Wednesday, December 26, 2007

Ikalabing-apat na Kabanata

14

“Hahaha!Mabuti naman at hindi tinangay ang buong bag mo!” sabi ni Jeff.

“Mabuti nga at nakabalik kami sa oras.Bumalik pa nga nung gabi at may kasama ng anak. Mukhang nasarapan sa noodles.Mabuti na lang at walang kasamang tatay.” sabi ni Jay.

“Ang talim din pala ng mga ngipin ng baboy ramo.” sabi ni Monroy habang sinisipat ang sira ng backpack ni Lily.

“Oo naman! Sa amin, maraming mga nakakagat niyan kaya hindi basta-basta ang manghuli ng mga baboy ramo. Mabilis pang tumakbo kaya yari ka kapag hinabol ka.” sabi ni Williard.

“Delikado ang mga baboy-ramo kapag nakagat ka.Usually, hindi ka sa kagat mismo mamamatay kundi sa mga bacteria na nasa laway at ngipin nila.” dagdag ni Lily.

“Anong nangyari nung bumalik ulit?” tanong ni Williard.

“Naghanap ng makakain. Ginulo yung mga lutuan namin. Nang walang makita, umalis na din. Kami naman, nasa loob ng tent at pinanonood sila.Itong si Lily, panay ang kuha ng pictures.” sabi ni Jay.

“Ang cute naman ng anak niya.” sabi ni Jeff habang pinagmamasdan ang mga larawan ng baboy-ramo.

“Cute talaga! Kulay chocolate at kengkoy lumakad.Panay ang talon na parang excited.” sabi ni Lily.

“Hayaan mo baka umakyat uli tayo sa Tigas next year.

“Oo naman,but for now, Mt. Banahaw ang first climb natin!” masiglang sabi ni Jay.

“Oh yeah!” sabay na sabi ni Monroy at Williard.

“Major climb ang Mt. Banahaw diba? Baka naman mamatay kami sa first climb!” sabi ni Jeff.

“Mataas ang Banahaw kaya major climb pero madali lang naman ang trail. Maraming umaakyat doon tuwing Semana Santa kaya ayos ang trail. Kaya niyo yan!” sabi ni Jay. “Si Lily nga, Halcon ang first climb at may bagyo pa.”

“Kaya yan!” sabi ni Monroy.

“Oo,sisiw yan!” sabi ni Williard.

“Pakibuhat na lang ako kapag hindi ako umabot sa tuktok!Hahaha!” sabi ni Jeff.

“Sige, pagugulungin ka na lang namin pababa!Hahaha!” sabi ni Monroy.

“O kaya ipakain sa baboy ramo.Hahaha!”sabi ni Jay.

“Diba may namatay sa Halcon dahil sa hypothermia?Sino nga ba yun?” tanong ni Monroy.

“Oo.He was…” pinutol ni Lily ang sasabihin ni Jay.

“Sisiw ang Banahaw climb ko kung ikukumpara sa pag-akyat ng Halcon dati dahil may bagyo. Basta siguraduhin niyo na dadalo kayo ng pre-climb ha.Bale next Saturday na ang pre-climb. Don’t forget to bring an extra shirt.” naka-ngiting sabi ni Lily.

"Bring an extra life as well." dagdag ni Jay.


Sa tambayan ng Cheers!, pinag-uusapan ang unang laban kung saan ay kasali ang grupo.Ito ang 1st Manila City Cheering Competition. Ang “Smart” at “Little China in Manila Foundation” ang main sponsors ng nasabing paligsahan.

“We will have our first training on Saturday so you better be there! Ilalagay ko kayo sa likod kapag tatlong beses kayong umabsent.We need to get the first prize dahil ito ang first fight natin for this year para maganda ang pasok ng taon sa atin.Last year kasi ay nanalo kami sa unang laban, that year, nanalo kami sa lahat ng competition.” sabi ni Kat. “And Prof. Ana will be present on Saturday so dapat lahat tayo nandito.”

"Tsaka bigatin sponsors natin kaya bigatin din ang prize!" dagdag ni Franz.

“Yes!” sambit ni Madelle.

“Kinakabahan ako!” sabi ni Kristine.

“Ganyan talaga,Sis. Kahit naman ako na 3 years ng cheerleader, kinakabahan pa din tuwing may laban.” sabi ni Kat.

“Pwede ka namang mag-back out kung kinakabahan ka.” sabi ni Jade.

“Oo nga dahil hindi ka naman kawalan.Pwede din na tagalaba ka ng costumes namin.” tuya ni Meriam.

“So next week, magdala kayo ng komportableng shirt at sapatos.For the meantime, let’s watch our performance in the last Alabang Village Cheering Competition.Champion tayo dito for two years na.” paliwanag ni Kat.

Matamang nakatutok sa malaking telebisyon ang mga bagong cheerleaders. Pinag-aaralan ang mga galaw at sirko ng grupo.Ipinakita si Kat na naka-scorpion position habang buhat ni Franz.Nagpalakpakan ang mga baguhan.

“Wow,ang galing mo Kat!” sabi ni Kristine.

“Thanks,Sis. Magaling din naman si Franz dahil hindi ko naman magagawa yan ng ako lang.” sabi ni Kat.

Nang matapos ang panonood, muling pinaalalahanan ni Kat ang grupo tungkol sa pagsasanay sa darating na Sabado.

“Alis na kami ni Franz dahil manonood pa kami ng movie.” sabi ni Kat

“Ok, aalis na din ako dahil pupunta pa akong library. Ano nga palang panonoodin niyo?” sabi ni Kristine.

“Pirates of the Caribbean” sagot ni Franz.

“Sabihan mo ako kung maganda,ha?Enjoy the movie.” sabi ni Kristine sabay kindat kay Kat.

Hinalikan ni Kristine si Kat sa pisngi at saka tumungo sa opisina ng Akyat Kalikasan.

“Hi Jay and Lily.Ikaw si Jeff, right?I’m Kristine.”

“Hi.” sagot ni Jeff.

“Tuloy ka Kristine.” sabi ni Lily habang nagbubukas ng isang bag ng Chippy.

Tatanggi sana si Kristine dahil kailangan na nilang pumunta sa library kaya lang ay nahiya siya dito dahil sa binuksang Chippy.Pumasok siya at umupo sa tabi ni Monroy.Palihim niya itong siniko ngunit hindi siya nito pinansin.

“May signal ba ang Globe sa Banahaw?” tanong ni Monroy.

“Oo, mula sa baba hanggang sa tuktok.Kahit Smart meron din.” sagot ni Jay.

“May signal ba ng Sun Cellular sa itaas?” tanong ni Jeff.

“Wala pa yata.Hahaha!” sagot ni Williard.

Naisipan ni Kristine na tawagan si Williard sa cellphone nito. Narinig niyang tumunog ang cellphone ni Williard ngunit hindi naman nito narinig.

“Gusto kong pumunta dun sa “Kweba ng Diyos Ama.” sabi ni Williard.

“Huwag kang mag-alala dahil dadaanan natin yun.Pati “Kweba ng Espiritu Santo” din." sabi ni Jay.

Nag-isip si Kristine ng paraan upang ipaalam kay Monroy at Williard na kailangan nilang pumunta sa aklatan.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata.Makalipas ang ilang sandali ay narinig niyang nagpaalam si Monroy at Williard.

“Una na kami.” halos sabay na sabi ni Monroy at Williard.

“Kailangan pa pala naming mag-research sa library.” dagdag ni Williard.

“Halika na,Tin.” sabi ni Monroy. “Sige alis na kami.Have a great weekend,folks!”

Naglalakad ang tatlo papuntang aklatan ng makasalubong nila si Florante, ang student assistant ni Prof. Antonio sa aklatan.Ito din ang presidente ng "Alagad", isang organisasyon hingil sa relihiyon.

“Saan punta mo?” tanong ni Monroy.

“Diyan lang sa chapel.Baka gusto niyong sumama. ” sagot nito.

“Next time na lang.Nasa taas ba si Sir?” tanong ni Kristine.

“Oo.Mukhang may hinihintay.” sagot ni Florante.

Pumasok ang tatlo sa elevator ngunit bago sumara ang pinto nito ay humabol si Florante.

“Nakalimutan ko yung coffee mug ko sa itaas.” sabi ni Florante.

Sa aklatan, kakaunti lang mga estudyanteng nagbabasa ng aklat. Inaabangan na pala sila ni Prof. Antonio. Kanina pa pala ipinaalam ni Kristine dito ang ang kanilang pagdating sa pamamagitan ng isip. Liban ang isa pang student assistant kaya’t muling nagboluntaryo si Florante na tumao sa aklatan kahit tapos na ang kaniyang schedule.Nagtungo ang apat sa isang sulok upang mag-usap.

“Kamusta ang bago mong klase? Ginagawa mo ba yung mga payo ko?” tanong ni Prof. Antonio.

“Ayos lang ako,Sir.Salamat po pala ulit.I think I am improving. Hindi na ako masyadong napapagod kapag ginagamit ko ito.Mas lalo pang tumalas ang memory ko.” sagot ni Kristine.

“Pwede bang huwag mong gamitin sa akin yang power mo,Tin?Kinilabutan ako kanina!Akala ko ay may multong kumakausap sa akin.” sabi ni Williard.

“Oo nga.Grabe goosebumps ko kanina.Muntik na nga akong mapasigaw.” dagdag ni Monroy.

“Eh hindi niyo naman ako pinapansin kanina sa tambayan.I even tried calling you, Williard, but to no avail.” depensa ni Kristine.

“Anong ibig mong sabihin na hindi ka na napapagod?” tanong ni Prof.Antonio.

“Dati kasi, nauuhaw at napapagod ako everytime I used my power.Then sinunod ko ang advice niyo na mag-yoga.Ngayon ay nauuhaw ako whenever I use it pero hindi na tulad nung dati. Napansin ko din na mas tumalas ang memory ko.” sagot ni Kristine.

