Tuesday, February 26, 2008

Ikalabingsiyam na Kabanata


19

Payapa ang takbo ng bus papuntang Lucena habang nahihimbing ang mga mountaineers maliban kay Monroy at Richard. Ayaw patulugin ni Monroy ang kaibigan hangga’t hindi nito isinasalaysay ang napanaginipan nitong bangungot. Ilang linggo na itong umiiwas na pag-usapan ang masamang panaginip.

“Ganito na lang, kwento ko sayo kapag tayo na lang dalawa. Maraming makakarinig dito sa bus.” sabi ni Richard.

“Ayan ka na naman.Dialogue mo na yan two weeks ago pa.Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Monroy.

“May sasabihin pa ako sayong mahalagang bagay.Sa ngayon, matulog muna tayo, tol.” sabi ni Richard.

“O sige idlip na tayo. Kwento mo mamaya sa bundok.” sabi ni Monroy.

Makalipas ang mahigit dalawang oras na paglalakbay ay nagising si Monroy sa tapik ng kunduktor ng bus.

“Boy, aakyat ba kayo ng Banahaw?” tanong nito sa binata.

“Oho.” tipid na sagot niya.Tinapik niya si Richard na agad namang nagising.

“Malapit na tayo sa San pablo. Gisingin mo na mga kasama mo.” utos ng kunduktor.

“Sige salamat.”sabi ni Monroy.

Mabilis na ginising ng magkaibigan ang mga kasama. Nagpaalala si Jay na siguraduhing walang maiiwan na gamit sa upuan at compartments. Huminto ang bus sa isang kalye sa San Pablo at nagsibaba dito ang mga mamumundok.

“Sa wakas! Nasaan ang bundok?” tanong ni Jeff.

“Sasakay pa tayo ng jeep.Atat ka naman.May naririnig na akong parating.” wika ni Lily sa binata.

“Ayan na ang jeep!” hiyaw ni Tomy. Isang bagong miyembro na tulad ni Jeff ay nasasabik makaakyat.

“Halatang ito ang unang bundok na aakyatin mo!Tingnan mo si Kim, first-timer pero ayaw pahalata.Hahaha!” saad ni Lanie kay Jeff.

Nang maiabot ang bayad sa drayber ng jeep ay nagsi-akyat ang lahat upang makaupo.Hindi sapat para sa kanilang lahat ang upuan. Anim lang ang bakanteng upuan kaya’t nagpasya si Monroy, Williard at Richard na pumuwesto sa bubong ng sasakyan.

“Monroy, ako na lang sa bubong.” sigaw ni Lanie.

“Diyan ka na,Lanie. Malaglag ka pa at mapurnada ang akyat.Hehehe.”sabi ni Monroy.

Inilagay ng tatlo ang kanilang backpacks sa loob ng dyip at saka sumampa sa bubungan.Nang makasiguro sa pagkakaupo ang magkakaibigan ay umandar na ang behikulo.
Tahimik sa loob ng dyip dahil sa ilang matatandang sakay nito.Pigil ang kasabikan ng lahat upang hindi makaistorbo sa iba pang pasahero. Binasag ni Lanie ang katahimikan.

“Mga kasama, may lamay ba dito?” biro ni Lanie.

“Hahaha!Nakakatuwa ka talaga!” sabi ni Tomy.

“Sa wakas, makikita ko ulit si Pareng Banahaw!Yahoo!” masiglang sabi ni Lanie.

“Shhhhh…” saway ni Kim, isa ding bagong miyembro.

“Uy si Kim,hindi yata excited.” sabi ni Lanie.

“Excited ako!Kaya lang nakakahiyang mag-ingay dahil hindi lang naman tayo ang nandito sa loob ng jeep.” pahayag ng dalaga.

Nayamot ang isang matandang pasahero dahil sa ingay ni Lanie.Nagsalita ang katabi nito.

“Mga iho at iha, kung ganyan kayo kaingay na aakyat sa Banahaw ay gagambalain niyo lang ang mga espiritu.Baka singilin kayo sa pagbaba niyo.Tandaan niyo na bisita lang kayo ng bundok.” sabi ng matandang babae.

