Saturday, January 24, 2009

Ang katapusan





Una sa lahat, nais kong humingi ng tawad sa mga mambabasa at kapwa bloggers sa kadahilanang hindi ko na maitutuloy pa ang nobelang Madilim na Kasaysayan. Mali, patuloy ko pa rin itong isinusulat. Ang aking ipinagpaliban ay ang paglalathala ng mga kabanata. Sana naman ay mapatawad niyo ako.

Ang ikalawa ay ang aking absensya sa mundo ng blogging. Matagal din akong nawala sa sirkulasyon dahil muntik na akong mamatay sa trabaho. Hindi naman konstruksyon ng gusali o dam o iba pang delikadong okuspasyon ang aking trabaho. Ako ay isang guro na inaalila at minamaltrato sa aking eskwelahan. Daig ko pa ang makina ng ATM. Mabuti pa ang mga ito, maaring mag-offline samantalang ako ay 24 oras na abala. Kapag nakakasalubong ko nga ang prinsipal namin ay si Kamatayan ang nakikita ko. Yung dala niyang bolpen ay mistulang karit na kayang putulin ang aking paghinga anumang oras.

Bigyan niyo naman ako ng payo kung paano ko magagantihan ang bruhang punong-guro dito. Ang isa kong naisip ay butasin ang mga gulong ng kaniyang kotse. Mayroon na ba sa inyong nagawa ito? Anong instrumento ang pinaka-epektibo? Kailan ang pinaka-huwarang oras?

Iyan po ang unang sulyap niyo sa aking personal na buhay.
Na-miss ko talaga ang blogging. Na-miss ko ang pagbabasa ng mga entrada niyo. Sa ngayon, ang pinakamahalaga ay nakabalik na ako. Mali, ang pinakamahalaga pala ay ang plano kong paghigantihan ang halimaw na edukador dito sa eskuwela. Ikalawang mahalaga ay nakabalik na ako sa daloy.

Ito na ang katapusan ng aking katahimikan.
Magandang tanghali.

11 comments:

NOMS said...

wicked!

Anino said...

NOMS, may post na ulit ako. Sana ay mapatawad mo ako.
Maraming salamat sa panahong iniukol mo sa aking istroya.

Magandang tanghali.

Dyilyan Oh said...

Ohmygod. Is that really you anino, talking?? Namiss ko mga stories mo, sulat na ulit, go go go! Kaya mo yan. Regarding sa principal ng school nyo eh mas maganda sigurong yung plate number na lang ang kunin mo, kasi mahal benta nyan at mahirap magpalit ulit. Hahaha :p


And give yourself a break, relaaaaax, you deserved it.

Anonymous said...

Dyilyan, si Anino ang nagsalita.

Mukhang matatagalan kung iisa-isahin ko pang tanggalin ang bawat turnilyo. Salamat sa suhestyon.

Violet Manila said...

hi! may award ka. Click mo dito para sa detalye... good day!

ginabeloved said...

Welcome back Anino ^-^

ah haha mukhang ang laki ng problema mo ah...uhm, wala akong maisip na ipapayo kundi... ibigay mo nalang ang plate number ng sasakyan niya at ibibigya ko sa mga Abu Sayaff haha...

well, good luck nalang... ipagdasal mo na lang na sana bumait siya sa yo... i think mas effective yun ^-^

Roland said...

glad ur back! gaya... gantihan mo na lang ng kabutihan ang pagmamaltrato sau ng principal nyo... sooner not later, mare-realized nya rin pagkakamali nya sau.

again, wb!!! bisita ka nmn sa blog ko... na mi miss ko na mga maanghang mong komento. :P

Anonymous said...

huli man daw ay huli pa rin hehehhe!

kaya pa anino???

kayanin mo.
gusto ko magkomento dun sa pagbubutas mo ng gulong hehehe... dko p nggwa un. pero may gumawa sa K*pal na propesor nmen..

hindi nya binutas ang gulong...mura lng magpalit nunu e... ginawa nya ay nilinyahan nya ang auto ni prof gamit ang isang matulis na scrap ng rebar. :D

im back.. i guess hehehehe!

Anonymous said...

Violet, ilalagay ko na yung bagong post tungkol sa award.Salamat!

Gina, katulad ni Pen, nawala din tayo. Hindi marunong magdasal si Anino.

Roland, sa ibang tao na lang ibibigay ni Anino ag kaniyang kabutihan.

Pen, mabuhay ka at si Gina!

Anonymous said...

… Unbelievable , but I just found software which can do all hard work promoting your madilimnakasaysayan.blogspot.com website on complete autopilot - building backlinks and getting your website on top of Google and other search engines 1st pages, so your site finally can get laser targeted qualified traffic, and so you can get lot more visitors for your website.

YEP, that’s right, there’s this little known website which shows you how to get to the top 10 of Google and other search engines guaranteed.

I used it and in just 7 days… got floods of traffic to my site...

…Well check out the incredible results for yourself -
http://autopilot-traffic-software.com

I’m not trying to be rude here, but I believe when you find something that finally works you should share it…

…so that’s what I’m doing today, sharing it with you:

http://autopilot-traffic-software.com

Take care - your friend George

Anonymous said...

very very thank you!
kpss uzmanı, altılı ganyan, sem uzmanı, ilyas.