13
Mabilis na lumipas ang buwan ng Hunyo. Kinabukasan ang kaarawan ni Kristine kaya’t inimbita niya si Monroy at Richard na manuod ng pelikula. Liban si Williard ngayong araw kaya’t hindi pa nila alam kung sasama ito bukas sa panonood. Hindi naman ito nag-text o tumawag man lang para ipaalam ang kalagayan nito. Sa klase ng Biology, kasalukuyang tinatalakay ang predation.
“Ito ang hierarchy ng mga predators sa African savanna: Lion, wild dog, brown hyena, at spotted hyena. At the lowest level are small predators like cheetah at fox. To put it simply, these predators kill and eat other animals.
“Mam, bakit hindi kasama ang tiger? Lions ba ang greatest predator” tanong ni Nelson.
“Tigers live in forests, Mr. Merienda.Kung sa African savanna, lion ang greatest predator. Depende kasi sa lugar. Ang lion ay hindi pwede sa dagat. Iba din ang predator sa himpapawid.” sagot ni Miss Nerissa.
“Oo nga pala, Mam, sa gubat nga pala nakatira ang mga tigre.” sabi ni Nelson.
“Considered ba ang mga lions na predator ng elephants?” tanong ni Tina.
“Only lions are the known natural predators of elephants.But lions preying on elephants are very rare. Ang isang nagwawalang elepante ang isa sa pinakadelikadong hayop sa mundo. They can kill humans and lions.To be a predator, you have to kill and eat another animal.” sabi ni Miss Nerissa.
“Nabasa ko din na kahit mga rhinoceros ay kaya nilang patayin. Maam, are humans the greatest predators?” dagdag ni Monroy.
“Animals at top of any food chain are called apex predators. Examples of apex predators are lions,tigers, crocodile, phytons, komodo dragons, great white sharks and humans. Kapag titingnan natin ang food chain, nasa itaas ang tao.Tao lang ang kayang humuli ng isang hayop sa himpapawid, sa lupa at sa dagat. At dahil matalino ang tao, natutunan niyang gumawa ng mga kasangkapan tulad ng kutsilyo a baril na makatutulong sa paghahanap ng pagkain. We also learned animal domestication.” sagot ni Miss Nerissa.
“Ang mga hunters ba ay maituturing na predators?I mean, people who hunt for pleasure.” tanong ni Kristine.
“Sa mundo naman natin,survival of the fittest.Kung mahina ka,hindi ka tatagal.Personally, ang tingin ko diyan ay isang hobby. Some people collect coins, stamps and rocks. Promiscuous men collect women.” sabi ni Miss Nerisa.
“But, those selfish people don’t need to kill animals for pleasure in order to survive.Basic needs lang ng isang tao para mabuhay ay pagkain, damit at bahay. Dahil sa kasakiman sa pera, natuto na tayong kumuha ng labis. And one more thing, there are promiscuous women as well.” sabi ni Monroy.
“Tama talaga ang kasabihan sa bible na “Money is the root of all evil.” sabi ni Jade.
“Excuse me,Jade, it is not the money per se which is evil, but the love of money.” sabi ni Kristine.
“Noong pre-colonial Philippines, meron tayong barter system kung saan ay nakikipagpalitan tayo ng produkto sa China, Arabia, India at iba pang bansa sa South East Asia. At dahil sa sobrang katapatan ng mga sina-unang Filipino, iniiiwan lang ng mga Chinese ang kanilang ang mga produkto sa pampang. Babalikan nila after some days para kunin ang mga kapalit.” paliwanag ni Monroy.
“Pero sa ngayon, hindi ka naman mabubuhay kapag wala kang pera.” sabi ni Nelson. “Mas masipag ang mga Intsik kaya sila ang yumayaman.Wala namang tamad na yumayaman. Dati, ang mga Intsik ang mga magbobote at nagtitinda ng siopao sa kalye. Ngayon, mga Pinoy na ang magbobote.”
“Nelson, kung nakatira ka sa isang isla, bibigyan kita ng isang milyon, makakapagtayo ka ba ng business?Yayaman ka ba?” tanong ni Monroy.
Tumahimik ang lahat at iniisip ang sagot sa tanong ni Monroy. Si Miss Nerissa ay nakangiti habang tahimik na nagmamasid.
“Kahit mayaman ang isang Chinese, kailangan pa rin niya ang labour.Ang mga manggagawa ang lakas ng isang negosyo. It only proves na money isn’t everything.. Sang-ayon naman ako sa sinabi mo na masisipag ang mga Intsik. Pagkumaparahin mo ang Intsik at Pinoy na nagtitinda ng candy. Ang sa Pinoy, 75 cents and isa while sa Chinese, 50 cents ang isa. At the end of the day, ubos ang paninda ng Chinese dahil mas mura ang paninda niya.” sabi ni Monroy.
