Sunday, November 15, 2009

Obituwaryo: Simeon Obeda

Pangalan: Simeon Obeda

Sanhi ng Kamatayan:

Gulang:

Gawain: Dalubguro sa Unibersidad ng Pilipinas; consultant ni DILG secretary

Lamay:

Wednesday, July 8, 2009

Obituwaryo: Susan Fernandez-Magno

Pangalan: Susan Fernandez-Magno
Sanhi: Kanser sa obaryo
Gulang: 52 anyos
Gawain: propesora, mang-aawit ng katutubong himig, at tagapagsulong ng karapatan ng mga kababihan.
Lamay: Christ the King Church, Green Meadows

Friday, February 20, 2009

Magiging matapat ako sayo, basura ang blog mo!


Anong ibig sabihin ng award na ito?

Binibining Biyoleta, nais magpasalamat ni Anino para sa iyong ipinagkaloob na ‘Honest Scrap’ award. Ito ang kaniyang kauna-unahang award na katulad lang ng isang spam. Hangga’t maari ay iniiwasan ni Anino ang ganitong klaseng post dahil hindi tugma sa tema ng kaniyang blog ngunit nakita niyang mainam itong panapal-butas. Abala si Anino sa pagsusulat ng nobela kaya humihingi siya ng paumanhin sa pagiging atrasado. Nasasabik din siya sa maaari pang sumunod na mga award.

Isa lang ang dahilan kung bakit niya tinaggap ang award. Ito ay sa kadahilanang HINDI NIYA KILALA SI VIOLET, ang nag-gawad.Klik niyo ito para makilala niyo siya.

Ang award na ito ay mahalaga kay Anino dahil ito ay itinuturing niyang CPR na nagpanumbalik sa kaniyang buhay.

Ang mga sumusunod ay tipikal na katangian ni Anino.


1. Maawain siya sa mga hayop partikular sa pusa. Kung mariwasa ang kaniyang pamumuhay, nais niyang magtayo ng silungan upang dito kupkupin ang mga ulilang aso at pusa.

2. Mahilig siya sa mga libro. Pangarap niyang magpatayo ng enggrandeng pampublikong aklatan

3. Kahit kailan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan ang magtungo sa ibang bansa.

4. Itinuturing niyang bangungot ang eleksyon sa taong 2010 sa kadahilanang wala sa mga nagbabalak tumakbong pulitiko ang karapat-dapat maging pangulo ng Pilipinas. HIling niya na sana ay huwag na siyang magising.

5. Naniniwala siya na kung may Diyos man, isa itong babae.

6. Isa sa kaniyang abnormal na ugali ay ang maghugas ng kamay. Mababa na ang labinlimang beses sa isang araw.

7. Muntik na siyang makapatay ng tao. Sobra ang naramdaman niyang panghihinayang ng hindi ito natuluyan. May plano siya.

8. Bata pa lang ay ambisyon na niya ang maging isang guro. Napatibay pa ito ng kaniyang karanasan sa kolehiyo. Naisip niyang hindi siya bagay na magsisigaw sa kalye habang may hawak na bandila. Napagwari niyang kakaiba ang kaniyang misyon sa buhay.

9. Pinaniniwalaan niya na ang isang taong namumuhay ng walang kwentang buhay ay dapat alisan ng buhay.

10. Magandang lalaki si Anino. Instrumento niya ang kaniyang itsura sa pagsulong na pansariling interes.

Sampu pa lang iyan ng katangian ni Anino. Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa dahil ang tema ng award ay ‘honesty’.

Ano kaya ang kila:

The Meliorist ni Ginabeloved (napakalungkot ng iyong pinakabagong post)

Poisoning the Well ni Dyilyan (ang blog mo na may natatanging lay-out)

Pen Palaboy (balik na)

Kai Reyes ni Kai (balik na)

Proudly Philippine Made ni Pinoysrock! (mabuhay ka)

Ah...Basta ni Abou (tingnan niyo ang utong niya)

From my Inbox ni Roland Marcial (isang pagbati para sa bago mong blogs)

Bluedreamer ni Blue (ang pinakamasipag na blagero)

Kwento ni Enday ni Enday (ang pinakamasipag dumalaw)


Para sa mga hindi nakakaunawa ng Tagalog:


When accepting this auspicious award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to the said person so everyone knows s/he is real.


Choose a minimun of seven (7) blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don't have seven friends.


Show the seven random victims' names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with Honest Weblog. Well, there's no prize, but they can keep the nifty icon.


List at least ten (10) honest things about yourself. Then, pass it on!

Saturday, January 24, 2009

Ang katapusan





Una sa lahat, nais kong humingi ng tawad sa mga mambabasa at kapwa bloggers sa kadahilanang hindi ko na maitutuloy pa ang nobelang Madilim na Kasaysayan. Mali, patuloy ko pa rin itong isinusulat. Ang aking ipinagpaliban ay ang paglalathala ng mga kabanata. Sana naman ay mapatawad niyo ako.

Ang ikalawa ay ang aking absensya sa mundo ng blogging. Matagal din akong nawala sa sirkulasyon dahil muntik na akong mamatay sa trabaho. Hindi naman konstruksyon ng gusali o dam o iba pang delikadong okuspasyon ang aking trabaho. Ako ay isang guro na inaalila at minamaltrato sa aking eskwelahan. Daig ko pa ang makina ng ATM. Mabuti pa ang mga ito, maaring mag-offline samantalang ako ay 24 oras na abala. Kapag nakakasalubong ko nga ang prinsipal namin ay si Kamatayan ang nakikita ko. Yung dala niyang bolpen ay mistulang karit na kayang putulin ang aking paghinga anumang oras.

Bigyan niyo naman ako ng payo kung paano ko magagantihan ang bruhang punong-guro dito. Ang isa kong naisip ay butasin ang mga gulong ng kaniyang kotse. Mayroon na ba sa inyong nagawa ito? Anong instrumento ang pinaka-epektibo? Kailan ang pinaka-huwarang oras?

Iyan po ang unang sulyap niyo sa aking personal na buhay.
Na-miss ko talaga ang blogging. Na-miss ko ang pagbabasa ng mga entrada niyo. Sa ngayon, ang pinakamahalaga ay nakabalik na ako. Mali, ang pinakamahalaga pala ay ang plano kong paghigantihan ang halimaw na edukador dito sa eskuwela. Ikalawang mahalaga ay nakabalik na ako sa daloy.

Ito na ang katapusan ng aking katahimikan.
Magandang tanghali.