Thursday, February 7, 2008

Ikalabimpitong Kabanata

17

“Ang galing mo namang lumangoy.Saan mo natutunan yan?” tanong ni Williard.

“May clubhouse sa Fairview kaya madalas kami duon ni Richard nung high school pa kami. Siya ang nagturo sa akin. Kapag nakita mong lumangoy yun, sasabihin mong wala akong kwenta.” sagot ni Monroy habang inaayos ang swimming cap. “Hindi ka ba talaga swimmer?Ang ganda kasi ng katawan mo, Lard.”

“50 Push-ups at sit-ups lang pagkagising. Langoy aso lang ang alam ko pero mahilig akong tumambay sa beach.Ayos na din yun kaysa naman hindi talaga marunong.” sagot ni Williard.

“Nasa itsura naman talaga ni Richard ang maging athletic. Ilan na ba naging girlfriend niya?” sabi ni Kristine.

“Hindi ako sure pero subsob sa pag-aaral yun kaya malamang na kakaunti pa lang.Gusto mo bang mag-apply, Tin?” sagot ni Monroy.

Dahil sa kasarapan ng kwento ay hindi namalayan ng tatlo ang paglapit ni Jade at Madelle.

“Hi,Williard. Ang ganda pala talaga ng katawan mo.Ayaw mo ba talagang sumali sa cheering squad?” bati ni Jade kay Williard.

Umahon si Kristine sa swimming pool. Umupo siya sa tabi at ibinabad ang mga paa sa tubig. Habang nakatingin kay Jade ay inayos niya ang kaniyang bathing suit. Waring nais niyang ipakita kay Jade ang magandang hubog ng kaniyang katawan.

“Monroy, Williard,magbihis na tayo. Psyche class na.” yaya ni Kristine.

“5 minutes pa.” sabi ni Monroy.

“Go ahead.” sabi ni Jade.

“Mauna na akong magpalit. I’ll be waiting in the gym.” sabi ni Kristine.

Makalipas ang limang minuto ay umahon na din si Monroy at Williard upang maghanda sa klase ng Psychology. Pinuntahan nila si Kristine sa gym upang sabay-sabay magpunta sa Main building. Nang marating nila ang gusali, nakasalubong ng tatlo si Prof. Manuela. Binati ito ni Monroy at Williard. Huminto ito at tinitigan si Kristine,nakipag-usap sa pamamagitan ng isip.

You might want to change your tactic. It’s getting old.” sabi ni Kristine.

Nagsisimula ka pa lang. Hindi palaruan ang mundo natin.” sabi ni Dr.Manuela.

Kaya pala pinaglaruan mo ako dati!”

Watch your back. They are watching us.”

Mabilis na tumalikod si Dr.Manuela at pumasok sa klasrum.

“Anong nangyari? Kailangan mo ng tubig?” tanong ni Monroy.

“Hindi naman ako nauuhaw.Kinamusta lang niya ako.As I told you,hindi na niya ako kayang paglaruan pa.” sagot ni Kristine.

“Sigurado ka bang hindi ka nauuhaw?” tanong ni Williard.

“I’m fine, guys. See you later.” sagot ni Kristine.

Natapos ang klase ng Psychology ngunit hindi muna umuwi si Monroy, Williard at Kristine. Nais nilang palipasin ang heavy traffic ng rush hour kaya’t napagpasyahan nilang magpunta sa aklatan.

“Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Prof. Antonio.

“Wala namang seryosong bagay,Sir. Nagkasalubong kanina si Kristine at Dr.Manuela.” sabi ni Monroy.

“Talaga? Anong nangyari?” sabi ni Prof. Antonio.

“We’ve exchanged messages through our minds.” sagot ni Kristine.

“Anong klaseng mensahe?Anong sinabi niya sayo?” tanong ni Prof.Antonio.

“Nothing important, Sir.The good thing was, she acknowledged my improvement.It was kinda weird, wasn’t it? Then she said something…”

“Ano?” sabay na tanong ni Monroy at Williard.

“She told me to watch my back dahil may nagmamatyag daw sa amin?” sagot ni Kristine.

“Sinabi ko naman kasi sayo na iwasan mo ang paggamit ng kapangyarihan mo sa publiko dahil delikado.” sabi ni Prof. Antonio.

“But, what can posibbly happen?” tanong ni Kristine.

“Mas makabubuting sundin mo na lang ang payo ko, Kristine. Gamitin mo lang iyan kung talagang kailangan. Nagkakaintindihan ba tayo?” sabi ni Prof. Antonio.

“Yes, Sir.” sagot ni Kristine.

“Maiwan ko muna kayo dahil may mga bagong aklat na dumating mula sa Amerika.Kailangan kong asikasuhin ang mga iyon. Bakit hindi pa kayo umuuwi?”

“Masyado pang heavy ang traffic, Sir.” sagot ni Williard.

“Baka naman gabihin kayo sa paguwi.Tandaan niyo, pupunta tayo bukas sa museo.

“Mabuti pa,tulungan namin kayo sa pag-aayos ng libro.” sabi ni Monroy.