“Wait, pwedeng sa klase ni Antonio niyo na pag-usapan iyan dahil nauubos ang oras natin.Bumalik tayo sa predation. Anong characteristics ng isang predator?” sabi ni Miss Nerissa.
“Usually ay malalaking bibig, matutulis na kuko, malalakas na kamay at paa.” sabi ni Jade.
“Mabilis tumakbo, may canines, strong sense of smell.” dagdag ni Kristine.
Tahimik na pumasok si Williard sa classroom habang abala ang lahat sa balitaktakan. Hindi namalayan ng mga kaklase niya ang kanyang pagdating.Umupo siya sa tabi ni Monroy.
“Ginulat mo naman ako,Lard.” sabi ni Monroy. “Para ka talagang pusa kapag maglakad.”
“Good news, pasok na si Richard sa org natin! Napapayag ko si Jay!” masiglang sabi ni Williard.
“Wow,paano mo napapayag?” tanong ni Monroy.
“Kinausap ko lang”
“Baka naman may kapalit yan,ha.” sabi ni Kristine.
“Mamaya punta tayo sa tambayan.Anong topic?” tanong ni Willard.
“Predation”. sagot ni Kristine
“Maam, most carnivorous animals have sharp canines.They use these canines to tear meat. How come we don’t have those razor sharp canines?” tanong ni Kristine?
“Ibinigay iyan sa kanila dahil hilaw na karne ang kinakain nila.Ang mga sina-unang tao ay malalaki ang panga at malalakas ang ngipin. Mas marami din silang ngipin. Marahil ay upang madaling manguya ang karne na kanilang kinakain. And remember, they don’t have stove or oven to cook their food kaya matigas ang mga kinakain nila. Sa pagtagal ng panahon ay nagbago ang diet ng mga tao, naimbento ang apoy at ang mga kagamitan tulad ng kutsilyo, kalan, blender, at iba pa na makakatutulong sa madaling digestion ng pagkain. Dahil dito, nabawasan ang ating ngipin at lumiit ang ating panga. Ayon sa evolution, hindi natin kailangan ang maraming ngipin. Kaya kapag tinubuan kayo ng wisdom teeth, masakit dahil masikip ang panga niyo.Maaari niyo itong ipabunot dahil hindi niyo naman kailangan.Mangunguya niyo pa din ang karne kahit 32 lang ang ngipin niyo.”
“Maam, kumpleto na wisdom teeth ko.Hindi naman masakit nung tumubo.” sabi ni Williard.
“Masuwerte ka dahil maluwag ang panga mo.Ang akin kasi ay sumakit habang tumutubo.Nilagnat pa ako kaya ipinabunot ko na agad.Ilan ba ang tumubo sayo?” sabi ni Miss Nerissa.
“Apat po.” sagot ni Williard.
“Maam, what about those criminals and murderers who kill other people.Can we call them predators?” tanong ni Kristine.
“Basically, an animal must kill and eat another animal to be called a predator. Since those criminals don’t eat the flesh of their victims, they are not predators. Ibang kaso na nga lang kung mga cannibals na ang pinag-uusapan.” paliwanag ni Miss Nerissa.
“Maam, tell us more about cannibalism, please.” sabi ni Krisitine.
“Throughout the course of history, may cannibalism na. Ang Aztec Empire ng Mexico, warriors try to catch their enemies alive to offer as human sacrifices. Once the captured enemy is beheaded, the head is offered to Huitzilopoctli, The God of War.The remains will be consumed by the people. May certain tribe sa Papua New Guinea at Libya na kumakain ng karne ng tao.Sa China, very rampant ang foetal cannibalism. Even some animals like cats eat their newborn kittens.” sagot ni Miss Nerissa.
“Sa China naman, lahat na yata ng hayop kinakain.Hahaha!Pati fetus pala kinakain na din nila.” sabi ni Nelson.
“Maam, yung alaga kong pusa ay nanganak ng apat na kuting.Kinain din niya lahat. Bakit kaya?” tanong ni Tina.
“It is called “filial cannibalism”. As of now, Science has no exact explaination why some animals eat their infants.”
“Ang cannibalism naman ay binanggit din sa Bible kaya naniniwala ako diyan. Maam, eh dito sa Pilipinas, may cannibals ba dito?” tanong ni Jade.
“I am afraid that I can’t answer that question. Masyado na tayong out of topic. Kay Antonio niyo itanong iyan dahil expert siya diyan! About human sacrifice, di ba may paniniwala tayo na para maging matibay ang isang building o tulay ay binubuhusan ng dugo ang foundation nito.Madalas na gumawa niyan ay mga Chinese entrepreneurs.” sabi ni Miss Nerissa.