“Huwag mong ititigil iyan,Kristine upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng iyong kakayahan.” sabi ni Prof. Antonio.

“Sir, aakyat kami sa Banahaw.Sama kayo!” yaya ni Monroy.

“Nabanggit nga iyan ni Lily.Hindi ako makakasama dahil may dadaluhan akong pulong.Mag-iingat kayo dahil unang akyat niyo yan.Susunod kayo sa mga payo ni Lily.Huwag kayong lalayo sa mga kasama niyo.”babala ni Prof. Antonio.

“Akala ko ba banal na bundok ang Banahaw?Anong meron dun na dapat katakutan?Matatakot naman yata ang aswang na tumira sa Banahaw dahil maraming rosaries at crucifixes dun.” tanong ni Kristine.

“Bakit matatakot ang isang aswang sa isang rosaryo o imahe ni Kristo kung hindi naman niya ito alam o kilala?Sino ba sa atin ang nakakita na sa mukha ni Kristo?” tanong ni Prof. Antonio sa tatlo.

Nanahimik si Monroy, Williard at Kristine. Hindi alam kung ano ang isasagot. Ayon kay Prof. Antonio, ang imahe ni Kristo na sinasamba ng maraming tao sa kasalukuyang panahon ay kathang-isip lang ng mga alagad ng sining.Itinuro ni Prof. Antonio ang isang larawan ni Hesus na nakasabit sa dingding.

“Binalangkas ng mga pintor at ng lumaon ay ang imahe na iyan ang ginagamit at tinatanggap ng nakararami sa atin.Tandaan niyo, maaari tayong maging ispirituwal ng hindi nagiging relihiyoso.”

“Tama kayo,Sir. Iyan din ang pinaniniwalaan ng Mom ko.” sabi ni Monroy.

"Naalala niyo ba yung karanasan ko sa buso?Sa bundok Cristobal yun.Alalahanin niyo na malapit ang Banahaw sa Cristobal."

“May aswang ba sa Luzon,Sir? Sa pagkakaalam ko, parteng Visayas na lang sila.” tanong ni Williard.

“Hindi ko naman sinabing mag-ingat kayo sa aswang.Ang bundok ay makapangyarihan.Hindi lang pisikal na paghahanda ang kailangan kundi maging pangkaisipan. Tuklasin niyo ang mga elemento ng kalikasan. Hindi lang kayo aakyat ng bundok. Masusumpungan niyo ang mga kalubusan ng kalikasan na hindi niyo nakikita sa lungsod.Magugulat kayo sa handog ng Banahaw para sa inyo. Sana ay maibigan niyo ang mga makikita niyo.”

Sunday, December 16, 2007

Ika-labintatlong Kabanata



13

Mabilis na lumipas ang buwan ng Hunyo. Kinabukasan ang kaarawan ni Kristine kaya’t inimbita niya si Monroy at Richard na manuod ng pelikula. Liban si Williard ngayong araw kaya’t hindi pa nila alam kung sasama ito bukas sa panonood. Hindi naman ito nag-text o tumawag man lang para ipaalam ang kalagayan nito. Sa klase ng Biology, kasalukuyang tinatalakay ang predation.

“Ito ang hierarchy ng mga predators sa African savanna: Lion, wild dog, brown hyena, at spotted hyena. At the lowest level are small predators like cheetah at fox. To put it simply, these predators kill and eat other animals.

“Mam, bakit hindi kasama ang tiger? Lions ba ang greatest predator” tanong ni Nelson.

“Tigers live in forests, Mr. Merienda.Kung sa African savanna, lion ang greatest predator. Depende kasi sa lugar. Ang lion ay hindi pwede sa dagat. Iba din ang predator sa himpapawid.” sagot ni Miss Nerissa.

“Oo nga pala, Mam, sa gubat nga pala nakatira ang mga tigre.” sabi ni Nelson.

“Considered ba ang mga lions na predator ng elephants?” tanong ni Tina.

“Only lions are the known natural predators of elephants.But lions preying on elephants are very rare. Ang isang nagwawalang elepante ang isa sa pinakadelikadong hayop sa mundo. They can kill humans and lions.To be a predator, you have to kill and eat another animal.” sabi ni Miss Nerissa.

“Nabasa ko din na kahit mga rhinoceros ay kaya nilang patayin. Maam, are humans the greatest predators?” dagdag ni Monroy.

“Animals at top of any food chain are called apex predators. Examples of apex predators are lions,tigers, crocodile, phytons, komodo dragons, great white sharks and humans. Kapag titingnan natin ang food chain, nasa itaas ang tao.Tao lang ang kayang humuli ng isang hayop sa himpapawid, sa lupa at sa dagat. At dahil matalino ang tao, natutunan niyang gumawa ng mga kasangkapan tulad ng kutsilyo a baril na makatutulong sa paghahanap ng pagkain. We also learned animal domestication.” sagot ni Miss Nerissa.

“Ang mga hunters ba ay maituturing na predators?I mean, people who hunt for pleasure.” tanong ni Kristine.

“Sa mundo naman natin,survival of the fittest.Kung mahina ka,hindi ka tatagal.Personally, ang tingin ko diyan ay isang hobby. Some people collect coins, stamps and rocks. Promiscuous men collect women.” sabi ni Miss Nerisa.

“But, those selfish people don’t need to kill animals for pleasure in order to survive.Basic needs lang ng isang tao para mabuhay ay pagkain, damit at bahay. Dahil sa kasakiman sa pera, natuto na tayong kumuha ng labis. And one more thing, there are promiscuous women as well.” sabi ni Monroy.

“Tama talaga ang kasabihan sa bible na “Money is the root of all evil.” sabi ni Jade.

“Excuse me,Jade, it is not the money per se which is evil, but the love of money.” sabi ni Kristine.

“Noong pre-colonial Philippines, meron tayong barter system kung saan ay nakikipagpalitan tayo ng produkto sa China, Arabia, India at iba pang bansa sa South East Asia. At dahil sa sobrang katapatan ng mga sina-unang Filipino, iniiiwan lang ng mga Chinese ang kanilang ang mga produkto sa pampang. Babalikan nila after some days para kunin ang mga kapalit.” paliwanag ni Monroy.

“Pero sa ngayon, hindi ka naman mabubuhay kapag wala kang pera.” sabi ni Nelson. “Mas masipag ang mga Intsik kaya sila ang yumayaman.Wala namang tamad na yumayaman. Dati, ang mga Intsik ang mga magbobote at nagtitinda ng siopao sa kalye. Ngayon, mga Pinoy na ang magbobote.”

“Nelson, kung nakatira ka sa isang isla, bibigyan kita ng isang milyon, makakapagtayo ka ba ng business?Yayaman ka ba?” tanong ni Monroy.

Tumahimik ang lahat at iniisip ang sagot sa tanong ni Monroy. Si Miss Nerissa ay nakangiti habang tahimik na nagmamasid.

“Kahit mayaman ang isang Chinese, kailangan pa rin niya ang labour.Ang mga manggagawa ang lakas ng isang negosyo. It only proves na money isn’t everything.. Sang-ayon naman ako sa sinabi mo na masisipag ang mga Intsik. Pagkumaparahin mo ang Intsik at Pinoy na nagtitinda ng candy. Ang sa Pinoy, 75 cents and isa while sa Chinese, 50 cents ang isa. At the end of the day, ubos ang paninda ng Chinese dahil mas mura ang paninda niya.” sabi ni Monroy.

“Wait, pwedeng sa klase ni Antonio niyo na pag-usapan iyan dahil nauubos ang oras natin.Bumalik tayo sa predation. Anong characteristics ng isang predator?” sabi ni Miss Nerissa.

“Usually ay malalaking bibig, matutulis na kuko, malalakas na kamay at paa.” sabi ni Jade.

“Mabilis tumakbo, may canines, strong sense of smell.” dagdag ni Kristine.

Tahimik na pumasok si Williard sa classroom habang abala ang lahat sa balitaktakan. Hindi namalayan ng mga kaklase niya ang kanyang pagdating.Umupo siya sa tabi ni Monroy.

“Ginulat mo naman ako,Lard.” sabi ni Monroy. “Para ka talagang pusa kapag maglakad.”

“Good news, pasok na si Richard sa org natin! Napapayag ko si Jay!” masiglang sabi ni Williard.

“Wow,paano mo napapayag?” tanong ni Monroy.

“Kinausap ko lang”

“Baka naman may kapalit yan,ha.” sabi ni Kristine.

“Mamaya punta tayo sa tambayan.Anong topic?” tanong ni Willard.

“Predation”. sagot ni Kristine

“Maam, most carnivorous animals have sharp canines.They use these canines to tear meat. How come we don’t have those razor sharp canines?” tanong ni Kristine?

“Ibinigay iyan sa kanila dahil hilaw na karne ang kinakain nila.Ang mga sina-unang tao ay malalaki ang panga at malalakas ang ngipin. Mas marami din silang ngipin. Marahil ay upang madaling manguya ang karne na kanilang kinakain. And remember, they don’t have stove or oven to cook their food kaya matigas ang mga kinakain nila. Sa pagtagal ng panahon ay nagbago ang diet ng mga tao, naimbento ang apoy at ang mga kagamitan tulad ng kutsilyo, kalan, blender, at iba pa na makakatutulong sa madaling digestion ng pagkain. Dahil dito, nabawasan ang ating ngipin at lumiit ang ating panga. Ayon sa evolution, hindi natin kailangan ang maraming ngipin. Kaya kapag tinubuan kayo ng wisdom teeth, masakit dahil masikip ang panga niyo.Maaari niyo itong ipabunot dahil hindi niyo naman kailangan.Mangunguya niyo pa din ang karne kahit 32 lang ang ngipin niyo.”

“Maam, kumpleto na wisdom teeth ko.Hindi naman masakit nung tumubo.” sabi ni Williard.

“Masuwerte ka dahil maluwag ang panga mo.Ang akin kasi ay sumakit habang tumutubo.Nilagnat pa ako kaya ipinabunot ko na agad.Ilan ba ang tumubo sayo?” sabi ni Miss Nerissa.