Nanahimik ang mga mountaineers ng marinig ang sinabi ng matanda. Inilabas ng ilan ang kanilang cellphones at nilibang ang sarili sa paglalaro. Si Tomy ay nakinig na lang ng musika sa kaniyang MP3 player. Si Lanie ay naidlip. Sa bubungan ng dyip, masaya si Monroy , Williard at Richard. Nagagalak ang tatlong magkakaibigan sa kanilang namamasdang tanawin. Mga luntiang puno at masisiglang ibon na nakikipaglaro sa hangin. Panay ang kuha nila ng mga larawan kaya’t pansamantala nilang nakalimutan ang kasagsagan at kaguluhan ng Maynila. Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto ay natanaw nila ang baranggay ng Santa Lucia sa Dolores Quezon mula sa bubungan ng sasakyan.

“Banahaw, here we come!” sigaw ng tatlong magkakaibigan.

Matapos makababa ng sasakyan ang lahat ng mountaineers ay naglakad sila patungo sa Kinabuhayan, ang purok sa paanan ng bundok. Nagsalita si Jay, ang lider ng grupo.

“Mga kasama, may maliit na bamboo house doon sa tabi ng ilog. Pwedeng umidlip ang gustong magpahinga. May isang oras tayo para maglibot at magtingin-tingin sa paligid. Eksaktong 8:30 ang akyat natin.” pahayag ni Jay.

Nagkalat ang mga komersiyal na establisamiyento sa baranggay Kinabuhayan. Kabi-kabila ang bilihan ng mga kakanin, gulaman at halu-halo, souvenir shirts, aksesorya tulad ng kwintas, pulseras, at ang bantog na lambanog ng Quezon. Marami ding mga tindahan ng anting-anting at mga kakatwang bagay na ayon sa mga tagapagbenta ay may kinalaman sa mahika. Isang tindahan na binabantayan ng mag-asawang matanda ang nakakuha ng atensyon ni Monroy, Williard at Richard. Ang maliit na tindahan ay yari sa pawid na kinulayan ng itim na pintura. Naka-displey sa isang istante ang maliliit na botelya at garapa na may kakaibang mga laman sa loob. Mayroon ding ilang kwintas at panyo na nakasabit sa dingding ng dampa.

“Magandang umaga po sa inyo. Ano po iyon?” tanong ni Monroy habang nakaturo sa isang garapon na may lamang itim na bagay.

“Ito ay buhok ng aswang.” sagot ng matandang babae. “Kontra-aswang ito.”

“Anong uri ho ng aswang?” tanong ni Monroy.

“Buhok ito ng isang “balbal”.” sagot ng tindera.”Kontra-buso ito.”

“Edi ba ho, hindi naman pumapatay ng tao ang mga buso? Para saan pa yan?” balik-tanong ni Monroy.

“Kapag walang mahukay na patay sa sementeryo ang mga buso, peste sila sa mga manok at kalapati. Ilagay mo ito sa sa lugar na makikita ng buso. Matatakot iyon na gambalain ang iyong manukan.Pinapatay ng mga balbal ang mga buso para wala silang kumpetensya sa karne ng tao kaya’t takot dito ang mga buso!” paliwanang ng matandang lalake.

“Wala naman tayong manukan! Hehehe. Meron po ba kayong panlaban sa ibang mababangis na aswang?” pabirong sabi ni Richard.

“Guys, nauuhaw ako. Order ako ng halu-halo doon. Sunod na lang kayo ha.” sabi ni Williard. Humiwalay siya sa dalawa at nagpunta sa tindahan ng halu-halo.

“Ang mabuti pa ay itong kontra-tiktik ang bilhin niyo. Mayroon ngayong dalawang buntis sa baranggay at kabuwanan na nila . Kapag hindi magtagumpay ang tiktik na malapa ang bata sa tiyan, maghahanap iyon ng ibang biktima.Sandali lang, bakit kung kailan bilog ang buwan ay saka kayo aakyat ng Banahaw?” walang putol na salita ng matandang babae.

“Muntik na nga pong hindi matuloy dahil sa mutiny last week.” sabi ni Richard.

“Anong mutiny?” tanong ng matanda.

“Wala po yon.” siniko ni Monroy si Richard. “ Ano po ba ang kontra-tiktik na ibinibenta niyo?”

