Tuesday, May 27, 2008

Ika-dalawampu't apat na Kabanata


24

Ipinaliwanag ni Propesor Antonio ang proseso ng pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng isipan. Ayon sa kanya, ang mundo ay puno ng enerhiyang walang tigil na umiinog sa sanlibutan. Ito ay nagmumula sa bawat nilalang sa karagatan, lupa at himpapawid. Ang mga enerhiya ay mistulang kumpol ng sinulid na lumilikha ng sala-salabat na trapiko na siyang konektado sa bawat nilalang na nabubuhay sa mundo. Ang ilang taong katulad ni Kristine ay mulat sa mga enerhiyang hindi nakikita ng iba kaya’t nagagawa nilang makipag-usap gamit ang utak. Kapag namatay ang isang tao, napuputol ang kaniyang sinulid at nawawala ang kaniyang koneksyon sa mga nabubuhay.

“Maaring patid na ang sinulid ni Lily kaya’t…” naputol ang pagsasalita ni Propesor Antonio.

“Sir, kailangan nating magreport sa pulis. Pinatay si Lily.” mariing pahayag ni Wiliard.

“Guys, we don’t know who or what caused Lily’s death. Pinatay ba siya o naaksidente? Sir, are you sure na patay na si Lily?” paninigurado ni Kristine.

“Wala akong sinabing pinatay si Lily. Masyadong malawak ang imahinasyon mo Williard.” sabi ni Propesor Antonio. “Kristine, bakit hindi mo subukang muling padalhan si Lily ng mensahe?”

Tumalima si Kristine sa nais ni Propesor Antonio. Ipinikit niya nag kaniyang mga mata. Ibinuhos ang kaniyang atensyon upang likhain ang imahe ni Lily sa kaniyang utak. Hindi rumehistro ang mukha ni Lily. Muli siyang nabigo sa ikatlong pagkakataon. Lingid sa kaniyang kaalaman, nagsimulang umagos ang mapupulang dugo mula sa kaniyang ilong.

“Tin, tama na yan.” wika ni Monroy.

“Susubukan ko ulit.” sagot ni Kristine habang nakapikit pa rin ang mga mata.

“Dumudugo na ang ilong mo” sabi ni Richard. “Tama na yan.”

Idinilat ni Kristine ang kaniyang mga mata at hinipo ang kaniyang ilong. Namantsahan ng sariling dugo ang kaniyang mga kamay. Kumuha siya ng tissue sa kaniyang bag at pinunasan ang dugo.

“Gusto mo ba ng tubig?” tanong ni Williard.

“I’m fine. I guess that does it. Wala na nga si Lily. What’s next?” wika ni Kristine.

“Kakausapin ko si Jay upang magsagawa ng paghahanap sa labi ni Lily sa lalong madaling panahon. Nang sa gayon ay malaman natin kung anong aksidente ang nangyari sa kasamahan niyo.” pahayag ni Propesor Antonio.

“Aksidente?” bulalas ni Williard.

Mula sa kanilang lamesa ay natanaw ni Monroy ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Nakatalikod ito sa kanya ngunit nakilala naman niya na si Jeff ito. Nilapitan niya ang kasamahan sa Akyat Kalikasan upang kamustahin.

“Hey,Jeff, nandito ka pala. Kamusta?” bati ni Monroy.

“Ayos lang ako. Ikaw?”

“Okay lang din. Siyanga pala, nakausap mo na ba si Lily?”

“Hindi naman siya nagre-reply sa mga text ko. Maging ang mga tawag ko ay hindi din niya sinasagot ang mga tawag ko.” mahinahon na paliwanag ni Jeff. “Hindi ko tuloy madala mga gamit niya sa kanilang bahay.”

“Hindi mo ba alam ang address nila?”

“Alam ko kaya lang …kaya lang ay may problema kami ng nanay niya.” wika ni Jeff. Sandali itong nanahimik at saka ngumiti ng tipid. “Magre-research muna ako para sa report sa Biology.”