“Apat po.” sagot ni Williard.

“Maam, what about those criminals and murderers who kill other people.Can we call them predators?” tanong ni Kristine.

“Basically, an animal must kill and eat another animal to be called a predator. Since those criminals don’t eat the flesh of their victims, they are not predators. Ibang kaso na nga lang kung mga cannibals na ang pinag-uusapan.” paliwanag ni Miss Nerissa.

“Maam, tell us more about cannibalism, please.” sabi ni Krisitine.

“Throughout the course of history, may cannibalism na. Ang Aztec Empire ng Mexico, warriors try to catch their enemies alive to offer as human sacrifices. Once the captured enemy is beheaded, the head is offered to Huitzilopoctli, The God of War.The remains will be consumed by the people. May certain tribe sa Papua New Guinea at Libya na kumakain ng karne ng tao.Sa China, very rampant ang foetal cannibalism. Even some animals like cats eat their newborn kittens.” sagot ni Miss Nerissa.

“Sa China naman, lahat na yata ng hayop kinakain.Hahaha!Pati fetus pala kinakain na din nila.” sabi ni Nelson.

“Maam, yung alaga kong pusa ay nanganak ng apat na kuting.Kinain din niya lahat. Bakit kaya?” tanong ni Tina.

“It is called “filial cannibalism”. As of now, Science has no exact explaination why some animals eat their infants.”

“Ang cannibalism naman ay binanggit din sa Bible kaya naniniwala ako diyan. Maam, eh dito sa Pilipinas, may cannibals ba dito?” tanong ni Jade.

“I am afraid that I can’t answer that question. Masyado na tayong out of topic. Kay Antonio niyo itanong iyan dahil expert siya diyan! About human sacrifice, di ba may paniniwala tayo na para maging matibay ang isang building o tulay ay binubuhusan ng dugo ang foundation nito.Madalas na gumawa niyan ay mga Chinese entrepreneurs.” sabi ni Miss Nerissa.

"How come wala namang nababalitang pinatay?" tanong ni Tina.

"Sa palagay mo ba ay hindi kayang bayaran ng mga milyonaryong Intsik na yan ang ating kapulisan?Even our dearest government will do anything to protect these Chinese Dynasties para hindi nila i-pull out ang mga business nila sa ating bansa.One more thing, wala naman sigurong maghahanap sa isang nawawalang pulubi.Ano ba naman sa gobyerno ang isakripisyo ang isang pulubi?Ang mga kapwa-pulubi naman ng biktima, aakalaing aswang ang may sala.Kaya kapag may mga malls na itinatayo sa lugar niyo, mag-iingat kayo!

"Alam niyo,Maam, nung itinatayo ang SM fairview, nauso yung "Kulto ng Bungo" sa lugar namin. Ang babala ng mga matatanda, huwag pagbubuksan ang sinumang kumatok unless sigurado ka na kakilala mo ito." sabi ni Nelson

"Oo,nabalitaan ko yan!Mga bandang 12 midnight, may kakatok sa pinto, then kapag binuksan mo,bigla ka na lang sasaksakin!Matapos maitayo ang SM Fairview, namatay din ang balita.Bumalik lang nung itayo naman ang Robinson's Fairview." dagdag ni Monroy.

"Maam, naniniwala ba kayo sa aswang?” tanong ni Jade.

Sandaling huminto si Miss Nerissa. Yumuko ito at wari ay nag-isip ng malalim. Ang lahat ay tahimik na pinagmamasdan ang kanilang propesora. Hinihintay ng buong klase ang kasagutan ng kanilang propesora.

“Class,sa ngayon, hindi pa nadidiskubre ng siyensya ang lahat ng hayop at halaman sa mundo.Ang mga hayop sa pinakamalalim na parte ng karagatan ay hindi mo na maintindihan ang mga itsura.Try to search pictures of angler fish, viper fish, gulper eel, at fangtooth. Kikilabutan kayo sa itsura ng mga isdang yan. Mas mukha pa silang halimaw kaysa isda. Some giant squids found measured 25 feet long. Huwag na tayong lumayo. We have more than 7,000 islands. Wala pang 1,000 sa mga island na ito ang may nakatirang mga tao. Only 400 islands have permanent residents. Imagine who or what else live in other islands. Sa Indonesia at New Guinea, every week yata ay may nakikitang bagong species ng hayop at halaman. Hindi ko sigurado kung anong klaseng halaman, hayop, sakit o aswang ang nasa mga isla natin. Hindi ko sinasabing may aswang. There is one thing that I am sure of, I will never go to one of those Philippine islands and islets uninhabitable to human.Lalo na sa mga kweba!” sabi ni Miss Nerisssa.



Monday, November 26, 2007

Ikasampung Kabanata




10
Kinabukasan, nakaupo sa TMT si Monroy,Williard, at Kristine. Pinag-uusapan nila si Dr. Manuela. Dalawang beses ng liban si Kristine sa klase nito simula nung insidente. Kahit anong pilit ni Monroy at Williard kay Kristine ay ayaw na nitong pumasok sa klase ng Psychology.

“Huwag mo ng i-drop ang subject.Lumipat ka na lang ng ibang klase.” suhestiyon ni Williard.

“At ano naman ang ida-dahilan ko sa registrar? Kinulam niya ako?” tanong ni Kristine.

“Sabihin mo working student ka.” sabi ni Monroy. “Kaya lang may kotse ka pala.Hahaha!” pahabol ni Monroy.

“Kristine, give it a try. Pasok tayo ngayon. If she harasses you again, magrerklamo tayo sa Student Affairs Office.” sabi ni Williard.

“Naks,Williard ang tapang natin ha.Tin, pwede natin siyang idemanda ng harassment. Kami ang witnesses mo.” sabi ni Monroy.

“Sige let’s see. Kapag pinag-initan na naman niya ako, “I’ll drop this subject. Pwede namang ulitin. Halika na nga.” sabi ni Kristine. “Ano yang ginagawa mo,Monroy?” tanong nito.

Nakapikit si Monroy habang yakap ang puno ng mangga.

“Napagod kasi ako kanina sa PE. Itinuro sa akin ito ng Mom ko noong bata pa ako. Madalas ko itong gawin kapag pagod dahil effective naman.” sagot ni Monroy.

“Anong napupulot mo diyan aside from kagat ng langgam at mantsa sa polo?” tanong ni Kristine.

“Nawawala pagod ko. Presko ang feeling! Subukan niyo!” sagot ni Monroy.
“Tama na yan at marami ng nakatingin sa atin.” sabi ni Williard.

Lumakad ang tatlo patungo sa klase ng Psychology. Wala pa si Dr. Manuela. Nang makaupo sila ay lumapit si Jade upang kamustahin si Williard.

“Hi Williard, kamusta ka?”

“Ok lang ako.Kamusta ka naman?”

“Ok lang din. Kamusta naman ang mahilig mag-cutting class?” tanong ni Jade.

“Hoy, anong pakialam mo?” sagot ni Kristine.

Ngumiti lang si Jade at saka umupo. Dumating si Dr. Manuela at nanahimik ang buong klase. Ang iba ay nakatingin kay Kristine. Tinawag agad ni Dr. Manuela si Kristine. Tumayo naman si Kristine.

“Kristine, kamusta ka? May sakit ka pa ba?” tanong nito.

“Magaling na po ako.” sagot ni Kristine.

“Kung magaling ka na ay simulan mo ang ating talakayan. What is “Abnormal Psychology?” muling tanong ni Dr.Manuela sa kanya. Matamang nakatingin ito sa kanya.

“There are four classificatons of abnormal behaviours: infrequent; maladaptive; deviant; and unjustifiable.” sagot ni Kristine.

“Advance ka naman pala. Definition ang tinatanong ko sayo.Bakit mo ibinigay ang classifications? Iyan ba ang natutunan mo sa cutting class?” bulyaw ni Dr.Manuela kay Kristine.

Tiningnan niya si Dr.Manuela upang humingi ng paumanhin sa maling sagot. Nang makita niya sa mga mata nito ang galit, sinubukan niyang umiwas ng tingin ngunit hindi niya magawa. Unti-unti, naririnig niya ang mga masasamang salita na ibinubulong nito sa kanyang mga tenga. Sinubukan niyang sumigaw ngunit parang kumapal at bumigat ang kanyang mga labi. Ang pagsagot sa pamamagitan ng isip ang tangi niyang nagagawa. Muli siyang nakaramdam ng pagka-uhaw. Pakiramdam niya ay buong araw siyang hindi uminom ng tubig. Hindi niya maalis ang pagkakatitig niya sa mga mata ni Dr. Manuela. Parang siyang napasailalim sa hipnotismo. Patuloy ang paghapdi ng kanyang lalamunan. Gusto na niyang tumakbo palabas ng silid ngunit mistulang nakapako ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya at nawalan siya ng malay.

Nang imulat ni Kristine ang kanyang mga mata, si Monroy at Williard ang kanyang nakita.Nasa klinika siya ng kanilang unibersidad.

“Pahingi nga ng isang baldeng tubig, nauuhaw ako.” bungad niya sa dalawa.

“Hahaha! Nakuha mo pang magbiro.Ito ang coke.” sabi ni Williard sabay abot ng coke in can.

“Thanks, Williard.”. Mabilis niyang nilagok ang coke. Nang maubos ay tiningnan niya si Monroy at Williard at saka siya humagulgol.

“Tama na. Sasamahan ka namin sa Students Affairs Office.” sabi ni Monroy habang hinihimas ang likod niya.

“Ang gusto ko lang ay lumipat ng ibang klase. Baka lalo akong mapasama kapag inireklamo ko siya. Ayoko na siyang makita.Natatakot ako!”

“Sige, puntahan natin si Prof.Antonio sa library. Baka pwede siyang makiusap sa registrar para sayo.” suhestiyon ni Williard.

Tumunog ang cellphone ni Monroy. Sinagot niya ang tawag ni Richard.