“Hindi na dahil nandiyan naman si Florante para tulungan ako.” sabi ni Prof.Antonio.

“Para mas madaling matapos, Sir!Baka kayo ang mahuli bukas sa National Museum kapag ginabi kayo dito.” sabi ni Monroy.

“Sige na nga dahil mapilit kayo.”

Napakalaki ang aklatan ng kanilang unibersidad. Isa itong gusali na may apat na palapag. Maraming mag-aaral mula sa ibang paaralan ang nagpupunta dito upang magsaliksik. Sa unang palapag ay matatagpuan ang opisina ng punong tagapangasiwa, seksyon para sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya, at ilang silid na maaaring gamitin sa conference at seminars. Nandito din ang depository area. Sa ikalawang palapag ay ang Filipiniana Section, Multimedia Resources at Periodicals Section. Sa ikatlong palapag ay ang General Reference Section na nahahati sa apat bahagi. Ang “Reference Section”, “Politics and Law”, “Philosopy” at “Fiction”. Si Prof. Antonio ang tagapangasiwa dito. Ang “Graduate Section at Art Section ay nakapwesto sa ika-apat na palapag.

“Itong mga history books muna ang unahin nating ayusin.” sabi ni Prof. Antonio. “Yung mga masyadong luma, ilagay niyo dito sa isang kahon. Sa loob ng cabinet yan itatago para hindi na lalo pang masira.”

Sinimulan ng lima ang pagsasalansan ng mga aklat na donasyon ng dalawang unibersidad sa Chicago. Mga segunda-mano na ang mga ito ngunit nasa maayos pa din na kondisyon. Napili ni Williard na pagsama-samahin ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ng mundo. Inatupag naman ni Kristine at Florante ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Asya. Ang mga aklat na masyadong luma ay inilalagay ni Monroy sa isang kahon. Napansin niya ang isang maliit at kulay brown na kwaderno. Halata sa pabalat nito ang kalumaan dahil sa mga bakbak na kulay at malaking tastas sa gilid nito. Maingat niya itong binuklat upang sipatin ang mga pahina. Salitang Ingles ang gamit ng awtor sa pagsulat.

“Sir,may napahalong notebook sa mga libro.” sabi ni Monroy.

“And so?” tanong ni Kristine.

“Oo nga. Ano bang nakasulat sa loob?” tanong ni Prof. Antonio.

Sinipat ni Monroy ang ilang mga paunang pahina ng kwaderno. Nakasulat-kamay ang mga nilalaman nito. Sa estimasyon niya, isa itong talaarawan o diary.

“Parang diary lang,Sir.Ilagay ko na sa kahon?” tanong ni Monroy.

“Patingin nga muna.” sabi ni Prof. Antonio. Kinuha niya ang diary kay Monroy. Binulatlat niya ito upang alamin ang pangalan ng may-ari nito ngunit sira na ang ilang paunang pahina. .

“Sir, pahiram naman niyan. Baka artista sa Hollywood ang may-ari niyan.” sabi ni Kristine.

“Kristine, kung artista man ang may-ari nito, malamang hindi mo kilala dahil luma na ang diary.” sabi ni Prof. Antonio.

“Sige na ,Sir! Naging curious lang ako. Ibabalik ko din sa Monday.Wala din kasi akong new bok na babasahin.” pilit ni Kristine.

“O sige ipahihiram ko sayo ito,ngunit kailangan mo itong ibalik sa Lunes.Maliwanag?” sabi ni Prof. Antonio.

“Yes,Sir!” sabi ni Kristine.

“Tapusin na natin ito para makauwi ng maaga.” sabi ni Prof. Antonio.

“Pahiram ako pagkatapos mo ha.” sabi ni Williard kay Kristine.

“At kailan ka pa naging tsismosa, Lard?” sabad ni Monroy.

“What did you say?” tanong ni Kristine.

“Sabi ko pareho pala kayong inquisitive ni Williard.” sagot ni Monroy.

Alas-diyes ng gabi ng matapos ang lahat sa pagsasalansan ng mga aklat. Bago maghiwa-hiwalay ay muli silang pinaalalahanan ni Prof. Antonio tungkol sa field trip sa National Museum.

“Kristine, sa Linggo mo na basahin yang aklat dahil baka mahuli ka bukas.” sabi ni Prof. Antonio.

Kinabukasan, handa na ang lahat upang magpunta sa National Museum. Sa bulwagan ng gusali ng Social Science ang tagpuan. Hindi pa dumarating si Monroy. Nakatanggap ng text message si Williard mula dito.

“Pakisabi kay Sir,mauna na kayo.Susunod na lang ako dahil alam ko naman kung saan yan.”

Ipinaalam ni Williard kay Kristine at Prof.Antonio ang nilalaman ng mensahe ni Monroy. Gumayak na ang klase papuntang museo. Nang marating ang museo, hindi na kumuha pa ng tour guide si Prof. Antonio dahil na din sa pagtutol ng nakararami. Nagkani-kaniyang lakad na ang bawat isa.

Nakatunghay si Kristine at Monroy sa “Spoliarium” ni Juan Luna.Saglit itong kinuhanan ng video ni Kristine.


