“Hahaha!Mabuti naman at hindi tinangay ang buong bag mo!” sabi ni Jeff.
“Mabuti nga at nakabalik kami sa oras.Bumalik pa nga nung gabi at may kasama ng anak. Mukhang nasarapan sa noodles.Mabuti na lang at walang kasamang tatay.” sabi ni Jay.
“Ang talim din pala ng mga ngipin ng baboy ramo.” sabi ni Monroy habang sinisipat ang sira ng backpack ni Lily.
“Oo naman! Sa amin, maraming mga nakakagat niyan kaya hindi basta-basta ang manghuli ng mga baboy ramo. Mabilis pang tumakbo kaya yari ka kapag hinabol ka.” sabi ni Williard.
“Delikado ang mga baboy-ramo kapag nakagat ka.Usually, hindi ka sa kagat mismo mamamatay kundi sa mga bacteria na nasa laway at ngipin nila.” dagdag ni Lily.
“Anong nangyari nung bumalik ulit?” tanong ni Williard.
“Naghanap ng makakain. Ginulo yung mga lutuan namin. Nang walang makita, umalis na din. Kami naman, nasa loob ng tent at pinanonood sila.Itong si Lily, panay ang kuha ng pictures.” sabi ni Jay.
“Ang cute naman ng anak niya.” sabi ni Jeff habang pinagmamasdan ang mga larawan ng baboy-ramo.
“Cute talaga! Kulay chocolate at kengkoy lumakad.Panay ang talon na parang excited.” sabi ni Lily.
“Hayaan mo baka umakyat uli tayo sa Tigas next year.
“Oo naman,but for now, Mt. Banahaw ang first climb natin!” masiglang sabi ni Jay.
“Oh yeah!” sabay na sabi ni Monroy at Williard.
“Major climb ang Mt. Banahaw diba? Baka naman mamatay kami sa first climb!” sabi ni Jeff.
“Mataas ang Banahaw kaya major climb pero madali lang naman ang trail. Maraming umaakyat doon tuwing Semana Santa kaya ayos ang trail. Kaya niyo yan!” sabi ni Jay. “Si Lily nga, Halcon ang first climb at may bagyo pa.”
“Kaya yan!” sabi ni Monroy.
“Oo,sisiw yan!” sabi ni Williard.
“Pakibuhat na lang ako kapag hindi ako umabot sa tuktok!Hahaha!” sabi ni Jeff.
“Sige, pagugulungin ka na lang namin pababa!Hahaha!” sabi ni Monroy.
“O kaya ipakain sa baboy ramo.Hahaha!”sabi ni Jay.
“Diba may namatay sa Halcon dahil sa hypothermia?Sino nga ba yun?” tanong ni Monroy.
“Oo.He was…” pinutol ni Lily ang sasabihin ni Jay.
“Sisiw ang Banahaw climb ko kung ikukumpara sa pag-akyat ng Halcon dati dahil may bagyo. Basta siguraduhin niyo na dadalo kayo ng pre-climb ha.Bale next Saturday na ang pre-climb. Don’t forget to bring an extra shirt.” naka-ngiting sabi ni Lily.
"Bring an extra life as well." dagdag ni Jay.
Sa tambayan ng Cheers!, pinag-uusapan ang unang laban kung saan ay kasali ang grupo.Ito ang 1st Manila City Cheering Competition. Ang “Smart” at “Little China in Manila Foundation” ang main sponsors ng nasabing paligsahan.
“We will have our first training on Saturday so you better be there! Ilalagay ko kayo sa likod kapag tatlong beses kayong umabsent.We need to get the first prize dahil ito ang first fight natin for this year para maganda ang pasok ng taon sa atin.Last year kasi ay nanalo kami sa unang laban, that year, nanalo kami sa lahat ng competition.” sabi ni Kat. “And Prof. Ana will be present on Saturday so dapat lahat tayo nandito.”
"Tsaka bigatin sponsors natin kaya bigatin din ang prize!" dagdag ni Franz.
“Yes!” sambit ni Madelle.
“Kinakabahan ako!” sabi ni Kristine.
“Ganyan talaga,Sis. Kahit naman ako na 3 years ng cheerleader, kinakabahan pa din tuwing may laban.” sabi ni Kat.
“Pwede ka namang mag-back out kung kinakabahan ka.” sabi ni Jade.
“Oo nga dahil hindi ka naman kawalan.Pwede din na tagalaba ka ng costumes namin.” tuya ni Meriam.