“Hey, tol,kamusta kayong tatlo?” bungad ni Richard.

“Ayos lang kami ni Williard. Si Kristine, nahilo na naman sa Psychology class.” sagot ni Monroy.

“Sabi ko na nga ba at may hindi magandang mangyayari sa kanya.Noong Sabado, nakita ko siyang parang natatakpan ng kung anong itim na bagay ang mukha niya.Sabi ni Mama, masama daw iyon!” sabi ni Richard.

“Anong ibig mong sabihin,tol?” tanong ni Monroy.

“Dumating na Professor namin. Mamaya na lang tayo mag-usap sa bahay. Ingat sa pag-uwi,tol.” paalam ni Richard.

Makalipas ang mahigit isang oras na pahinga sa klinika ay nagpunta ang tatlo sa aklatan. Hindi naman sila nahirapan na makita si Prof.Antonio.Tinawag nito ang isang student assistant upang asikasuhin ang mga estudyanteng nais manghiram ng aklat.

Niyaya sila ni Prof.Antonio sa bandang likuran na bahagi ng aklatan. Isinalaysay ni Monroy at Williard ang ginagawang pang-gigipit ni Dr. Manuela kay Kristine. Tahimik na nakinig si Prof.Antonio. Si Kristine naman ay hindi nagsasalita. Pagkatapos marinig ang kwento ay kinuha ni Prof.Antonio ang kanyang bag. Inilabas nito ang isang kaha ng baraha. Pagkatapos balasahin ang baraha ay iniabot niya ito kay Kristine.

“Kristine, pumili ka ng isang baraha na gusto mong itago. Huwag mo itong ipapakita sa akin. Sa pamamagitan ng iyong isip, sabihin mo sa akin kung ano ang barahang napili mo upang mahulaan ko ito. Titingnan natin kung kaya mong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng isip.” utos ni Prof. Antonio kay Kristine.

Kahit naguguluhan, sumunod si Kristine sa utos ni Prof. Antonio. Nang makapili ng isang baraha, isinuksok niya ito sa bulsa ng kanyang handbag. Ipinokus niya ang atensyon sa mga mata ni Prof.Antonio. Binuo niya ang isang imahe kung saan ay ibinubulong niya kay Prof. Antonio ang baraha.

“King of Hearts.” sabi ni Prof. Antonio.

“Tama kayo,Sir! sabi ni Kristine.

“Gawin mo ulit para maka-tiyak ako sa hinala ko.” utos ni Prof.Antonio.

Muli nilang inulit ang proseso. Sa anim na barahang itinago ni Kristine, 4 dito ang nahulaan ni Prof.Antonio.

"What is happening to me? Nababaliw na yata ako." sabi ni Kristine.

Hinawakan ni Prof.Antonio ang kamay ni Kristine at saka nagsalita.

“Kristine, may ESP ka. Huwag kang lalapit kay Manuela dahil delikado ang kalusugan mo kapag napuruhan ka niya. May lahing Babaylan si Manuela.” deklara ni Prof.Antonio.



Friday, November 16, 2007

Ikawalong Kabanata



8
Saturday, 1:00 p.m., nasa school si Monroy, Kristine at Williard upang
dumalo ng club orientation. Ang orientation ng “Cheers!” ay sa gym kaya’t
dito nagtungo si Kristine. Si Monroy at Williard naman ay nasa “Student Veranda” para sa orientation ng “Akyat Kalikasan”. Ang Student Veranda ay isang maliit na veranda na mayroong tatlong palapag. Sa ground floor makikita ang ilang food stalls, school supplies stores, bilihan ng load at computer shops. Sa second floor naman ang office ng Student Government at “Ningas”, ang school paper. Mayroon din na “Freedom Floor”. Isa itong open space para sa gustong tumambay, magpraktis ng sayaw at play, o magkwentuhan. Minsan na ring nag-picnic at nagsagawa ng Prayer Rally dito ang “Alagad”, isang Christian organization sa school.
Ang mga office ng clubs at organizations ay sa third floor makikita.

Kasama ni Monroy at Williard si Richard. Research sa library ang paalam nito sa guard. Binigyan si Monroy at Williard ng name tags ni Lily. Ang mga bagong miyembro ay nakaupo sa sahig ng Freedom Floor. Nakiupo na rin si Richard.
Isa-isang ipinakikita ni Lily ang mga pictures ng bundok na naakyat na ng grupo.
Sa bawat picture, binabanggit ni Lily ang pangalan ng bundok at kung
saang parte ng Pilipinas ito matatagpuan. Sinasagot din nito ang mga tanong
ng mga bagong miyembro.

“Naakyat niyo na ba ang Mt.Apo?” tanong ni Jeff.

“Oo naman. Mt.Apo sana ang huling pictures na ipapakita ko sa inyo.Kaya lang ay binanggit mo na.” sagot ni Lily.

“Nakakita na ba kayo ng malaking sawa?” tanong naman ni Allan.

“Yup! Sa Mt.Halcon sa Mindoro. Mga 14 feet siguro ang haba. Kaya lang ay patay na ito. Pinatay ng mga illegal loggers. Muntik ng mapatay ng sawa yung isa nilang kasama. Nakuhanan naman namin ng pictures.” muling sagot ni Lily.
Pagkatapos ipakita ang picture ng sawa,

“Ito naman ang Philippine Cobra natin, one of the deadliest snakes in the world. Nakita namin siyang nagsi-siesta sa puno.” sabi ni Lily.

“Wow, ang ganda ng kulay! Mabuti walang natuklaw sa inyo. Mas makamandag pa nga ang Philippine Cobra kaysa sa King Cobra!” sabi ni Jeff.

“Mabuti nga at napansin agad ng isa naming kasama yang cobra kaya kumpleto kami nung bumaba ng bundok.

“Eh aswang? May aswang ba sa Mt. Cristobal?” tanong ni Monroy.

“Personally, wala pa akong experience pero marami na kaming narinig na
encounter mula sa mga old members. Hindi naman ako naniniwala sa mga
aswang dahil wala pa naman akong nararanasan. Noong umakyat ang grupo
ng Mt. Cristobal last year, hindi ako nakasama dahil mayroon akong lagnat.
Sa palagay ko ay marami pa kayong mga tanong kaya ibibigay ko na sa inyo si Jay. Siya ang president ng grupo.” sabi ni Lily.


Nagulat si Williard ng makita si Jay. Wala sa itsura nito na maging presidente ng isang organization dahil mukha itong bata. Nakaramdam siya ng kaunting hiya
ng maalala ang unang pagkikita nila sa cr. Gusto na sana niyang puntahan si
Kristine upang sumali sa Cheers!. Tumingin si Jay sa kanya at ngumiti.
Tumango naman siya bilang pag-galang dito.
Sinimulan ni Jay ang kwento sa pagkakabuo ng Akyat Kalikasan. Isa nga si Prof. Antonio sa mga founding members. Ikinuwento din nito ang mga masasayang pangyayari na naranasan ng grupo. Ayon pa kay Jay, hindi lang bundok ang pinupuntahan ng grupo kundi pati mga kweba, ilog, falls, at iba pang magagandang tanawin sa Pilipinas. Nang sumapit ang 2:30 ay nagbigay ito ng 30 minutes break. Lumapit si Jay sa tatlo upang muling magpakilala.

“Hi. Musta mga bagong members? Bakit wala kang name tag?” tanong ni Jay kay Richard.

“Actually, kaming dalawa lang ang members. This is Richard, my bestfriend. Taga- ibang school.May chance ba na pwede siyang maging member ng group?” sabi ni Monroy.

“Pasensya ka na, Monroy. Hindi pwede dahil mahigpit tayo sa mga rules. I don’t want to have another problem sa Admin.” sagot ni Jay.

“No problem. Baka lang naman pwede. Ano bang naging problem niyo with the Admin?” tanong ni Monroy.

“That was 2 years ago.Tapos na iyon. Kamusta ka naman, Williard?” tanong ni Jay.

“Ayos lang naman. Hindi pa naman napapatay ng mga terror teachers.” sagot ni Williard.

“Hahaha! Part yan ng college life. Enjoy mo na lang.” sabi ni Jay.

“Ganyan nga ang ginagawa ko. Puntahan muna namin yung kaibigan namin sa gym. Balik din kami after kumain.” sabi ni Williard.

“Tara sa tambayan, may pagkain doon.” imbita ni Jay sa tatlo.

“Anong tambayan?” tanong ni Monroy.

“Sorry,office pala. Tambayan kasi ang tawag namin sa head quarters.” paliwanag ni Jay. “Tara sa itaas para makita niyo ang tambayan.”

“Ah…o sige tingnan muna natin ang tambayan.” sang-ayon ni Monroy.

Umakyat ang apat sa third floor upang makita ang tambayan. Pareho lang ang sukat ng mga office sa third floor. Iba-iba lang ang itsura ng bawat office. Ang tambayan
ng Akyat Kalikasan ay talaga namang agaw-pansin. Simple ngunit may dating ang style. Makikita sa pintuan ang mural ng Inang Kalikasan. Sa loob, ang sahig ay
kulay brown na parang lupa. Ang mga dingding ay green at nakapinta dito ang
isang gubat. Makikita ang mga puno, hayop, bundok at ilog. Ang kisame ay blue
at nakaguhit dito ang araw,ulap at ilang mga ibon. Humanga ang tatlo sa simpleng kagandahan ng kanilang tambayan.

“Wow! Ang ganda naman!” sabi ni Richard.

"Shit! Ang ganda nga!” dagdag ni Monroy.

“Ano sa tingin mo, Williard?” tanong ni Jay dito.

“Maganda naman.Naalala ko tuloy ang bahay namin sa province.” sagot ni Williard.

Isinalang ni Jay ang tape ng “Buklod” sa CD/Cassette player. Tinugtog ang “Kanlungan”.