Bagama’t nais pang tanungin ni Monroy ang kasamahan, naramdaman niya ang kalungkutan nito kaya’t nagpaalam na lang muna siya dito at saka nagbalik sa kanilang lamesa.

“Sino iyon? Miyembro din iyon ng Akyat Kalikasan,hindi ba?” tanong ni Prof. Antonio.

“Si Jeff po, Sir. Kasama din namin siya sa pag-akyat.” sagot ni Monroy.

“Inuulit ko, ako na nag bahalang makipag-usap kay Jay. Huwag ng makalalabas pa ang pinag-usapan natin. Maliwanag ba?” pahayag ni Propesor Antonio.

“Yes, Sir!” sang-ayon ni Monroy at Richard.

“Yup! Mahirap ding magpaliwanag kung paano ko nalamang wala na si Lily.” sabi ni Kristine.

“Malinaw ba sa iyo ang pinag-usapan natin, Williard?” tanong ni Propesor Antonio.

Isang pagtango ang itinugon ni Williard sa kaniyang propesor.

“Kung gayon ay umuwi na kayo at marami pa akong gagawin.” paalam ni Propesor Antonio.

Marami pang tanong ang nabuo sa kanilang isipan ngunit tinalikuran na sila ng kanilang propesor. Hudyat na wala itong balak na sagutin pa sila. Walang umiimik na iniwan ng apat ang aklatan. Nagpasiya silang magtungo na lamang sa Student Veranda. Pinuntahan ni Kristine ang mga kasamahang cheerleaders sa opisina ng Cheers!. Si Monroy, Williard at Richard ay dumiretso sa tambayan ng Akyat Kalikasan. Naabutan nilang nag-uusap si Tomy at Kim. Natutulog naman si Lanie.

“May balita na ba kayo kay Lily?” tanong ni Kim.

Inunahan ni Monroy si Williard na magsalita. Sinabi niyang wala pa siyang natatanggap na text o tawag mula sa kasamahan.

“Ewan ko ba.” kibit-balikat ni Monroy. “Chad, nag-text na ba sayo si Lily?”

“Hindi din.” sagot ni Richard.

“Ewan ko ba dun kay best friend. Pati ako ay hindi man lang tini-text!” wika ni Lanie. Nagising ito at kumuha ng isang malaking pakete ng Nips sa fridge. Binuksan niya ito at nagsimulang kumain ang grupo. Napansin ni Lanie na walang imik si Williard. Hindi din ito tumitikim ng Nips.

“Williard, ayaw mong Nips?” alok ni Lanie.

“Thanks.” tanggi ni Williard. “Nasaan si Jay?”

“Kaaalis lang niya. Pupunta siya sa library para kausapin yata si Sir Antonio.”

Mabilis na naubos ang tsokolate. Muling nagbukas ng pakete si Lanie at ipinagpatuloy ang pagkain at paku-kwentuhan.

“May naaksidente na ba sa inyo sa pag-akyat ng bundok?” tanong ni Williard.
“Teka…si Anna. Ahead siya sa atin ng 2 years. Nag-swimming kami sa Biak-na-bato. Muntik ng malunod si Anna.” kwento ni Lanie.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Jeff. Umupo ito sa tabi ni Williard.

“Nasaan si Jay?” bungad ni Jeff.

“Kausap si Sir Antonio.” sagot ni Tomy.

“May report ako sa Bio. bukas!” bulalas ni Jeff. “ Magpapatulong sana ako. Okay ka lang, Williard?”

Kumuha si Jeff ng ilang piraso ng tsokolate mula sa supot na hawak ni Monroy. Inilahad niya ang kaniyang kamay kay Williard. Muling tumanggi si Williard.

“Sige, C.R. lang muna ako.” paalam ni Jeff sa grupo. Isinubo nito ang Nips at saka lumabas ng opisina.

Ipinagpatuloy nila ang kwentuhan. Ilang sandali pa ay dumating si Kristine. Nagpaalam si Monroy, Williard at Richard sa kanilang mga kasamahan at saka lumabas ng opisina. Naglakad ang apat patungo sa parking lot ng unibersidad upang ihatid si Kristine sa kotse nito.