“Bilhin nyo itong gulugod ng “piyasik”, ang pinakamabalasik na aswang! Ang tatay ko ang nakapatay sa piyasik na ito. Ito ang pinakamabisang amuleto hindi lamang sa tiktik kundi sa lahat ng uri ng aswang!” paliwanag ng matandang lalake sa hawak nitong kwintas na may palawit na buto.

“Piyasik? Ano yun,best friend?” tanong ni Richard kay Monroy.

“Monroy, Richard, anong meron diyan?” sigaw ni Jeff mula sa tindahan ng halu-halo.

Nilingon ni Monroy si Jeff at sinenyasan ito na susunod na sila. Bitbit ang dalawang baso ng pamatid-uhaw ay lumapit ito sa kanila upang tingnan ang kanilang ginagawa. Bago pa makarating si Jeff sa tindahan ay biglang nagalit ang dalawang matanda kay Monroy at Richard.

“Niloloko niyo yata kami.Lumayas kayo dito, ngayon din! Sulong!” sigaw ng matandang mag-asawa.

Nagtatakang naglakad palayo sa tindahan ng amuleta si Monroy at Richard.Sinalubong nila si Jeff na nais sanang tumingin din ng pwedeng mabiling anting-anting.

“Bakit kayo umalis? Anong nabili niyong anting-anting?” tanong ni Jeff.

“Wala nga eh dahil biglang nagalit yung mag-asawa.Hahaha!” sagot ni Richard.

“Balik tayo dahil gusto kong bumili ng anting-anting laban sa engkanto.” yaya ni Jeff sa dalawa.

“Ito kasing si Richard panay ang tawa. Ikaw na lang ang pumunta, Jeff dahil baka matunaw na yung halu-halo na inorder ni Williard.” wika ni Monroy. Pagkasabi ay nakilahok si Monroy at Richard kay Williard sa pagkain ng pamatid-uhaw sa tindahan.

Pumunta si Jeff sa tindahan ng amuleto upang tumingin ng talisman panlaban sa mga engkanto. Palapit pa lang siya sa tindahan ay mabilis na lumabas ang matandang mag-asawa at kumaripas ng takbo patungo sa likod ng dampa. Nagkakamot sa ulo na pinuntahan ni Jeff si Lily sa bamboo house upang kainin ang biniling halu-halo para sa kanilang dalawa.

Makalipas ang isang oras ay nagtipon-tipon ang mga mountaineers sa tabing-ilog. Nilagyan nila ng tubig ang kanilang mga imbakan. Ang iba ay naghilamos at naglinis ng katawan. Panay ang kuha ng litrato ni Monroy, Richard at Williard. Si Kim, ang mapamahiin, ay nagdasal sa “Bakas”, ang pinaniniwalaang yapak ni Hesukristo.

Nakahanda na ang lahat sa pag-akyat. Bilang lider ay nasa unahan si Jay. Si Lily naman ang naatasang maging “middleman” kahit siya ay isang babae. Nasa gitna ng hanay ang kaniyang posisyon. Ang “sweeper” o buntutan ay si Lanie. Labinlimang minuto bago mag alas-nuebe ay sinimulan ng mga mountainers ang pag-akyat.

Friday, February 22, 2008

Panalo na ako!

May nakuha akong award na kulay rosas mula kay Charisse at Sweet Lullaby. Ito ang...




Naiiyak tuloy ang isang Anino dahil sa kabila ng kaniyang maitim na pagkatao ay may tumanggap pa din sa kanya.

Nais kong ibahagi ang award na ito sa isang kaibigan ng kalikasan. Ang ngalan niya ay Ginabeloved.

Sana,lahat tayo ay tulad niyang naririnig ang panaghoy ni Inang Kalikasan.

Sunday, February 17, 2008

Maraming Salamat

May natanggap akong gantimpala mula kay Ginabeloved, isang alagad ni Inang Kalikasan. Maraming salamat!



Nais kong ipagkaloob ang gantimpalang ito kay Kai; Bombero King; Bunso ; So Real at I Love Philippines, too!.


Mabuhay ang mga Pinoy bloggers!