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal’wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

“Meron din tayong kaunting food sa loob ng cabinet. Diyan napupunta ang mga contribution ng bawat miyembro bukod sa iba pang gastusin kapag may akyat tayo.” sabi ni Jay. "Huwag kayong mahihiya na pumunta dito."

“Ang sarap namang tumambay dito.” sabi ni Richard. “Hindi ba talaga pwedeng maging member ang outsider?”

“Pasensya ka na,Richard. Kung may magagawa lang sana ako. Mas gusto ko ngang marami ang members.” sagot ni Jay.

“Baka naman pwede naming kausapin yung Admin para payagan siya?” tanong ni Williard.

“Hayaan mo itatanong ko sa Monday.” sabi ni Jay.

Lagpas alas-kwatro na ng matapos ang orientation ng Akyat Kalikasan. Nagmamadaling pumunta si Monroy, Williard at Richard sa gym upang hanapin si Kristine. Nakasalubong nila si Jade palabas ng pinto. Binati nito si Wiliard. Tapos na ang orientation ng Cheers! ngunit marami pa ring estudyante sa gym. Nag-uusap si Kristine at Katrina sa bench ng lapitan nila ito.

“Kat, si Monroy at Wiliard,mga classmates ko.Ito naman si Richard, taga-ibang school.” pakilala ni Kristine.

“Hi boys. I’m Kat, the captain cheerleader of the group. Richard, may gf ka na ba?” tanong ni Kat.

“Ako, wala pa eh. Laging basted.” sagot ni Richard.

“Are you sure? Tanga lang ang babaeng babasted sayo.” sabi ni Kat.

“Gusto kasi niyan siya ang nililigawan.” sabi ni Monroy.

“Wow, challenge yan. Anyway, I have to go.Nice to meet you all. See you around.” paalam ni Kat.

Humalik ito sa pisngi ni Kristine at saka umalis. Umupo sa bench ang apat para magkwentuhan tungkol sa nangyari sa orientation. Nanood lang pala ng mga videos ng competition ang mga bagong miyembro ng Cheers!.Mula sa kinauupuan ay isa-isang itinuro ni Kristine ang mga kasamahan niya sa grupo.
"That girl is Tin. Yun naman si Madelle.Those are Martin, Franz and Belle." walang patid na sabi ni Kristine.

"Ang talas talaga ng memory mo,Tin." sabi ni Monroy.

Nang sumapit ang alas-sais ay nagpasiya ang apat na umuwi.




Tuesday, November 13, 2007

Ikapitong Kabanata


7
Klase nila sa General Psychology. As usual, pinag-iinitan si Kristine ni Dr. Manuela. Mabuti na lang at laging siyang may sagot sa mga tanong nito.Nagtaas ng kamay si Jade upang magtanong.

“Dr. Manuela, what is “Parapsychology”?” tanong ni Jade.

“Around 1880 nagsimula ang mga research about parapsychology. Ilan sa mga sakop nito ay ang telepathy, precognition, telekinesis, clairvoyance at hauntings. Ipapaliwanag ni Kristine ang kahulugan ng telepathy sa inyo.” sabi ni Dr. Manuela.

Nagulat si Kristine sa narinig. Nang makabawi ay tumayo siya at nagpaliwanag.

“Telepathy is the transferring of thoughts or feelings between individuals using their minds.” sagot ni Kristine. “Some parapsychologists claim that animals possess telepathy as well.” dagdag pa niya.

“Do you believe in telepathy, Kristine?” tanong ni Dr. Manuela. Matalim ang tingin nito sa kanya.

“May mga experiments na ginawa ang ilang parapsychologists na nagpapatotoo sa telepathy. For example, inihiwalay nila ang inang kuneho sa mga anak nito. Inilagay nila ito sa isang submarine na kasalukuyang nasa ilalim ng dagat. Sa lupa, isa-isang pinatay ang mga batang kuneho habang inoobserbahan ang vital signs ng inahing kuneho. Naging abnormal ang vital signs na inahing kuneho. Patunay lang na nararamdaman nito ang nangyayari sa kanyang mga anak.” paliwanag ni Kristine.

“Magaling, Kristine. Bakit hindi ka sumulat ng kwentong kababalaghan dahil malawak ang iyong imahinasyon?” tanong ni Dr. Manuela.

Tiningnan ni Kristine si Dr. Manuela. Nakita niyang nanlilisik ang mga mata nito. Nilabanan niya ito ng tingin. Lumipas ang ilang segundong pagtitig niya sa mga mata ni Dr. Manuela ay nakaramdam siya ng pagka-uhaw. Humahapdi ang kanyang lalamunan na parang nasusunog. Patuloy pa rin ang titigan nila ni Dr. Manuela. Hindi na niya makayanan ang lalong paghapdi ng kanyang lalamunan kaya binawi niya ang kanyang paningin. Nahihilo na siyang napaupo sa sahig.Tahimik ang buong klase. Humalakhak si Dr. Manuela at nagwika.

“Akala mo ba ay kaya mo ako? Hahaha! Class dismiss.” tumayo ito at lumabas ng silid.

“Ayos ka lang ba, Tin? tanong ni Monroy.

“Oo.Nahihilo lang ako.Gusto ko ng tubig.” sagot nito

“Sigurado ka? Gusto mo bang pumunta sa clinic?” tanong ni Williard.

“Sinabi ng OK lang ako! Tubig lang ang kailangan ko.” sigaw niya kay Williard. Tumayo siya ngunit muling nadulas at bumagsak sa sahig. Tinawanan siya ni Jade sa nakita.

Pumayag na si Kristine na pumunta sa clinic. Halos maubos niya ang tubig sa water dispenser. Pinahiga ng nurse si Kristine sa kama at hinipo ang ulo nito.

“Ano po kayang nangyari sa kanya?” tanong ni Monroy sa nurse.

“Hindi ko pa alam dahil hindi naman ako manghuhula. Check ko lang ang temperature niya.” sagot ng babaeng nurse. Kinuha nito ang body temperature ni Kristine.

“Miss, normal naman ang temperature mo. Nag-lunch ka ba kanina?” tanong ng nurse.

“Kumain po kami kaninang lunchtime.” sagot ni Williard.

“Aba, babae ka pala. Hindi ikaw ang tinatanong ko.” sabi ng nurse.

“Miss, bakit ba ang sungit mo? Government employee ka kaya dapat serviceable ka.Sayang ang tax na pinang-gagalingan ng sweldo mo.Ano ba ang problema ng friend namin?” sabi ni Monroy.

Hindi sumagot ang nurse. Kumuha ito ng 2 paracetamol at pina-inom kay Kristine. Gising si Kristine ngunit nakapikit ito.

“Balikan niyo na lang siya mamaya.” sabi ng nurse.

“Wala na kaming klase. Babantayan na lang namin siya.” sabi ni Williard

“Hindi pwedeng tumambay sa clinic.” sabi ng nurse.

“Magbabantay kami at hindi tatambay. Para hindi ka na rin maabala.” sabi ni Wiliard.

“Bahala kayo.” sabi ni nurse.

Lumipas ang sandali ay bumuti na ang pakiramdam ni Kristine.

“Tin, ano bang nangyari sayo? Kumain naman tayo kanina di ba?” tanong ni Monroy dito. Hinahaplos ni Kristine ang kanyang lalamunan

“Hindi ko alam. Basta bigla na lang akong nauhaw at nahilo. OK na ako ngayon. Mayroon akong sasabihin sa inyo. Kaya lang wag dito. Doon tayo sa TMT.” sabi ni Kristine sa dalawa.

Pagkatapos magpaalam sa nurse ay nagpunta sa cafeteria ang tatlo at bumili ng snack. Pagkatapos ay naglakad patungo sa TMT. Nang makaupo ay mabilis na ininom ni Kristine ang coke. Nang maubos ito ay saka ito nagsalita.

“Alam niyo ba kanina nung mag-titigan kami ni Manuela, kinilabutan ako. Parang nag-uusap kami sa isip lang. Ang dami niyang isinisigaw sa isip ko lang.Nung una ay Tagalog ang mga sinasabi niya kaya sinasagot ko pa siya sa isip ko din. Then, hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya dahil ibang language na yata at sobrang bilis niyang magsalita. Kinakausap niya ako sa isip lang. Hanggang sa naramdaman ko na nauuhaw ako. Humapdi ang lalamunan ko. Para akong umiinom ng mainit na tubig. Doon natapos ang titigan namin.What a bitch!” kwento ni Kristine.

“Sayang naman si Mam. Maganda pa naman kaya lang may lahing mangkukulam pala. Iba ang itsura niya kanina. Kita mga ugat sa noo niya. Iyong mga labi niya ay sobrang pula.” sabi ni Williard.

“Alam mo Tin, baka naman yan ang subconscious mind mo na kinakausap ka dahil may sikreto ka sa Mom mo.Tell her pag-uwi mo mamaya para magkaroon ka ng peace of mind.” sabi ni Monroy.

“Ano yun?” tanong ni Williard.

“Astig itong si Tin. Ang alam ng Mom niya ay sa La Salle siya naka-enrol. Hahaha.” sagot ni Monroy.

“Huh? Ang bigat nga niyan sa kunsensya.Apat na taon mong ililihim? Sooner or later ay malalaman din naman yan ng Mom mo. Kaya ka pala kung anu-ano ang naiisip mo.” sabi naman ni Williard.

“Basta alam ko ang naramdaman ko kanina. Kinausap niya ako sa isip lang. Kapag ako ay nagkasakit o namatay, yang mangkukulam na yan ang may kagagawan!” sabi ni Kristine.

“Ang ganda namang mangkukulam ni Mam.” dagdag ni Monroy.

Monday, November 5, 2007

Ikaanim Na Kabanata

6
Nagkita si Monroy, Kristine at Williard sa SM Manila. Isinama ni Monroy si Richard, ang bestfriend niya. Ipinakilala niya ito sa dalawa. Naging at ease naman agad si Kristine at Williard dahil napaka-kalog ni Richard.

“Ang gwapo naman ng bestfriend mo, Monroy.” sabi ni Kristine.