“Kailan ang competition?” tanong ni Monroy.

“Next week na! Excited na nga ako!” sagot ni Kristine. Kahit sabik ay nababagabag siya sa natuklasan tungkol kay Lily.

“Don’t worry,Tin. We will be there!” sabi ni Monroy.

“Oo naman! Hindi kami mawawala sa first competition mo.” dugtong ni Richard.

“You better be there. Hahaha!” sabi ni Kristine.

Narating ng apat ang parking lot. Bago sumakay ng kotse ay nagpaalam si Kristine sa mga kaibigan.

“Kaya mo bang mag-drive,Tin?” tanong ni Williard.

“Williard, ayos lang ako. I can take care of myself. Thanks.”

“Ingat sa byahe.” sabi ni Richard.

“Text me kapag nakarating ka na sa bahay.” sabi ni Monroy.

“Aksaya pa yan sa load. Pwede ko namang ipaalam na nakauwi na ako sa isip lang.” pabiro ni Kristine. “Joke lang. Sige uwi na ako.”

Lumabas ng paaralan ang tatlo ng makaalis si Kristine. Bago pumara si Monroy at Richard ay pinasakay muna nila si Williard ng bus patungong Buendia. Sumakay ang dalawa ng isang FX biyaheng Fairview. Katahimikan ang namayani sa pagitan ng magkaibigan. Makalipas ang sampung minuto ay binasag ito ni Richard.

“Punta ko sa inyo para matingnan natin yung mga pics.” bulalas ni Richard.

“Next time na lang dahil masyado ng late.” sabi ni Monroy. Nagtatampo siya sa kaibigan. Inilihim ni Richard sa kanya ang tungkol sa signos na nakita nito kay Lily.

“10 p.m. pa lang naman. Baka nandoon na tayo sa inyo before 11.”

“Not now, Ricardo, pagod ako!”

Hindi na nagpumilit si Richard. Tinawag siyang “Ricardo” ng kaniyang kaibigan. Isang senyales na galit si Monroy. Naidlip na lang siya upang maiwasan na salubungin ang hindi magandang nararamdaman ni Monroy. Mahigit kalahating oras ng biyahe pa ang lumipas at nakauwi ang magkaibigan.

32 comments:

Anonymous said...

haaaaayyyyyyzzzzz.....napasigaw pa naman ako nung nakita kong may may 27 post na.......tapos picture lang????? kainis!!!!! super bitin!!!!!! post mo na anino pleeeease........ =)

- anne

ginabeloved said...

hi! im so far behind na... sorry was really sooo busy.
query lang, san mo kinukuha yung mga images you're posting?
tanong lang :)

Anonymous said...

Anne, mas malakas ba yung sigaw mo sa sigaw ng aking sound effects?
Kaunting panahon na lang.

Gie, ako din abala sa trabaho.
Ang mga larawan sa aking post ay kuha gamit ang sarili ko ding kamera.

Anonymous said...

ay oo....mas malakas pa....hehehe....tapos na ang Mayo....sana sa June meron na =)....


- anne

Anino said...

Anne, ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na nawala ang Kabanata 24! Oo,nawalang parang bula sa aking USB memory stick.

Anonymous said...

huwaaaattt??? huhuhu.......matagal-tagal na namang paghihintay ito..... =(

- anne

Anonymous said...

Anne, hindi naman matagal.Magugulat ka na lang at nandyan na pala.

Abou said...

ang haba naman ng kabanatang ito



he he.

bluedreamer27 said...

whew akala ko na kalampas ako ng ilang kabanata sa mahaba kong pamamahinga sa blog hehe
nagbabalik akong muli
gonna watch out f or this chapter anino
have a great day
see yah in my bl0g

Anonymous said...

Naiiyak ako at kailangan kong gumawa ng back up! Nagloloko na nag aking kompyuter.

Abou,napagod ka ba sa pagbabasa?

Bluedreamer,ako din nawala at pati ang Kabanata 24 ay nawalang parang bula.

