Tuesday, October 30, 2007

Unang Kabanata



1
Araw ng Biyernes, alas-dos ng tanghali, kumakain si Monroy sa kantina ng kanyang unibersidad. Kanin, pinakbet, at samalamig ang kanyang tanghalian. Napilitan lang siyang umorder ng pinakbet dahil wala ng iba pang pagkain. Lahat yata ng pagkain ay makakaya niyang kainin, maliban sa pinakbet na may bagoong. Wala siyang hindi kinakain na gulay maliban sa bagoong. Mas mabuti pang igisa ang gulay kaysa lagyan ng bagoong para kanya. Mabuti na lang at may naabutan pa siyang samalamig. Paborito niya itong pamatid-uhaw. Tinanghali si Monroy ng gising kaya isa siya sa mga pinaka-huling natapos sa enrollment. Masaya siya dahil nakapasok siya sa gusto niyang pamantasan. Isa ito sa mga pinakamahuhusay na unibersidad sa bansa.

Kung tutuusin ay kaya niyang mag-aral sa mamahaling pamantasan dahil mayaman ang pamilya niya ngunit dito siya pinadpad ng kanyang adhikain. Sa isang unibersidad ng mga iskolar ng bayan niya aabutin ang pangarap na maging isang guro. Ang unibersidad na kaniyang papasukan ay tanyag sa kagalingan sa larangan ng kursong edukasyon. Sa ngayon ay hindi pa niya alam kung anong espelisasyon ng pagtuturo ang kaniyang papasukin ngunit sigurado siya sa kaniyang sarili na nais niyang maging isang guro. Tatlong araw na lang ay pasukan na kaya't nasasabik na siya. Malapit na siyang matapos kumain ng may lumapit sa kanya. Isang maganda, seksi, at matangkad na babae. Halatang sosyal ito dahil sa mamahaling kasuotan.
“Hi, pwedeng maki-share ng table?” tanong ng babae.
“Sure. Go ahead.” sagot ni Monroy. Sa isip niya, kursunada siya ng babae dahil sa dami ng bakanteng lamesa ay tumabi pa ito sa kanya. Hindi sa pagmamayabang ngunit may itsura naman siya. Pagdating sa pag-aaral, hindi siya pahuhuli. Matangkad din naman siya ngunit mas mataas ang babae sa kanya. Umupo ang babae. Magkaharap sila sa mesa. Pasulyap-sulyap si Monroy dito tuwing susubo ito ng pagkain. Napansin niya na may inis sa mukha nito.
“Ang init naman dito.” sabi ng babae.
“Okey lang naman sa akin” sabi ni Monroy. Nginitian niya ang babae.
“I’m Kristine. And you are?” tanong nito.
“Monroy.”
“And the food, gross!” sabi ni Kristine.
Nag-ring ang cellphone ni Kristine at sinagot niya ito. Mahigit anim na minuto ang itinagal ng usapan ni Kristine at ng kaniyang ina.
“Shit! I can’t believe this is happening to me. Monry, tell me this is not real!” sabi ni Kristine
“It’s Monroy. Anong problema?” tanong ni Monroy kay Kristine.
Ikinuwento ni Kristine ang dahilan ng pagka-inis niya. Dapat ay sa DLSU siya mag-aaral. Bayaran na ng tuwisyon ng maholdap siya sa kalye ng Taft. Gamit ang cellphone habang naglalakad patungo sa kotse niya, tinutukan siya ng kutsilyo ng holdaper. Kinuha ng holdaper ang bag at cellphone niya. Nasa bag ang pambayad niya ng tuwisyon. Mayaman ang pamilya ni Kristine ngunit hindi biro ang halaga ng salaping nakuha sa kanya. Alam niya na magagalit ang kanyang ina kapag nalaman ang insidente at iyon ang ayaw niyang mangyari. Hindi ito maramot sa pera kung may balidong rason. Inilihim niya dito ang naganap na insidente. Naghanap siya ng ibang unibersidad na maaring pasukan at ibinili niya ng bagong cellphone ang natitira niyang pera.
“Sa pagkaka-intindi ko, hindi alam ng Mom mo na dito ka mag-aaral?” tanong ni Monroy.
“Oo. Mabuti nga nakahabol ako sa last admission test. At isa pa, malapit ito sa La Salle kaya hindi mahahalata ng Mom ko.” paliwanag ni Kristine.
“Ang laki ng problema na pinasok mo.”

“We will see. Monry, I have to go. See you next week. May I have your cellphone number?”
“Sure.” Ibinigay ni Monroy ang number niya. “See you around.”
Matapos makuha ang kanyang cellphone number ay nagpaalam na si Kristine sa kanya.
“Arte.” bulong ni Monroy.Isang katangian na ayaw ni Monroy ang kaartehan.


6 comments:

Anonymous said...

wala pa ba yung kabanata 16???

Jessica said...

sanay akong magbasa na nagsisimula sa ending. o kahit sa anong pahina. pero start na lang ako sa una, trip ko eh. hehehe!

naku, mukhang di kame bagay ni monroy. maarte me eh. hahaha!

bukas kabanata 2. pero di ko lang tiyak, baka diretso ako sa 10.

b3ll3 said...

hmmm..tungkol saan kaya itong kwento na to? ngayon pa lang mi nagsisimula magbasa! maganda po sya kuya! babasahin ko pa un ibang kabanata!bravo kuya!

Anino said...

Caca, nalilito na yata ang puso mo.Una si Monroy.Sumunod si Williard.At si Prof.Antonio naman doon sa Kabanata 4.Sino ba talaga?

Bunso,salamat at mukhang magugustuhan mo.

SPLICE said...

Unang kabanata. Check.

Anonymous said...

Splice and Dice, salamat sa pagbabasa.