“Gwapo nga pero amoy kambing. Hahaha!” asar ni Monroy kay Richard.

“Kambing ka diyan. Ikaw nga, nagsasalita at naglalaway kapag tulog! Hahaha!” asar ni Richard kay Monroy.

“Minsan mo lang naman akong nakitang naglaway! Hahaha!” paliwanag ni Monroy.

“What’s your school?” tanong ni Kristine kay Richard.

“Dyan lang sa Quiapo. Gusto kong maging pulis.” sagot ni Richard.

“Kaya pala maganda ang katawan mo.” sabi ni Williard.

“Oo nga eh. Parang kargador sa pier.” sabi ni Monroy.

“Inggit ka lang dahil tiyan lang ang malaki sayo.” sabi ni Richard.

“Meron pang isa! Hahaha!” sabi ni Monroy.

“Ano nga palang panonoorin natin?” tanong ni Williard sa tatlo.

“Let’s take a look.” sabi ni Monroy.

Narating nila ang SM Cinema at tiningnan ang posters ng mga pelikulang pwedeng mapanood.

“Let’s watch “Finding Nemo.” sabi ni Kristine.

“Wrong Turn” na lang. Boring yan, Kristine. Bata ka ba?”sabi ni Monroy.

“Oo nga.”sang-ayon ni Richard.

“Ayoko ng horror movies. Iisa lang ang kwento. At least itong “Finding Nemo” iba ang pagkakagawa.Animated!” paliwanag ni Kristine.

“Sige nga i-kwento mo.” sabi ni Williard.

“Group of friends stranded in a place. Isa-isang mamatay maliban sa bidang babaeng. Puro habulan. Sometimes, mabubuhay din ang best friend niya.” sabi ni Kristine.

“Baka naman makatulog lang kami dyan sa “Finding Nemo”. Sayang lang ang 100 pesos.” sabi ni Monroy.

“Sige sino ang may gusto ng “Wrong Turn”?” tanong ni Kristine

Nagtaas ng kamay si Monroy, Williard at Richard. Hindi na naka-imik si Kristine. Umismid na lang ito kay Williard. Bumili sila ng tickets at food at saka pumasok sa sinehan. Si Richard ay rootbeer lang ang binili dahil ayaw niyang kumakain habang nanonood. Hindi daw niya marinig ang mga dialogue.

“Next month, showing na ang “Pirates of The Carribean”. We will watch that movie.”mariin na sabi ni Kristine. “I’ll treat you, guys. But we have to watch sa Robinson. Mas malamig ang cinemas doon.”

“Excuse me, hindi lang kayo ang tao dito.” sabi ng isang babae na nakaupo sa harapan nila.

“Miss, sorry.” sabi ni Williard.

Binulungan ni Monroy si Kristine.

“Birthday mo ba?Bakit ka manlilibre?” tanong ni Monroy

“Yup! I’m turning 16 next month. Pwede na akong mag-drive!.” sagot ni Kristine.

“Shit! You mean wala ka pang license? Bakit ginagamit mo na yung car mo?”astig ka talaga, Kristine!”

“Hoy, sayang naman ang ibinayad naming kung makikinig lang kami ng daldalan niyo!” sabi ulit ng babae.

Itinigil na nila ang usapan at nag-pokus sa movie. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ng babae. Tumayo si Kristine tinawag ang pansin nito.

“Miss, paki-patay mo nga yang phone mo. Nandito kami para manood ng movie at hindi para makinig ng ring tone mo.Or better yet, i-refund mo na lang ang binayad namin” sabi ni Kristine.

Isang oras at kalahati ang itinagal ng pelikula. Nagustuhan naman ito ng tatlong lalake. Paborito ni Monroy at Williard ang mga horror movies. Si Richard naman ay action movies talaga ang gusto. Mabuti na lang at type niya ang babaeng bida sa “Wrong Turn”.
Tulad ng inaasahan, hindi ito nagustuhan ni Kristine.

“I told you, mabubuhay ang bida. At bakit laging babae ang bida. Tara na nga dinner tayo.” Sabi ni Kristine.

Napili nila ang Wendy’s. Habang kumakain ay nakita ni Kristine ang babae na sumaway sa kanila sa loob ng sinehan. Kasama ng babae ang boyfriend nito. Panay ang halikan ng babae at ng boyfriend nito habang nag-iintay ng kanilang order. Naiinis si Kristine sa babae.
Dumating ang order nila. Ang order ni Monroy ay Big Triple Classic at Baked Potato. First time kumain ni Williard sa Wendy’s kaya ginaya lang niya ang order ni Monroy. Macaroni Salad naman ang kay Kristine. Si Richard ay Garden Fresh Salad at Baked Potato ang nilalantakan.

“Gosh, Richard. Don’t you like burgers? Sa body size mo ay yan lang ang kakainin mo?” tanong ni Kristine.


“Oo. Vegetarian ako.” sagot nito

“Ah ok.” sabi ni Kristine.

“Yan ang best friend ko, puro damo ang kinakain kaya amoy kambing.Tin, sino ba yang tinitingnan mo?”sabi ni Monroy.

"Yung babae kanina sa sinehan.Ayun sa kabilang table, nakikipaglampungan." sagot ni Kristine sabay turo sa kinauupuan ng babae.

"Hindi naman siya yun." sabi ni Monroy.

"Oo nga.Hindi siya yung babae sa sinehan." sabi ni Richard.

"Hindi ako maaaring magkamali.basta nakita ko ang mukha ng isang tao ay hindi ko na ito nakakalimutan." sabi ni Kristine.

"Huh?Hindi ko nga nakita mukha niya dahil madilim sa sinehan." sabi ni Monroy.

"Well, nakita ko naman ang suot niya.I'm positive na siya yun." sabi ni Kristine.

“Siya yung babae kanina sa sinehan.Musta naman ang lifestyle mo? Ayos ba maging vegetarian? Interesado ako.” sabat ni Williard.

“Dalawang buwan pa lang akong vegetarian. Sobrang hirap. May mga araw na para akong adik na naglalaway kapag nakakita ng karne. Nakakasuya din kasi ang gulay.Parang hinahanap ng sistema ko yung lasa ng karne. Hahaha! Sabi ng vegan friend ko, kapag kinaya ko ang 6 months na walang karne, tuloy-tuloy na daw. Sana kayanin ko.” sabi ni Richard.

“Akala ko pa naman matagal na.” sabi ni Kristine.

Pagkatapos kumain, nagpasya ang apat na umuwi na. Bago lumabas ng Wendy’s ay nilapitan ni Kristine ang babaeng kinaiinisan niya.

“Hey, kung gusto niyong maghalikan ay umupa kayo ng kwarto.” sabi ni Kristine sa magkasintahan.

Friday, November 2, 2007

Ikaapat Na Kabanata


4
Sa klase ng Philippine History, isang mainit na talakayan ang nagaganap. Ayon
kay Prof. Antonio, ang mga Babaylan ay ginagalang na mamamayan sa isang komunidad. Ang mga Babaylan ang lider sa aspetong panrelihiyon at pangkalusugan. Ito ang kanilang mahalagang papel sa ating lipunan bago dumating ang mga Kastila.

“Sir, ang mga lalakeng Babaylan ba ay bakla?” tanong ni Nelson.

“Hindi sila mga bakla. Simbolo sila ng pagiging pantay ng ating lipunan bago dumating ang mga Kastila. Sa ordinaryong araw, ang mga Babaylan ay ordinaryong magsasaka, mangingisda at iba pa. Class, ang “Mediterranean Machismo” ay dinala lang ng mga kastila sa Pilipinas. Hindi “Patriarchal” mag-isip ang mga sinaunanag Filipino. Generally, mga babae ang Babaylan ngunit maaaring maging Babaylan ang isang lalake dahil walang gender discrimination noon. Ngunit may ilang lugar sa Pilipinas kung saan ang isang Babaylan ay dapat na babae o lalake lamang.
For example, ang Mumbaki sa Ifugao ay lalake lamang. ”

“Sir, kung may kapangyarihan ang mga Babaylan, maaari ba nating sabihin na
mga mangkukulam sila?’ tanong ni Monroy.

“Iyan ang ginawa ng mga kastila sa mga Babaylan. Pinagbintangan silang mga mangkukulam at kampon ng diablo. Isa yan sa mga propaganda nila to convert the early Filipinos into Christians. Lumaban naman ang mga Babaylan. Isang pag-aaklas na pinamunuan ng mga Babaylan ang nangyari sa Antique. May isang malaking kawa sa loob ng kweba na puno ng pagkain. Binabantayan ng isang Babaylan ang kweba. Kung nagugutom ang isang miyembro ng pag-aaklas ay papasok lamang siya sa kweba upang kumuha ng pagkain sa kawa. Ang ipinagtataka nila ay hindi naubusan ng pagkain ang kawa. Maraming pag-aaklas ang inilunsad ng mga Babaylan upang itakwil ang Kristiyanismo. Sa bandang huli ay nagtagumpay ang mga kastilang misyoneryo na itaboy ang mga Babaylan palayo sa mga pueblo.” kwento ni Prof. Antonio.

Nagtaas ng kamay si Willliard upang magdagdag ng impormasyon.

“Sir, may karagdagan ako. Ang mga Babaylan din ang dahilan kung bakit kakaunti na lang ang mga aswang. Dapat nating ipagpasalamat iyan sa kanila.”
dagdag ni Williard.

“Hahaha!At bakit nasama ang aswang dito sa usapan? History ang topic at hindi children’s story.” sabad ni Jade.

“May tanong ako sayo Jade. Ilan ang species under the “Felidae Family”?” tanong ni Prof. Antonio.

“Hindi ko po alam ang exact number. Basta ilan sa kanila ay domestic cats, lions, tigers, jaguars, at Cheetahs.” sagot ni Jade.

“41 to be exact. Sa palagay mo ba ay tayo lang ang nabubuhay na specie under Homo Sapiens?" tanong ni Williard kay Jade.