“Ang ganda ng contrast ng painting. Look at that weeping woman, lutang ang suot niyang kulay green sa background.” sabi ni Kristine.

“Oo nga.Napansin ko din.Maganda naman talaga kaya lang ay hindi ko gusto dahil westernized.” sabi ni Williard.

“And your point is?” tanong ni Kristine.

“Tingnan mo yung “Blood Compact” niya. Kahit hindi sikat, mga Filipino naman ang makikita mo dito. Itong Spoliarium ang kaniyang masterpiece. Imagine kung mga Filipino talaga ang naririyan.Ang ganda diba?Bakit kailangang mga Roman gladiators ang nasa masterpiece niya?” sagot ni Williard.

“Huummm, oo nga. Pero ganun pa man, we have to be proud of this masterpiece.” sabi ni Kristine.

“I do.I do acknowledge that fact.” sabi ni Williard.

Ipinagpatuloy ni Kristine at Williard ang pagliibot. Nakita nila si Jade at Tina na tinitingnan ang “Laguna Copper Plate”.

“Tungkol pala sa utang ang nakasulat. Biruin mo, may mga bumbay na pala dati.” sabi ni Jade kay Tina.

“Oo naman. Ang mga Indians naman ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.

“Ganun na nga. Kaya pala nauso ang 5-6 dito sa atin. Dapat hindi na sila nagpunta pa dito.”

“So is that your analysis? You are as shallow as a teaspoon.” singit ni Kristine.

“Hoy, masamang magpautang ng 5-6.” sabi ni Jade.

“Hell, I know that. I bet you don’t know that Laguna Copper Plate is one of the few evidences which refute the assumption that there was no pre-hispanic Philippines.” sabi ni Kristine.

“Tama na yan, Kristine. Nandito na si Monroy.” awat ni Williard.

“Hi! What’s the commotion?” tanong ni Monroy.

“Girl’s talk, Monroy. Hahaha.” sagot ni Williard.

“Out of my way. I want to have a good look.” sabi ni Kristine.

“Halika na Jade dun sa lumubog na barkong San Diego.” anyaya ni Tina sa kasama.

“That’s a good idea.” sabi ni Jade.

Matapos tingnan ang Laguna Copper Plate, pinuntahan ni Monroy,Williard at Kristine ang marangyang barko ng San Diego na lumubog sa Batangas. Isinunod nila ang mga koleksyon ng banga at tapayan na ginamit sa paglilibing ng mga sinaunang Filipino. Nakita nila si Prof. Antonio na sinisiyasat ang “Manunggul Jar”. Nakiusyoso na din ang tatlo.

“Kinikilabutan ako.Imagine, diyan ipinapasok ang bangkay.” sabi ni Kristine.

“Mas maganda pa nga yan sa mga kabaong ngayon.

“Sir, sino ba yung character sa Greek Mythology na naghahatid sa mga kaluluwa sa Styx River?” tanong ni Monroy.

“Phlegyas.” sagot ni Prof. Antonio.

“Parang si Phlegyas pala yang bangkero.May connection kaya yang bangkero natin sa Greek Mythology?”

“Wow!Magandang assumption yan,Monroy. Magaling!Gusto kong makita yan sa reaction paper mo.” sabi ni Prof. Antonio.

“Tsaka Sir,bakit kailangan pang hukayin muli ang bangkay para ilipat sa mga jars na yan?For cultural belief ba talaga?May iba pa bang dahilan?” tanong ni Williard.

“Anong ibig mong sabihin?” balik-tanong ni Prof. Antonio.

“Kasi sa Negros, laging binabantayan ang mga puntod dahil may mga lumalapastangan sa mga bangkay.” sagot ni Williard.

“Mahusay na pag-iisip. Ipaliwanag mo ang gusto mong sabihin sa iyong reaction paper, Williard.” sabi ni Prof. Antonio.

Sumapit ang Alas-dos at nalibot ng klase ang buong museo. Muling nagtipon ang lahat sa entrada ng gusali.

“Sayang,hindi ko nahiram yung camera ng Tita ko.” sabi ni Nelson kay Tina.

“Bawal naman ang kumuha ng pictures.” sabi ni Jade.

“Hindi naman nila malalaman.” sabi ni Nelson.

“On Monday, I want all your reaction paper.Mag-ingat kayo sa pag-uwi.” sabi ni Prof. Antonio.

5 comments:

thaistory said...
This comment has been removed by a blog administrator.
bunso said...

ei kuya, ilan kabanata lahat to?and what title nito?saka na po ko magbabasa pagtapos u na po ha..hehe..sigurado na maganda to!

Anino said...

Bunso,hindi ko maaaring sabihin ang bilang ng kabanata.

Mas maganda kung basahin mo na dahil maikli lang naman ang bawat kabanata.
Maraming salamat sa komento.

At sa pagboto na din.

Eljen Palomar said...
This comment has been removed by the author.
xserman said...

The information you provide is very nice.
kpss de, seo uzmanı, googleuzmanı, at yarışı yorumları. Thank you very, very valuable admin.