Sunday, February 10, 2008

Maraming Salamat Ulit

Walang akong sawa dahil nominado na naman ang blog ko sa BLOG OF THE WEEK (Week 95). Maraming salamat kay Talksmart dahil napili niya ang aking blog.Biruin niyo, iba ang tema nito kumpara sa mga blogs ng iba kaya't isang karangalan na mapabilang sa mga nominado.Dumami din ang mga bloggers sa aking blogroll.Kahit mahirap,isa-isa ko pa rin kayong binibisita upang mangamusta,magbasa at mag-iwan ng komento.

Maraming salamat sa mga bloggers na sumuporta at sumusuporta.Ibabalik ko ang suporta sa inyo kapag kayo naman ang kasali sa poll.Hayaan niyo, kapag lagpak na ang blog ko sa darating na Sabado, hindi ko na guguluhin ang inyong site upang mangampanya.Hehehe.

Mag-iwan naman kayo ng komento sa Kabanata 17.Tinatanggap,positibo o negatibo man.

Maraming salamat po.

Thursday, February 7, 2008

Ikalabimpitong Kabanata

17

“Ang galing mo namang lumangoy.Saan mo natutunan yan?” tanong ni Williard.

“May clubhouse sa Fairview kaya madalas kami duon ni Richard nung high school pa kami. Siya ang nagturo sa akin. Kapag nakita mong lumangoy yun, sasabihin mong wala akong kwenta.” sagot ni Monroy habang inaayos ang swimming cap. “Hindi ka ba talaga swimmer?Ang ganda kasi ng katawan mo, Lard.”

“50 Push-ups at sit-ups lang pagkagising. Langoy aso lang ang alam ko pero mahilig akong tumambay sa beach.Ayos na din yun kaysa naman hindi talaga marunong.” sagot ni Williard.

“Nasa itsura naman talaga ni Richard ang maging athletic. Ilan na ba naging girlfriend niya?” sabi ni Kristine.

“Hindi ako sure pero subsob sa pag-aaral yun kaya malamang na kakaunti pa lang.Gusto mo bang mag-apply, Tin?” sagot ni Monroy.

Dahil sa kasarapan ng kwento ay hindi namalayan ng tatlo ang paglapit ni Jade at Madelle.

“Hi,Williard. Ang ganda pala talaga ng katawan mo.Ayaw mo ba talagang sumali sa cheering squad?” bati ni Jade kay Williard.

Umahon si Kristine sa swimming pool. Umupo siya sa tabi at ibinabad ang mga paa sa tubig. Habang nakatingin kay Jade ay inayos niya ang kaniyang bathing suit. Waring nais niyang ipakita kay Jade ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

“Monroy, Williard,magbihis na tayo. Psyche class na.” yaya ni Kristine.

“5 minutes pa.” sabi ni Monroy.

“Go ahead.” sabi ni Jade.

“Mauna na akong magpalit. I’ll be waiting in the gym.” sabi ni Kristine.

Makalipas ang limang minuto ay umahon na din si Monroy at Williard upang maghanda sa klase ng Psychology. Pinuntahan nila si Kristine sa gym upang sabay-sabay magpunta sa Main building. Nang marating nila ang gusali, nakasalubong ng tatlo si Prof. Manuela. Binati ito ni Monroy at Williard. Huminto ito at tinitigan si Kristine,nakipag-usap sa pamamagitan ng isip.

You might want to change your tactic. It’s getting old.” sabi ni Kristine.

Nagsisimula ka pa lang. Hindi palaruan ang mundo natin.” sabi ni Dr.Manuela.

Kaya pala pinaglaruan mo ako dati!”

Watch your back. They are watching us.”

Mabilis na tumalikod si Dr.Manuela at pumasok sa klasrum.

“Anong nangyari? Kailangan mo ng tubig?” tanong ni Monroy.

“Hindi naman ako nauuhaw.Kinamusta lang niya ako.As I told you,hindi na niya ako kayang paglaruan pa.” sagot ni Kristine.

“Sigurado ka bang hindi ka nauuhaw?” tanong ni Williard.

“I’m fine, guys. See you later.” sagot ni Kristine.