Anonymous said...

woohoo!!!! sa wakas naipost mo na anino!!!! this definitely made my day!!!! =)

- anne

Anonymous said...

Anne, salamat sa pagtangkilik.

Anonymous said...

aaahay.. bitin as usual. dali!! hinihintay ko ulit yung nakakatakot na pakiramdam sa likod ng utak ko. hahahaha.

Bluedreamer said...

wow pasabik ng pasabik ang mga kaganapan ha

Anino said...

V (not for Vendetta), kamusta ka na? May entry ka ba sa TBAC?

Bluedreamer, mukhang abala ka ha.

Anonymous said...

V (not for Vendetta), kamusta ka na? May entry ka ba sa TBAC?

--ayos lang naman parekoy, (lalake ka ba anino? hihi) hindi ako sasali. i cant handle it. mahirap pag alayan na ng post. maramdamin pa naman ako. ikaw ba?

Anino said...

V,nalilito ako sa inyo ni Ver.

Nalalaman mo ba ang kasarian ng isang Anino sa isang tingin lang?

Nais ko ngang sumali kaya lang ay masyado ng hindi tugma sa tema ng aking blog.Hahaha.

Oman said...

wow may post na, tagal ko hinintay ang susunod na kabanata.

Anonymous said...

V,nalilito ako sa inyo ni Ver.

Nalalaman mo ba ang kasarian ng isang Anino sa isang tingin lang?

--> si vera parin ito. nageevolve na ang pagkatao ko dito sa blogosperyo. andaming nangyari eh. hehe.

nagpalit na din ako ng pechur. nasasawa ako sa pink na babae.

lalake ka diba? hihi

Anonymous said...

V, bale ikaw si Vera na nasa tuktok ni Meding?

ANong dahilan ng iyong pagpapalit?

Anonymous said...

V, bale ikaw si Vera na nasa tuktok ni Meding?

ANong dahilan ng iyong pagpapalit?

>>>somebody h-acked my account for blogger, multiply, basically anything connected with my gmail. it's gone. some fucktard bitter ex doesn't know when enough is enough e.

Anonymous said...

V, ex?

Naku, kailangan mong bumangon at gumanti.

Dapat ay siya ang paksa ng iyong unang paksa sa bagong blog.

Kasama ang mga litrato at iba pa.

Dyilyan Oh said...

anino! i understand :) sayang number one ka pa nmn dun! haha ingatz palagi! dakilang tambay prn aq ng blog mo:) mwh!


keep it up!

*ganda ng mga images, wla akong masabi!

Anonymous said...

Dyosa, gawa ka ng tag tungkol sa kababalaghan. Halimbawa, tag ng sumpa. Ang hindi maglagay ng link ay magkakaroon ng suliranin sa buhay. Pwede sa akin yan.

pen said...

"not now ,ricardo, pagod ako!"

ang taray!

ang mga kagaya ba ni kristine e walang kakayahan para magtrack back sa kaisipan ng isang namatay?

hmmm..nasabi ba yan sa lesson..absent ata ako sa klase..

Anonymous said...

Pen, baguhan pa lang si Kristine. Kasalukuyan pa niyang hinahasa ang kaniyang abilidad.

pen said...

ic ic..
pero pde un db??

kung kilala ko c kristine ssbihin ko hasain nya un ability nya para maguphrade sa ganung level :D

Anonymous said...

Pen, syempre tatas ang level ni Kristine. Sa Ikalawang AKlat pa.

Anonymous said...

Dapat ay hindi ko sinabi sayo.

Anonymous said...

oh sheesh! i am so back! hehe.

di pa din ako nag-iiba ng suspects, si jay at williard pa din :D

sobra namang taray ni monroy, if i know.. hehe baka jelly lang cya. bading ata yung monroy na yun eh :D o'sha, i'll move on with the 25th. hehe

Anonymous said...

Kemee, maganda yang mga komento mo. Lumilikha ang isyu.Hahaha.

Anonymous said...

Do you publish content on your site, but very nice.
seo uzmanı, seo danışmanı, kpss soruları, at yarışı. Thanks valuable admin!