“Debate na!”sigaw ni Arvin.

“Oo. Extinct na ang Homo sapiens idaltu, di ba?” balik-tanong ni Jade kay Williard.

“Oh extinct naman pala.” hiyaw ng mga kaklase nila.

“Kung mayroong domestic cats at wild cats,may posibilidad ba na mayroong wild humans na pwede nating tawagin na aswang? Bakit maamo ang ang isang pusang bahay? Bakit mabangis ang isang leon?” tanong ulit ni Williard dito.
Hindi nakasagot si Jade. Nag-taas ito ng kilay at umismid kay Williard. Tumingin ito kay Prof. Antonio na parang humihingi ng saklolo.

“Class, sa Liang Bua Cave sa Flores, Indonesia, nahukay ang fossil ng “Homo floresiensis” ngayong 2003. Ang height ng nahukay na fossil ay wala pang 4 feet. Fossil ito ng isang 30 years old na babae. Isipin niyo kung gaano kataas ang mga batang Homo Floriensis.Aabangan natin ang development.” paliwanag ni Prof. Antonio.

“Sir, para silang mga duwende natin.” dagdag ni Williard.

“Williard, kontrobersyal pa ang Homo floresiensis. Paano kung totoo ang sinasabi ng ilang scientist na may microcephalus lang ang fossil na nahukay? Kanina aswang, ngayon naman duwende!” hirit ni Jade.

“Oo nga naman. Microcephalic naman pala!” sigaw ni Nelson.

“Sir, pwede din na hindi microcephalus ang dahilan ng pagiging maliit nila. Mayroon kasing tinatawag sa science na “Dwarfism.” dagdag ni Tina.

“Class, maganda ang talakayan natin. Williard at Jade, maganda ang batuhan niyo ng mga tanong. Kaya lang ay wala ng oras.Next time ulit. Iyong mga natutulog dyan, baka matapos ang semester na hindi ko naririnig ang boses niyo. Baka di ko maalala ang pangalan niyo kapag gumagawa ako ng grades. Class dismiss.” sabi ni Prof. Antonio.

Tuesday, October 30, 2007

Ikatlong Kabanata




3
Human Evolution ang discussion ng klase. Matapos ipinaliwanag ni Prof. Antonio ang “Out of Africa Theory” at ang pinaka-unang primate na pinagmulan ng tao o genus Homo, pinag-usapan naman ang mga species sa ilalim ng genus na ito. Inilarawan at pinag-kumpara ni Prof. Antonio ang Homo habilis, Homo erectus, Homo neanderthalensis at Homo sapiens. Binanggit din niya ang mga naka-diskubre sa mga fossils ng mga ito. May nagtaas ng kamay upang magtanong.

“Sir, kung totoo ang teorya na mga Homo erectus ang unang gumamit ng apoy, ibig bang sabihin ay hilaw na karne ang kinakain ng mga Homo habilis?” tanong ni Jade

“Malamang ay hilaw na karne ng hayop. Kumakain din naman sila ng prutas at iba pang pwedeng makain.” sagot ni Prof.Antonio

“Sir, do they practice cannibalism dati?” tanong ni Kristine.

“Maaring mangyari yan. Marami namang dahilan ang isang tao kung bakit niya magagawang kumain ng kapwa niya tao. May mga dahilan ang cannibalism pero hindi natin pwedeng i-discuss sa klase dahil out of topic na yan. Kung gusto niyo ay puntahan niyo ako sa library mamaya at pag-usapan natin yan.” paliwanag ni Prof. Antonio.

“Sir, may cannibals pa ba ngayon?” tanong ni Monroy.

“Ang Kolufu Tribe ng Papua New Guinea ang itinuturing na pinaka-huling tribo na nag-practice ng cannibalism. Isipini niyo, hindi sila aware na may iba pang tao sa mundo until 1970s ng madiskubre sila.”

“Sir, pwede bang sabihin na may aswang?” tanong ni Monroy.

“Bakit naman nasali ang aswang sa usapan?” balik - tanong ng guro nila

“Sir, kung nag - evolved ang Homo erectus from Homo habilis, pwedeng may mga nanatiling kumain ng hilaw na karne. Ilang milyon ang nagdaan at nanatili silang ganun ang kinakain.What if there are certain species that branched out from Homo habilis na patuloy na kumain ng hilaw na karne ng hayop o maging tao? Para na rin silang aswang kung ganun ang practice nila. Not to mention na hindi pa sila ganap na mukhang tao.” paliwanag ni Monroy.

“Wala namang aswang. Maniniwala pa ako sa mga cannibals.” hirit ni Jade.

“Masyadong malawak na topic ang binuksan mo ,Monroy. Mamaya na natin sa library pag-usapan yan.” sabi ng kanilang propesor.

Tinapos ni Prof.Antonio ang discussion sa Tabon Man na natagpuan sa Tabon Cave sa Palawan.Ito ang tanging prehistorikong tao ng Pilipinas. Ang Tabon Man ang itinuturing na unang tao sa Pilipinas.

“Next week, tatalakayin natin ang Pilipinas bago dumating ang mga Kastila. Magbasa kayo para makasali naman kayo sa discussion. Class dismiss.”

Natapos ang araw at nakatambay sa TMT ang tatlo.

“Tin, mukhang may galit sayo si Dr. Manuela,ha.” sabi ni Monroy

“Oo nga eh. Ang pangit na yun. Insecure talaga sa ganda ko.”

“Maganda kaya si Mam!” sabi ni Williard.

“Hoy, palibhasa probisyano ka kaya wala kang taste. Maputi lang iyong bruha kaya akala niya ay maganda siya.” inis na sabi ni Kristine. “Ano bang alam mo sa kagandahan?Wala naman!”

Iniba ni Monroy ang usapan ng mapansin na napipikon si Kristine.

“Lard, buti hindi natuloy ang sore eyes mo. Anong ginamit mo?” tanong ni Monroy.

“Huwag mong pansinin iyon. Hindi pa siguro sanay ang mga mata ko sa pollution.” sagot ni Williard.

Nag-ring ang phone ni Monroy at sinagot niya ito.

“Hey tol, napatawag ka yata. Dami nating load ha.”

“Nasaan ka na? Akala ko ba manonood tayo ng movie?” sagot ng nasa kabilang linya.

“Tol, pupunta kaming library para mag-research. Sa weekend na lang tayo manood. Isasama ko rin mga classmates ko para makilala mo sila.”

“OK, no problem. Ingat ka sa biyahe,tol.”

“Sige, tol.” paalam ni Monroy. “Tara library tayo” yaya niya kay Williard at Kristine.

Sa library, kanina pa pala sila hinihintay ni Prof. Antonio.

“Sir, naniniwala ba kayo sa aswang?" tanong ni Monroy

“Oo.” tipid na sagot ni Prof. Antonio.

“Nakakita na ba kayo ng aswang, Sir?” tanong ni Williard

“Oo.” muling sagot ni Prof. Antonio.

“Kwento niyo naman, Sir.” sabi ni Monroy na talagang interesado sa aswang tulad ni Kristine. Si Williard ay walang interes na makinig. Nagpaalam si Williard sa tatlo upang kumuha ng aklat na mababasa. Bumalik ito na may bitbit na aklat tungkol sa mga Babaylan.

“Noong college pa ako, mountaineer ako dito sa campus natin. Umakyat kami ng Mt. Cristobal. Alam niyo naman siguro ang Mt. Cristobal. Apat na araw kami doon. Narating namin ang campsite on the second day. Sa paanan ng bundok, sinabihan na kami ng mga nakatira doon na irespeto ang bundok. Huwag daw tumuro sa kung saan. Huwag daw malakas kung magtawanan. Kung magbabawas naman ay magpaalam muna sa bundok. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoong bagay kaya di ko pinansin ang mga paalala. Kinagabihan ay kwentuhan habang umiinom ng lambanog. Panay ang saway sa akin ng mga kasama ko dahil malakas akong tumawa. Ako naman ay lalo ko pang nilakasan ang pagtawa dahil lasing na ako. Natapos ang inuman at natulog kami. Alam niyo ba ang nangyari kinabukasan?”

“Ano?” sabay na tanong ni Monroy at Kristine.

“Nawala ang sandals ko.” sagot ni Prof. Antonio.

“Iyon lang? Nasaan ang aswang?Sandals pala ang kinakain ng mga aswang.” tanong ni Kristine.

“Sabi ng kasama ko, mga duwendeng itim daw ang kumuha.Mamaya pa iyong aswang.”

“Bakit nila nasabi na duwende?” tanong ni Williard.

“Ang baho kasi ng paligid. Sobrang baho. Parang bugok na itlog. Ganoon daw ang amoy ng ihi ng isang itim na duwende.” sagot ni Prof. Antonio.

“Yuck, Sir!” sabi ni Kristine.

“Noong una,inakala ko na may nagtago lang ng sandals ko. Mahigit isang oras na ay wala talagang umamin. Si David, iyong isa naming kasama na mapamahiin ay humingi ng paumanhin sa bundok. Naglagay pa siya ng pagkain sa tabi ng isang puno na malapit sa campsite namin. Sinabihan ko na siya na itigil na ang kanyang mga kalokohan dahil walang duwende. Hinanap ko ang sandals ko. Napalayo ako sa campsite dahil sa paghahanap. Dahil sa call of nature, umihi ako sa tabi ng isang malaking puno. After kong umihi ay may nakita ako ng isang butas. Mga isang metro din ang laki ng bukana nito. Lumapit ako sa bukana ng butas upang tingnan ang loob nito. Naramdaman ko na lang na may pumukpok sa ulo ko. Then, hinimatay ako.”