Natapos ang klase ng Psychology ngunit hindi muna umuwi si Monroy, Williard at Kristine. Nais nilang palipasin ang heavy traffic ng rush hour kaya’t napagpasyahan nilang magpunta sa aklatan.

“Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Prof. Antonio.

“Wala namang seryosong bagay,Sir. Nagkasalubong kanina si Kristine at Dr.Manuela.” sabi ni Monroy.

“Talaga? Anong nangyari?” sabi ni Prof. Antonio.

“We’ve exchanged messages through our minds.” sagot ni Kristine.

“Anong klaseng mensahe?Anong sinabi niya sayo?” tanong ni Prof.Antonio.

“Nothing important, Sir.The good thing was, she acknowledged my improvement.It was kinda weird, wasn’t it? Then she said something…”

“Ano?” sabay na tanong ni Monroy at Williard.

“She told me to watch my back dahil may nagmamatyag daw sa amin?” sagot ni Kristine.

“Sinabi ko naman kasi sayo na iwasan mo ang paggamit ng kapangyarihan mo sa publiko dahil delikado.” sabi ni Prof. Antonio.

“But, what can posibbly happen?” tanong ni Kristine.

“Mas makabubuting sundin mo na lang ang payo ko, Kristine. Gamitin mo lang iyan kung talagang kailangan. Nagkakaintindihan ba tayo?” sabi ni Prof. Antonio.

“Yes, Sir.” sagot ni Kristine.

“Maiwan ko muna kayo dahil may mga bagong aklat na dumating mula sa Amerika.Kailangan kong asikasuhin ang mga iyon. Bakit hindi pa kayo umuuwi?”

“Masyado pang heavy ang traffic, Sir.” sagot ni Williard.

“Baka naman gabihin kayo sa paguwi.Tandaan niyo, pupunta tayo bukas sa museo.

“Mabuti pa,tulungan namin kayo sa pag-aayos ng libro.” sabi ni Monroy.

“Hindi na dahil nandiyan naman si Florante para tulungan ako.” sabi ni Prof.Antonio.

“Para mas madaling matapos, Sir!Baka kayo ang mahuli bukas sa National Museum kapag ginabi kayo dito.” sabi ni Monroy.

“Sige na nga dahil mapilit kayo.”

Napakalaki ang aklatan ng kanilang unibersidad. Isa itong gusali na may apat na palapag. Maraming mag-aaral mula sa ibang paaralan ang nagpupunta dito upang magsaliksik. Sa unang palapag ay matatagpuan ang opisina ng punong tagapangasiwa, seksyon para sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya, at ilang silid na maaaring gamitin sa conference at seminars. Nandito din ang depository area. Sa ikalawang palapag ay ang Filipiniana Section, Multimedia Resources at Periodicals Section. Sa ikatlong palapag ay ang General Reference Section na nahahati sa apat bahagi. Ang “Reference Section”, “Politics and Law”, “Philosopy” at “Fiction”. Si Prof. Antonio ang tagapangasiwa dito. Ang “Graduate Section at Art Section ay nakapwesto sa ika-apat na palapag.

“Itong mga history books muna ang unahin nating ayusin.” sabi ni Prof. Antonio. “Yung mga masyadong luma, ilagay niyo dito sa isang kahon. Sa loob ng cabinet yan itatago para hindi na lalo pang masira.”

Sinimulan ng lima ang pagsasalansan ng mga aklat na donasyon ng dalawang unibersidad sa Chicago. Mga segunda-mano na ang mga ito ngunit nasa maayos pa din na kondisyon. Napili ni Williard na pagsama-samahin ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ng mundo. Inatupag naman ni Kristine at Florante ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Asya. Ang mga aklat na masyadong luma ay inilalagay ni Monroy sa isang kahon. Napansin niya ang isang maliit at kulay brown na kwaderno. Halata sa pabalat nito ang kalumaan dahil sa mga bakbak na kulay at malaking tastas sa gilid nito. Maingat niya itong binuklat upang sipatin ang mga pahina. Salitang Ingles ang gamit ng awtor sa pagsulat.

“Sir,may napahalong notebook sa mga libro.” sabi ni Monroy.

“And so?” tanong ni Kristine.