“So next week, magdala kayo ng komportableng shirt at sapatos.For the meantime, let’s watch our performance in the last Alabang Village Cheering Competition.Champion tayo dito for two years na.” paliwanag ni Kat.
Matamang nakatutok sa malaking telebisyon ang mga bagong cheerleaders. Pinag-aaralan ang mga galaw at sirko ng grupo.Ipinakita si Kat na naka-scorpion position habang buhat ni Franz.Nagpalakpakan ang mga baguhan.
“Wow,ang galing mo Kat!” sabi ni Kristine.
“Thanks,Sis. Magaling din naman si Franz dahil hindi ko naman magagawa yan ng ako lang.” sabi ni Kat.
Nang matapos ang panonood, muling pinaalalahanan ni Kat ang grupo tungkol sa pagsasanay sa darating na Sabado.
“Alis na kami ni Franz dahil manonood pa kami ng movie.” sabi ni Kat
“Ok, aalis na din ako dahil pupunta pa akong library. Ano nga palang panonoodin niyo?” sabi ni Kristine.
“Pirates of the Caribbean” sagot ni Franz.
“Sabihan mo ako kung maganda,ha?Enjoy the movie.” sabi ni Kristine sabay kindat kay Kat.
Hinalikan ni Kristine si Kat sa pisngi at saka tumungo sa opisina ng Akyat Kalikasan.
“Hi Jay and Lily.Ikaw si Jeff, right?I’m Kristine.”
“Hi.” sagot ni Jeff.
“Tuloy ka Kristine.” sabi ni Lily habang nagbubukas ng isang bag ng Chippy.
Tatanggi sana si Kristine dahil kailangan na nilang pumunta sa library kaya lang ay nahiya siya dito dahil sa binuksang Chippy.Pumasok siya at umupo sa tabi ni Monroy.Palihim niya itong siniko ngunit hindi siya nito pinansin.
“May signal ba ang Globe sa Banahaw?” tanong ni Monroy.
“Oo, mula sa baba hanggang sa tuktok.Kahit Smart meron din.” sagot ni Jay.
“May signal ba ng Sun Cellular sa itaas?” tanong ni Jeff.
“Wala pa yata.Hahaha!” sagot ni Williard.
Naisipan ni Kristine na tawagan si Williard sa cellphone nito. Narinig niyang tumunog ang cellphone ni Williard ngunit hindi naman nito narinig.
“Gusto kong pumunta dun sa “Kweba ng Diyos Ama.” sabi ni Williard.
“Huwag kang mag-alala dahil dadaanan natin yun.Pati “Kweba ng Espiritu Santo” din." sabi ni Jay.
Nag-isip si Kristine ng paraan upang ipaalam kay Monroy at Williard na kailangan nilang pumunta sa aklatan.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata.Makalipas ang ilang sandali ay narinig niyang nagpaalam si Monroy at Williard.
“Una na kami.” halos sabay na sabi ni Monroy at Williard.
“Kailangan pa pala naming mag-research sa library.” dagdag ni Williard.
“Halika na,Tin.” sabi ni Monroy. “Sige alis na kami.Have a great weekend,folks!”
Naglalakad ang tatlo papuntang aklatan ng makasalubong nila si Florante, ang student assistant ni Prof. Antonio sa aklatan.Ito din ang presidente ng "Alagad", isang organisasyon hingil sa relihiyon.
“Saan punta mo?” tanong ni Monroy.
“Diyan lang sa chapel.Baka gusto niyong sumama. ” sagot nito.
“Next time na lang.Nasa taas ba si Sir?” tanong ni Kristine.
“Oo.Mukhang may hinihintay.” sagot ni Florante.
Pumasok ang tatlo sa elevator ngunit bago sumara ang pinto nito ay humabol si Florante.
“Nakalimutan ko yung coffee mug ko sa itaas.” sabi ni Florante.
Sa aklatan, kakaunti lang mga estudyanteng nagbabasa ng aklat. Inaabangan na pala sila ni Prof. Antonio. Kanina pa pala ipinaalam ni Kristine dito ang ang kanilang pagdating sa pamamagitan ng isip. Liban ang isa pang student assistant kaya’t muling nagboluntaryo si Florante na tumao sa aklatan kahit tapos na ang kaniyang schedule.Nagtungo ang apat sa isang sulok upang mag-usap.
“Kamusta ang bago mong klase? Ginagawa mo ba yung mga payo ko?” tanong ni Prof. Antonio.
“Ayos lang ako,Sir.Salamat po pala ulit.I think I am improving. Hindi na ako masyadong napapagod kapag ginagamit ko ito.Mas lalo pang tumalas ang memory ko.” sagot ni Kristine.
