Tuesday, March 18, 2008
Ika-dalawamput Isang Kabanata
21
Tumalikod ang dalaga at naglakad pabalik sa campsite. Iyon ang pagkakataon na hinihintay ng anino. Lumabas ito sa pinagtataguang bato at sinundan ang babae. Gamit ang isang sanga ng kahoy ay hinambalos niya ang ulo ng dalaga kaya’t nabuwal ito sa lupa. Bago pa makasigaw ang babae upang humingi ng saklolo ay tinapakan niya ang batok nito. Hindi makakilos ang kaniyang biktima. Walang laban sa malakas na pwersang nakadagan. Ipinatong ng anino ang isa pa niyang paa sa batok ng dalaga at marahas na tumalon. Lumagutok at nabali ang gulugod ng babae.
Parang baboy na binuhat ng Anino ang walang malay na biktima. Maliksi itong naglakad papasok sa gubat. Sanay ang buhong na gumalaw sa kasukalan. Tahimik, mabilis at tumpak ang bawat hakbang. Huminto ang buhong sa pagitan ng dalawang higanteng puno na napalilibutan ng mga tinik. Mistulang isang hayop na siniyasat nito ang paligid. Rumonda habang panay ang singhot sa hangin. Nang makatiyak na libre sa peligro ang lugar ay bumalik ito sa nakahandusay na biktima. Dinilaan ng buhong ang leeg ng biktima at saka sinalat ang pulso. Bumakas ang kasiyahan sa mukha nito ng maramdamang buhay pa ang babae. Sabik at naglalaway na inamoy ng buhong ang leeg ng biktima. Dinila-dilaan ang mukha. Nang magsawa sa mukha ay bumaba ito at saka hinimod ng todo ang parteng leeg. Nanginginig ang buhong sa kasabikan sa laman. Tumayo ito at saka naghubad ng baro. Pinagmasdan ng buhong ang katawan ng kawawang babae na lalong nagpaulol dito.
Inililis ng buhong ang pang-itaas na suot ng biktima. Sinalat at hinaplos ang tiyan nito. Dinama ang init ng katawan. Ang kamay na gumagalugad sa tiyan ay naging marahas. Gamit ang malalakas na daliri ay tinusok ng buhong ang sikmura ng babae. Mula sa napunit na laman ay umagos ang masaganang dugo. Winakwak ng buhong ang tiyan ng biktima. Kinalkal ang lamang-loob na waring may hinahanap.
Nagkamalay ang babae dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Nanghilakbot ito ng makitang hinahalukay ng buhong ang kaniyang tiyan.
“Ikaw?!” gimbal na wika ni Lily.
Tinangkang sumigaw ng babae ngunit nabigo ito dahil naging maagap ang anino. Tinakpan ng buhong ang bibig ng babae. Nagpambuno ang dalawa. Lumaban ang babae sa kabila ng matinding sakit at hirap na nararamdaman.Ubod lakas na tinadyakan ng babae ang buhong na naging dahilan ng pagtilapon nito. Sapo ang ilang bituka na nakalawit mula sa tiyan, tumindig ang babae upang tumakas. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa nito ay dinamba ng buhong ang babae. Nabuwal ito sa lupa. Walang inaksayang sandali ang buhong. Hinawakan nito ang bunganga ng babae. Nais itong paghiwalayain. Walang magawa ang biktima sa lakas ng buhong. Ibinaon ng babae ang kaniyang mga kuko sa kamay ng buhong upang mabitawan siya nito. Walang silbi ang paglaban ng babae. Unti-unting nagugutay ang bibig ang babae. Panay ang agos ng luha at dugo. Nagsasanib sa lupa at lumikha ng pulang lawa. Huminga ng malalim ang buhong at marahas na binaltak ang bahagi ng ulo. Napunit ang laman. Nabakli ang leeg at nabaklas ang buto. Humiwalay ang ulo sa panga.
Itinihaya ng buhong ang walang buhay na biktima. Itinuloy nito ang naudlot na paghalukay sa laman-loob. Ilang sandali pa ay kumislap ang mga mata ng buhong. Kumabig ito at may binatak sa loob ng tiyan. Nakangisi at tumutulo ang laway ng buhong sa kasabikan. Hawak nito ang atay ng biktima. Sinamyo ng buhong ang atay. Dinamdam ang init nito. Ilang sandali pa ay sinimulan nito ang paglapang sa atay. Marahan ang pag-nguya. Nilalasap ang linamnam. Ninanamnam ang sarap. Nang maubos ang atay ay hinimod ng buhong ang sariling palad upang simutin ang natirang laman. Pagkatapos ay luminga-linga ito sa paligid na waring may hinahanap. Ngumisi ito ng makita ang pakay. Tumayo ito at mabilis na dinampot ang ulo ng babae. Inamoy-amoy ng buhong ang ulo at saka dumukot ng kaunting utak mula sa nawasak na bunganga. Saka ito isinubo. Dahil hindi nagustuhan ang lasa ay agad na idinura ng buhong ang utak. Ibinato nito ang ulo na siya namang tumama sa isang malaking puno.