“Oo nga. Ano bang nakasulat sa loob?” tanong ni Prof. Antonio.

Sinipat ni Monroy ang ilang mga paunang pahina ng kwaderno. Nakasulat-kamay ang mga nilalaman nito. Sa estimasyon niya, isa itong talaarawan o diary.

“Parang diary lang,Sir.Ilagay ko na sa kahon?” tanong ni Monroy.

“Patingin nga muna.” sabi ni Prof. Antonio. Kinuha niya ang diary kay Monroy. Binulatlat niya ito upang alamin ang pangalan ng may-ari nito ngunit sira na ang ilang paunang pahina. .

“Sir, pahiram naman niyan. Baka artista sa Hollywood ang may-ari niyan.” sabi ni Kristine.

“Kristine, kung artista man ang may-ari nito, malamang hindi mo kilala dahil luma na ang diary.” sabi ni Prof. Antonio.

“Sige na ,Sir! Naging curious lang ako. Ibabalik ko din sa Monday.Wala din kasi akong new bok na babasahin.” pilit ni Kristine.

“O sige ipahihiram ko sayo ito,ngunit kailangan mo itong ibalik sa Lunes.Maliwanag?” sabi ni Prof. Antonio.

“Yes,Sir!” sabi ni Kristine.

“Tapusin na natin ito para makauwi ng maaga.” sabi ni Prof. Antonio.

“Pahiram ako pagkatapos mo ha.” sabi ni Williard kay Kristine.

“At kailan ka pa naging tsismosa, Lard?” sabad ni Monroy.

“What did you say?” tanong ni Kristine.

“Sabi ko pareho pala kayong inquisitive ni Williard.” sagot ni Monroy.

Alas-diyes ng gabi ng matapos ang lahat sa pagsasalansan ng mga aklat. Bago maghiwa-hiwalay ay muli silang pinaalalahanan ni Prof. Antonio tungkol sa field trip sa National Museum.

“Kristine, sa Linggo mo na basahin yang aklat dahil baka mahuli ka bukas.” sabi ni Prof. Antonio.

Kinabukasan, handa na ang lahat upang magpunta sa National Museum. Sa bulwagan ng gusali ng Social Science ang tagpuan. Hindi pa dumarating si Monroy. Nakatanggap ng text message si Williard mula dito.

“Pakisabi kay Sir,mauna na kayo.Susunod na lang ako dahil alam ko naman kung saan yan.”

Ipinaalam ni Williard kay Kristine at Prof.Antonio ang nilalaman ng mensahe ni Monroy. Gumayak na ang klase papuntang museo. Nang marating ang museo, hindi na kumuha pa ng tour guide si Prof. Antonio dahil na din sa pagtutol ng nakararami. Nagkani-kaniyang lakad na ang bawat isa.

Nakatunghay si Kristine at Monroy sa “Spoliarium” ni Juan Luna.Saglit itong kinuhanan ng video ni Kristine.


“Ang ganda ng contrast ng painting. Look at that weeping woman, lutang ang suot niyang kulay green sa background.” sabi ni Kristine.

“Oo nga.Napansin ko din.Maganda naman talaga kaya lang ay hindi ko gusto dahil westernized.” sabi ni Williard.

“And your point is?” tanong ni Kristine.

“Tingnan mo yung “Blood Compact” niya. Kahit hindi sikat, mga Filipino naman ang makikita mo dito. Itong Spoliarium ang kaniyang masterpiece. Imagine kung mga Filipino talaga ang naririyan.Ang ganda diba?Bakit kailangang mga Roman gladiators ang nasa masterpiece niya?” sagot ni Williard.

“Huummm, oo nga. Pero ganun pa man, we have to be proud of this masterpiece.” sabi ni Kristine.

“I do.I do acknowledge that fact.” sabi ni Williard.

Ipinagpatuloy ni Kristine at Williard ang pagliibot. Nakita nila si Jade at Tina na tinitingnan ang “Laguna Copper Plate”.

“Tungkol pala sa utang ang nakasulat. Biruin mo, may mga bumbay na pala dati.” sabi ni Jade kay Tina.

“Oo naman. Ang mga Indians naman ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.

“Ganun na nga. Kaya pala nauso ang 5-6 dito sa atin. Dapat hindi na sila nagpunta pa dito.”