"How come wala namang nababalitang pinatay?" tanong ni Tina.
"Sa palagay mo ba ay hindi kayang bayaran ng mga milyonaryong Intsik na yan ang ating kapulisan?Even our dearest government will do anything to protect these Chinese Dynasties para hindi nila i-pull out ang mga business nila sa ating bansa.One more thing, wala naman sigurong maghahanap sa isang nawawalang pulubi.Ano ba naman sa gobyerno ang isakripisyo ang isang pulubi?Ang mga kapwa-pulubi naman ng biktima, aakalaing aswang ang may sala.Kaya kapag may mga malls na itinatayo sa lugar niyo, mag-iingat kayo!
"Alam niyo,Maam, nung itinatayo ang SM fairview, nauso yung "Kulto ng Bungo" sa lugar namin. Ang babala ng mga matatanda, huwag pagbubuksan ang sinumang kumatok unless sigurado ka na kakilala mo ito." sabi ni Nelson
"Oo,nabalitaan ko yan!Mga bandang 12 midnight, may kakatok sa pinto, then kapag binuksan mo,bigla ka na lang sasaksakin!Matapos maitayo ang SM Fairview, namatay din ang balita.Bumalik lang nung itayo naman ang Robinson's Fairview." dagdag ni Monroy.
"Maam, naniniwala ba kayo sa aswang?” tanong ni Jade.
"Alam niyo,Maam, nung itinatayo ang SM fairview, nauso yung "Kulto ng Bungo" sa lugar namin. Ang babala ng mga matatanda, huwag pagbubuksan ang sinumang kumatok unless sigurado ka na kakilala mo ito." sabi ni Nelson
"Oo,nabalitaan ko yan!Mga bandang 12 midnight, may kakatok sa pinto, then kapag binuksan mo,bigla ka na lang sasaksakin!Matapos maitayo ang SM Fairview, namatay din ang balita.Bumalik lang nung itayo naman ang Robinson's Fairview." dagdag ni Monroy.
"Maam, naniniwala ba kayo sa aswang?” tanong ni Jade.
Sandaling huminto si Miss Nerissa. Yumuko ito at wari ay nag-isip ng malalim. Ang lahat ay tahimik na pinagmamasdan ang kanilang propesora. Hinihintay ng buong klase ang kasagutan ng kanilang propesora.
“Class,sa ngayon, hindi pa nadidiskubre ng siyensya ang lahat ng hayop at halaman sa mundo.Ang mga hayop sa pinakamalalim na parte ng karagatan ay hindi mo na maintindihan ang mga itsura.Try to search pictures of angler fish, viper fish, gulper eel, at fangtooth. Kikilabutan kayo sa itsura ng mga isdang yan. Mas mukha pa silang halimaw kaysa isda. Some giant squids found measured 25 feet long. Huwag na tayong lumayo. We have more than 7,000 islands. Wala pang 1,000 sa mga island na ito ang may nakatirang mga tao. Only 400 islands have permanent residents. Imagine who or what else live in other islands. Sa Indonesia at New Guinea, every week yata ay may nakikitang bagong species ng hayop at halaman. Hindi ko sigurado kung anong klaseng halaman, hayop, sakit o aswang ang nasa mga isla natin. Hindi ko sinasabing may aswang. There is one thing that I am sure of, I will never go to one of those Philippine islands and islets uninhabitable to human.Lalo na sa mga kweba!” sabi ni Miss Nerisssa.
11 comments:
wow na excite namn ako :-)
sana may kasunod nang kabanata :-)
kaw ba talga nagsulat nito? curious ako... hehehhe nakibasa na rin mga kaibigan ko dito hehe :)
Salamat,eye4films.
kelan ang susunod na kabanata???
http://pinoybigblog.blogspot.com/
Remon, mamaya may Chapter 14 na.Balik ka na lang
Ganda ng chapter na ito dami ko natutunan. Isang kabanata pa at basa naman ako sa ibang blog friends natin... Godbless pare!!!
KaUste,salamat at may natutunan ka.Basa ka ulit!
hmmm, nakawitness na ko ng mga new born kittens na kinain ng mom, baka parang postpartum depression gya ng sa tao na iniiwan or pinapatay yung new born nila.
another great read. teacher ka noh? hmmm, anong subjects tinuturo mo? history or science probably? :)
Caca, sa ngayon,walang eksaktong paliwanag kung bakit nagkakaroon ng filial cannibals
Nangyari din yan sa pusa namin.
very, very nice...google uzmanı, kpss uzmanı,sem uzmanı, at yarışı tahminleri
Thanks...
Post a Comment