Dinampot ng buhong ang hinubad na baro at saka nilisan ang lugar.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
28 comments:
may title/header na yung 21st chapter pero walang story?? waaaahh!!! bitin!!!! pakipost na po yung story......pleeeeease???? tenchu!!!!
Ciao! Ayan! Excited na yung fans mo! bakit naman kasi binibitin mo yung readers moh? Hahaha! Image and title lang? Or ganyan talaga ang chapter na ito?
Anonymous, Ganyan talaga muna. Patikim kumbaga.
I love Philippines, may litrato ka na. Ilalagay ko din iyang istorya.
ahhh. ano ba yung picture? di ko maintindihan eh. hehe.
bat kaya ganyan ang representation ng 21st chapter?
pero later mo na ipost. nasa chapter 10 palang ako eh. ;P
Mapi, subukan mong palakihin iyang litrato para maaninag mo.
Caca, bilisan mo!Baka mabutan ka ni Anino.
grabe naman ang galing mu mambitin....cant wait to read the next chapter....huhuhuhuh
mmmm. anu naman yun anino??
nasan?
nasan?
aber?
hello gheeeh anu kaya mangyayari hehe
uy anino i also made a blog for my own novel at tagalog din po hehe xenxa sa pagiging copycat
pero please try to visit it i put your link there already
www.likhangkwento.blogspot.com
see you there
Paoski, balik ka na lang para sa Kabanata 21.
Superym,hindi mo talaga alam kung ano nag nasa litrato?
Bluedreamer, hayaan mo magbabasa ako ng iyong kwento.
anong petsa na......wala pa din...huhuhu.....
Anonymous, malapit na!
waaaah! super bitin.. nabasa ko lahat, within a day.. this day. hehe. wala ng tulugan eh. sana tomorrow, i mean until tonight may 21st chapter na.. i can't get enough :)) really interesting! galing ng author.
ggggrrrr....
anino...
my 21st chapter na nga mas pinabitin pahhh...
hays.....tapusin mu na nga hanhgang 30th chapter....plllleeeeaaaazzzzzeeee
Keemee, Paoskie, easy lang kayo.
hala nakakatakot huhu
akala ko nung una medjo hot tapos pagdating dun sa laman loob waaaaah
naiimagine ko pa lang natatakot na ako
sana di na lng tumakas yung babae lalo pa tuloy naging brutal angpagpatay sa kanya eeeek
btw anino
dahil ikaw ang inspirasyon ko sa paggawang kwento sa blog
nais ko sanang ikaw ang unang bumasa ng unang kabanata ko
at sana mabigyan mo ako ng advise sa epektibong pagsulat
www.likhangkwento.blogspot.com
Bluedreamer, ayos ba ang kabanata 21?
Sige pupuntahan ko ang iyong site. Kaya lang, si WANDERING COMMUTER ang magandang hingan ng payo.
Punta tayo sa kanya.
Oh MY GAD ;( bat naman ganun ;( bat naman prang prutas lang yung kinain ng monster na yun ;( prang nman too much ;( wawa :(
anino.. mamatay ako sa takot sa pgbabasa dito sa kwento moh.. hmn.. amzing din yun na anino anoh...? parang tao.. ahihihi...
Kai, natawa ako sa komento mo.Parang prutas lang ba yung ulo? Ano kaya? Buko?
April, si Anino ay isang tao.
oh my Goooooooooooooooooooooooooooood....talaga?? may puppy ka???? sobrang willing ako grabre basta lang cute yung puppy i mean hindi mukhang bulldog na nakasad face palagi..lolz....hehe but seriously im a dog lover ever since per o ala lang talagang money para to get one..alangan namang mamulot ako ng asong kalye e baka ma rabes pa ako..lolz... pero if you're willing to give your puppy to me and ofcourse lalo naman akong willing pano yan???? sa cebu ka ba??? hehe..eh i think sa luzon area ka diba at ako naman ay sa cebu..pano yan e papa-lbc mo o di kaya fedex or post office??? lolz...hehehe...ay kainis naman...pano kaya..tawagin kaya natin si superman???lolz
katakot kaya grrrr! kelangan ko pa magbukas ng dictionary para sa ibang tagalog words, super lalim hihi
Celestial Prince nasagot ko na ang iyong mga katanungan sa site mo.
So Real, maligaya ako dahil natakot ka.
i look forward to print out ur piece to read em all..and to share it to my essay loving kin..
ps: are cool pics ur your own-made ?
Josh, bahala ka kung gusto mong i-print.Iyong mga litrato,oo ako ang mga kumuha nyan ngunit sa palagay ko ay hindi sila ganun kaganda. Inilalagay ko lang ang kung anong may kinalaman sa kabanata.
seryoso nakatakip ang bibig ko dito hehhehe!
morbid! but i like it :D
Pen, sa totoo lang,maraming editing na nangyari sa isinusulat ko.
Salamat naman at medyo natakot ka kahit kaunti.
I get much pleasure from visiting this site.
seo, ilyas, kpss uzmanı, altılı ganyan tahminleri. Thank you very, very valuable admin.
Post a Comment