“So is that your analysis? You are as shallow as a teaspoon.” singit ni Kristine.

“Hoy, masamang magpautang ng 5-6.” sabi ni Jade.

“Hell, I know that. I bet you don’t know that Laguna Copper Plate is one of the few evidences which refute the assumption that there was no pre-hispanic Philippines.” sabi ni Kristine.

“Tama na yan, Kristine. Nandito na si Monroy.” awat ni Williard.

“Hi! What’s the commotion?” tanong ni Monroy.

“Girl’s talk, Monroy. Hahaha.” sagot ni Williard.

“Out of my way. I want to have a good look.” sabi ni Kristine.

“Halika na Jade dun sa lumubog na barkong San Diego.” anyaya ni Tina sa kasama.

“That’s a good idea.” sabi ni Jade.

Matapos tingnan ang Laguna Copper Plate, pinuntahan ni Monroy,Williard at Kristine ang marangyang barko ng San Diego na lumubog sa Batangas. Isinunod nila ang mga koleksyon ng banga at tapayan na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang Filipino. Nakita nila si Prof. Antonio na sinisiyasat ang “Manunggul Jar”. Nakiusyoso na din ang tatlo.

“Kinikilabutan ako.Imagine, diyan ipinapasok ang bangkay.” sabi ni Kristine.

“Mas maganda pa nga yan sa mga kabaong ngayon.

“Sir, sino ba yung character sa Greek Mythology na naghahatid sa mga kaluluwa sa Styx River?” tanong ni Monroy.

“Phlegyas.” sagot ni Prof. Antonio.

“Parang si Phlegyas pala yang bangkero.May connection kaya yang bangkero natin sa Greek Mythology?”

“Wow!Magandang assumption yan,Monroy. Magaling!Gusto kong makita yan sa reaction paper mo.” sabi ni Prof. Antonio.

“Tsaka Sir,bakit kailangan pang hukayin muli ang bangkay para ilipat sa mga jars na yan?For cultural belief ba talaga?May iba pa bang dahilan?” tanong ni Williard.

“Anong ibig mong sabihin?” balik-tanong ni Prof. Antonio.

“Kasi sa Negros, laging binabantayan ang mga puntod dahil may mga lumalapastangan sa mga bangkay.” sagot ni Williard.

“Mahusay na pag-iisip. Ipaliwanag mo ang gusto mong sabihin sa iyong reaction paper, Williard.” sabi ni Prof. Antonio.

Sumapit ang Alas-dos at nalibot ng klase ang buong museo. Muling nagtipon ang lahat sa entrada ng gusali.

“Sayang,hindi ko nahiram yung camera ng Tita ko.” sabi ni Nelson kay Tina.

“Bawal naman ang kumuha ng pictures.” sabi ni Jade.

“Hindi naman nila malalaman.” sabi ni Nelson.

“On Monday, I want all your reaction paper.Mag-ingat kayo sa pag-uwi.” sabi ni Prof. Antonio.

Monday, February 4, 2008

5 Star Blog Award

Maraming salamat kay SOTRUE dahil sa ipinagkaloob niyang gantimpala.

This 5-Star Blog Award is given to a blogger whose blog is of highest classification.A blog of excellence in the following criteria:- content, design and style, informative and accomodating

Nais kong ipasa ang gantimpalang ito kay: The Social Critic; ZKEY at Kulay; The Wandering Commuter; Bombero; Janmania; Satanas at kay Arabian Josh

Saturday, February 2, 2008

Maraming Salamat

Top 5 po ang blog ko sa nakalipas na botohan. Sa bilang na boto ay nasa ikalawang posisyon ako.Sumadsad sa ikalima dahil sa bagsak sa ibang batayan.
Maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay ni
talksmart sa akin. Dahil sa poll, marami akong mga bagong nakilalang bloggers, marami akong naging bisita,at higit sa lahat, nakita ko ang suporta ng aking mga ka-bloglink! Kilala niyo na kung sino kayo.Hayaan niyo,mas lalo akong magiging masipag sa pagbisita sa inyong mga sites.
Maraming salamat!


Nominado ulit ako para sa Week 94.