapag mayroong resulta.