“Anong nangyari sa inyo, Sir?” tanong ni Monroy

“Nang magising ako, nasa loob ako ng tent namin. Sumilip ako sa labas at nakita ko ang mga kasama ko na tahimik na nakaupo. Ang isa pa nga ay umiiyak. Tinanong ko sila kung ano ang nangyari at kung bakit wala na kami sa tuktok ng Cristobal. Nasa kalagitnaan na kasi kami ng bundok. Ang kwento nila, nawala daw ako ng ilang oras sa paghahanap ng sandals ko. Hinanap nila ako after 3 hours. Nakita nila ako sa tabi ng isang malaking puno. Walang malay at may sugat sa ulo. Sabi ni David, duwende daw ang may gawa. Mayroon daw mga duwendeng itim na tinatawag na “Caranget”.Ang isang Caranget ay madalas umupo sa sanga ng isang puno. May hawak ito na isang malaking bato at naghihintay ng taong pwedeng bagsakan sa ulo. Marami daw duwendeng Caranget sa Mt. Cristobal. Ang swerte ko daw dahil hindi kalakihan ang batong bumagsak sa ulo ko.” mahabang paliwanag ni Prof.Antonio.

“Hindi naman lubusang masama ang mga Caranget. Ayaw lang nilang pinakiki-alaman ang teritoryo nila.” pahabol ni Prof. Antonio.

“That is very interesting, Sir. At ironic dahil itim na duwende pero hindi lubusang masama? Ipinagtanggol niyo pa.” sabi ni Kristine. “What about the aswang?”

“Isa lang sa mga uri ng duwendeng itim ang mga Caranget. Sila ang pinaka-mild kung tutuusin. Atat ka naman sa aswang, Kristine. Sige fast-forward ko ang istorya.” medyo inis na sabi ni Prof. Antonio. Ipinagpatuloy nito ang kwento.

Inabot ng gabi ang grupo ni Prof. Antonio sa pagbaba ng bundok. Napagpasyahan ng lahat na doon na matulog tutal ay malapit na rin naman sila sa paanan ng bundok. Ang lahat ng kasama niya ay mabilis na nakatulog dahil sa sobrang pagod. Siya naman ay hindi dalawin ng antok dahil sa pagkirot ng sugat sa kanyang ulo. Hindi pa rin siya naniniwala na duwende ang may gawa nito sa kanya. May narinig siyang kaluskos na parang taong tumatakbo. Nasundan ito ng ingay ng mga manok na parang kinakatay. Lumabas si Prof. Antonio upang hanapin ang pinagmumulan ng ingay. Dahil sa liwanag ng buwan, may natanaw siyang anino sa likuran ng isang puno. Sa pag-aakalang isang magnanakaw, hindi na niya kinuha ang kanyang flashlight at nagmamadaling lumapit sa puno upang tingnan kung sino ang may-ari ng anino. Nakita niya ang isang pigura ng tao na sa hula niya ay isang babae dahil sa mahaba nitong buhok. Nakatalikod ito sa kanya. Nakaupo ito at tila ay abala sa kung anong ginagawa nito. Binati niya ito ng magandang gabi. Lumingon ang babae kay Prof. Antonio. Ang mga mata nito ay nanlilisik at puno ng dugo ang mukha habang kumakain ng kung ano. Mayroon itong nginunguya. Ibinuka ng babae ang bibig nito at sumigaw ng ubod lakas. Tumalsik ang laman ng bibig nito sa mukha ni Prof. Antonio. Pagkatapos sumigaw ay mabilis na tumakbo ang babae palayo. Nagsisigaw na bumalik si Prof. Antonio papunta sa campsite. Ang kanyang mga kasama ay nagising na rin ng marinig ang sigaw niya at ng babae. Nang matapos isalaysay ang kanyang nakita sa mga kasamahan, lahat sila ay pumunta sa sa puno upang tingnan kung ano ang kinain ng babae. Nakita nila ang dalawang patay na manok na wakwak ang dibdib. Pagkatapos ng tagpong iyon ay dali-daling nag-break camp ang grupo at bumaba ng bundok sa kalagitnaan ng gabi. Nang marating ang bayan, nagbayad sila upang makitulog sa sala ng isang bahay. Binanggit ng grupo sa may-ari ng bahay ang kanilang naranasan sa Mt. Cristobal. Ang aswang daw na nakita ni Prof. Antonio ay isang “Buso.” Karne ng patay na tao ang kinakain ng isang Buso ngunit kung mahigpit ang bantay sa sementeryo ay nagtitiyaga ito sa manok. Sinabi ng may-ari ng bahay na matagal na raw nilang gustong mahuli ang Buso dahil peste ito sa kanilang kabuhayan. May suspetsa na raw sila kung sino ito.

“Sir, anong itsura ng Buso?” tanong ni Monroy.

“Mga mukha din silang tao. Kapag walang bangkay ay manok na buhay ang kinakain nila. Mabibilis silang tumakbo kaya mahirap mahuli.” sabat ni Williard.

“Bakit alam mo?” tanong ni Kristine.

“Sa bayan namin sa Negros ay “Calag” ang tawag dyan.” sagot ni Williard.

“May alam ka pala sa aswang. Bakit di na lang ikaw ang mag-kwento sa mga kaibigan mo, Williard? Taga-Negros ka pala. Marami daw aswang doon.” sabi ni Prof. Antonio

“Actually, yung mga aswang sa Negros ay mga dayo lamang. Galing talaga ang mga iyon sa Siquijor at Capiz. Kaya lang ay pinalayas sila ng mga “Babaylan.” paliwanag ni Williard.

“May alam ka din pala sa mga Babaylan. Bukas ang discussion natin dyan sa klase. See you tomorrow.” paalam ni Prof. Antonio.

Unang Kabanata



1
Araw ng Biyernes, alas-dos ng tanghali, kumakain si Monroy sa kantina ng kanyang unibersidad. Kanin, pinakbet, at samalamig ang kanyang tanghalian. Napilitan lang siyang umorder ng pinakbet dahil wala ng iba pang pagkain. Lahat yata ng pagkain ay makakaya niyang kainin, maliban sa pinakbet na may bagoong. Wala siyang hindi kinakain na gulay maliban sa bagoong. Mas mabuti pang igisa ang gulay kaysa lagyan ng bagoong para kanya. Mabuti na lang at may naabutan pa siyang samalamig. Paborito niya itong pamatid-uhaw. Tinanghali si Monroy ng gising kaya isa siya sa mga pinaka-huling natapos sa enrollment. Masaya siya dahil nakapasok siya sa gusto niyang pamantasan. Isa ito sa mga pinakamahuhusay na unibersidad sa bansa.

Kung tutuusin ay kaya niyang mag-aral sa mamahaling pamantasan dahil mayaman ang pamilya niya ngunit dito siya pinadpad ng kanyang adhikain. Sa isang unibersidad ng mga iskolar ng bayan niya aabutin ang pangarap na maging isang guro. Ang unibersidad na kaniyang papasukan ay tanyag sa kagalingan sa larangan ng kursong edukasyon. Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung anong espelisasyon ng pagtuturo ang kaniyang papasukin ngunit sigurado siya sa kaniyang sarili na nais niyang maging isang guro. Tatlong araw na lang ay pasukan na kaya't nasasabik na siya. Malapit na siyang matapos kumain ng may lumapit sa kanya. Isang maganda, seksi, at matangkad na babae. Halatang sosyal ito dahil sa mamahaling kasuotan.
“Hi, pwedeng maki-share ng table?” tanong ng babae.
“Sure. Go ahead.” sagot ni Monroy. Sa isip niya, kursunada siya ng babae dahil sa dami ng bakanteng lamesa ay tumabi pa ito sa kanya. Hindi sa pagmamayabang ngunit may itsura naman siya. Pagdating sa pag-aaral, hindi siya pahuhuli. Matangkad din naman siya ngunit mas mataas ang babae sa kanya. Umupo ang babae. Magkaharap sila sa mesa. Pasulyap-sulyap si Monroy dito tuwing susubo ito ng pagkain. Napansin niya na may inis sa mukha nito.
“Ang init naman dito.” sabi ng babae.
“Okey lang naman sa akin” sabi ni Monroy. Nginitian niya ang babae.
“I’m Kristine. And you are?” tanong nito.
“Monroy.”
“And the food, gross!” sabi ni Kristine.
Nag-ring ang cellphone ni Kristine at sinagot niya ito. Mahigit anim na minuto ang itinagal ng usapan ni Kristine at ng kaniyang ina.
“Shit! I can’t believe this is happening to me. Monry, tell me this is not real!” sabi ni Kristine
“It’s Monroy. Anong problema?” tanong ni Monroy kay Kristine.
Ikinuwento ni Kristine ang dahilan ng pagka-inis niya. Dapat ay sa DLSU siya mag-aaral. Bayaran na ng tuwisyon ng maholdap siya sa kalye ng Taft. Gamit ang cellphone habang naglalakad patungo sa kotse niya, tinutukan siya ng kutsilyo ng holdaper. Kinuha ng holdaper ang bag at cellphone niya. Nasa bag ang pambayad niya ng tuwisyon. Mayaman ang pamilya ni Kristine ngunit hindi biro ang halaga ng salaping nakuha sa kanya. Alam niya na magagalit ang kanyang ina kapag nalaman ang insidente at iyon ang ayaw niyang mangyari. Hindi ito maramot sa pera kung may balidong rason. Inilihim niya dito ang naganap na insidente. Naghanap siya ng ibang unibersidad na maaring pasukan at ibinili niya ng bagong cellphone ang natitira niyang pera.
“Sa pagkaka-intindi ko, hindi alam ng Mom mo na dito ka mag-aaral?” tanong ni Monroy.
“Oo. Mabuti nga nakahabol ako sa last admission test. At isa pa, malapit ito sa La Salle kaya hindi mahahalata ng Mom ko.” paliwanag ni Kristine.
“Ang laki ng problema na pinasok mo.”

“We will see. Monry, I have to go. See you next week. May I have your cellphone number?”
“Sure.” Ibinigay ni Monroy ang number niya. “See you around.”
Matapos makuha ang kanyang cellphone number ay nagpaalam na si Kristine sa kanya.
“Arte.” bulong ni Monroy.Isang katangian na ayaw ni Monroy ang kaartehan.