“Pwede bang huwag mong gamitin sa akin yang power mo,Tin?Kinilabutan ako kanina!Akala ko ay may multong kumakausap sa akin.” sabi ni Williard.
“Oo nga.Grabe goosebumps ko kanina.Muntik na nga akong mapasigaw.” dagdag ni Monroy.
“Eh hindi niyo naman ako pinapansin kanina sa tambayan.I even tried calling you, Williard, but to no avail.” depensa ni Kristine.
“Anong ibig mong sabihin na hindi ka na napapagod?” tanong ni Prof.Antonio.
“Dati kasi, nauuhaw at napapagod ako everytime I used my power.Then sinunod ko ang advice niyo na mag-yoga.Ngayon ay nauuhaw ako whenever I use it pero hindi na tulad nung dati. Napansin ko din na mas tumalas ang memory ko.” sagot ni Kristine.
“Huwag mong ititigil iyan,Kristine upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng iyong kakayahan.” sabi ni Prof. Antonio.
“Sir, aakyat kami sa Banahaw.Sama kayo!” yaya ni Monroy.
“Nabanggit nga iyan ni Lily.Hindi ako makakasama dahil may dadaluhan akong pulong.Mag-iingat kayo dahil unang akyat niyo yan.Susunod kayo sa mga payo ni Lily.Huwag kayong lalayo sa mga kasama niyo.”babala ni Prof. Antonio.
“Akala ko ba banal na bundok ang Banahaw?Anong meron dun na dapat katakutan?Matatakot naman yata ang aswang na tumira sa Banahaw dahil maraming rosaries at crucifixes dun.” tanong ni Kristine.
“Bakit matatakot ang isang aswang sa isang rosaryo o imahe ni Kristo kung hindi naman niya ito alam o kilala?Sino ba sa atin ang nakakita na sa mukha ni Kristo?” tanong ni Prof. Antonio sa tatlo.
Nanahimik si Monroy, Williard at Kristine. Hindi alam kung ano ang isasagot. Ayon kay Prof. Antonio, ang imahe ni Kristo na sinasamba ng maraming tao sa kasalukuyang panahon ay kathang-isip lang ng mga alagad ng sining.Itinuro ni Prof. Antonio ang isang larawan ni Hesus na nakasabit sa dingding.
“Binalangkas ng mga pintor at ng lumaon ay ang imahe na iyan ang ginagamit at tinatanggap ng nakararami sa atin.Tandaan niyo, maaari tayong maging ispirituwal ng hindi nagiging relihiyoso.”
“Tama kayo,Sir. Iyan din ang pinaniniwalaan ng Mom ko.” sabi ni Monroy.
"Naalala niyo ba yung karanasan ko sa buso?Sa bundok Cristobal yun.Alalahanin niyo na malapit ang Banahaw sa Cristobal."
“May aswang ba sa Luzon,Sir? Sa pagkakaalam ko, parteng Visayas na lang sila.” tanong ni Williard.
“Hindi ko naman sinabing mag-ingat kayo sa aswang.Ang bundok ay makapangyarihan.Hindi lang pisikal na paghahanda ang kailangan kundi maging pangkaisipan. Tuklasin niyo ang mga elemento ng kalikasan. Hindi lang kayo aakyat ng bundok. Masusumpungan niyo ang mga kalubusan ng kalikasan na hindi niyo nakikita sa lungsod.Magugulat kayo sa handog ng Banahaw para sa inyo. Sana ay maibigan niyo ang mga makikita niyo.”
6 comments:
ganda! I can't stop reading your piece! Add kita sa blog roll ko! Galeng!
ui...ang ganda naman ng story... kelan po ba mapopost yung MGA NEXT EPISODE?? dapat po kasi kmpleto na po...ang ganda talaga...I like this story.,I read it from first up to this last kabanata....
Paulo,salamat sa pagbabasa.Balik ka, huh?Anong kabanata ba ang paborito mo?Manigong bagong taon!
nagbabalik, chippy and globe! hmmm, tinatangkilik ko ang mga toh.
hindi naman purong kathang isip lang ang mga imaheng nakikita natin. uyyy, affected ako.hehehe,ibig lang sabihin nun, nagbasa ako.
sa susunod.
Iyong partikular na imahe lang naman ang tinukoy ni Propesor.
Hi all, you're running very but very nice and useful website content.
kpss de, seo uzmanı, googleuzmanı, at yarışı yorumları thank you very much.
Post a Comment